FLASHBACK
"Bea, meet Ej, siya yung sinasabi ko sa'yo na from UST" Pagpapakilala ni Jesse De Leon, a junior player of UST WVT.
"Hi Bea, I heard many things about you from ate Jessie, it's good to finally meet you" Sabi niya at nilahad ang kanyang kamay.
"He..hello" Sagot ni Bea, na isa namang player from St.Pedro Poveda
Hindi naniniwala si Bea kailanman sa love at first sight or ano mang cheesy na mga bagay.. until now.
"Alam mo ba, ang kwento sa akin ni ate, madaldal ka daw, tapos hello lang ang isasagot mo sa akin?" Tanong ni Ej at natawa.
"Sorry, uhm, ehem. Sorry" Sagot ni Bea. She mentally slapped her face dahil hindi siya makasagot ng maayos.
"Hahaha, nahihiya pa eh, sige Bei, maiwan ko muna kayo diyan, after training labas tayo" Singit ni Jesse at umalis na para pumunta nga sa training nila.
Nasa QPav si Bea ngayon dahil inaya siya ni Jessie na manuod ng training dahil malapit na din matapos sa high school si Bea at inaaya siya ni Jesse na matagal na niyang kakilala na ipagpatuloy ang volleyball sa college.
Pati na din si Ej, na galing UST HS ay inaaya ni Jessie na sa UST na din mag college.
"Sabi ni ate Jess, wala ka na daw balak mag volleyball?" Pagbabasag ng katahimikan ni Ej sa pagitan nilang dalawa dahil hindi naman nagsasalita si Bea.
"Ah, yes, mas gusto ko kasi sanang mag focus sa studies eh" Sagot ni Bea.
"Why? Gusto mo ba mag med or law para mag focus ka ng sobra?" Tanong ulit ni Ej.
"Uhm, no, I'm into business" Sagot ni Bea, that slowly nagiging okay na with Ej being around dahil she just developed a secret crush.
"I guess you have business?" Panghuhula ni Ej.
"Ah, yes" Mahinang sagot ni Bea.
"Mayaman ka pala" Sabi ni Ej.
"Hindi ako, siguro parents ko, but not me" Sagot ni Bea.
"Ay, wow, humble. I'm starting to like you" Sabi ni Ej.
"Well, I'm starting to like you too" Sagot ni Bea pero di naman niya sinadya na marinig iyon ni Ej, ngunit nainig ito ng isa.
"Crush mo ba ako? Haha" Tanong ni Ej.
"Ha? Ah.. eh hi.. hindi no" Pagtanggi ni Bea na parang sumasagot sa isang recitation na hindi niya alam ang sagot.
"Kasi ako? Crush kita" Sabi ni Ej, full of confidence.
Napatingin si Bea sa kausap niya at nagulat sa sinabi nito.
"I saw you before, napapanuod kita maglaro, my cousin is one of your team mates, I always use her as my excuse to watch your games, but it's you. Kasi first time pa lang kita makita, crush na kita" Pagamin ni Ej na nagpatahimik sa dalawa. Ang maririnig lang na tunog ay mula sa mga nagttraining na volleyball players sa court.
"I.. I don't know what to say" Natatawang sabi ni Bea na nag pabasag sa katahimikan sa kanilang dalawa.
"I can't go with you later with ate Jess, but I love to, it's just that I need to do something, can we go out sometimes?" Tanong ni Ej.
"O.. Oo naman" Sagot ni Bea.
"Here's my number, I can go out next saturday, text me na lang para makapag usap tayo" Sabi ni Ej at binigay kay Bea ang isang papel na may number niya.
YOU ARE READING
Summer Daze (JiBea FanFic) COMPLETED
FanficThe lady eagles won their first ever volleyball championship, that's a great thing, right? Well, apparently. But as coach Tai said, "They are acting like superstars" In times like that, what the lady eagles need is time that they can be pulled...