Chapter 18

3.9K 104 8
                                    

A/N: Back in time in my profile!

Kinabukasan ay kinukulit ni Mich si Jia na mag kwento. Nag kwento naman si Jia, pero syempre, di na niya muna sinabi ang mga parte katulad ng ginawa ni Bea nung bata pa siya. Balak kasi ni Jia na gamitin iyon pangblack mail kay Bea. 

Sabay na ang dalawa sa kotse ni Mich, ng maka dating din sila dun ay automatic na hinanap kagad ni Jia si Bea na nakita niyang nakikipag usap kay Jho. 

Excited si Jia na naglakad ngunit napahinto kagad siya kaya naman nauntog sa likod niya si Mich na hinampas siya. 

Magrereklamo na sana si Mich kay Jia ngunit tinaas lang ni Jia ang kanyang kamay. "Mich" 

"Ano?" Tanong ng isa. 

"Diba mag ka group kayo ni Jho sa barrio before?" Tanong nito. 

"Yep, bakit?" Takang tanong ng isa. 

"Pumupunta ba si Bea sainyo?" Tanong ulit niya. 

"Oo, to check us up, bakit ba?" Nakukulitang tanong ni Mich. 

"Sino usually niyang kausap?" 

"Si Jho, bakit?" Tanong pabalik ni Mich.

" Ano nga palang balak na kuning number ni Jho?" 

"15 ata. Jia, ang kulit mo, bakit ba?" Tanong nito. 

"Shit" Bulong ni Jia. 

Tinignan lang siya ni Mich. 

"Remember, sabi ni Bea, ang liligawan daw niya may 1 sa jersey? Tapos sa team si Jho lang ang pinaka close niya" 

"Well, bukod sa'yo" Sabi ni Mich. 

Napatingin si Jia kay Mich. "Isipin mo, Jia, malay mo ikaw yun liligawan niya. Baka naman di siya dumb talaga sa pag amin mo, diba?" 

"Eh bakit siya magpapatulong sa akin?" Tanong ni Jia. 

Napa kamot naman sa ulo si Mich "Oo nga no" 

"Pagmasdan mo muna, ano ka ba. Mamaya awayin mo si Jho" Natatawang dagdag niya. 

"I will not do such thing, Mich" Sagot ni Jia. 

"Naninigurado lang ako. Jia" Natatawang sabi ni Mich. 

"Basta, wag ka muna mag jump into conclusions ha? Hintayin na lang natin na sabihin niya sa'yo yun" Sagot ni Mich and patted Jia's back bago umalis. 

Dumaan si Mich sa gilid ni Bea kaya naman alam niyang nandito na kagad siJia. 

Nilibot niya ang kanyang paningin at tumigil yun sa mata ni Jia na kanina pa siya tinitignan. 

Bea smiled at her, nagpaalam din siya kay Jho muna tsaka patakbong lumapit kay JIia. 

"Hi! Good morning!" Bati ni Jia.

"Morning" Simpleng sagot ni Jia at ngumiti, tumalikod siya kay Bea, at kunwaring aayusin ang sintas. 

"Okay ka lang?" Tanong ni Bea. 

"Hmm-mm" Sagot ni Jia. 

Ng hindi na sumagot si Bea ay akala ni Jia na umalis na ang isa ngunit pagtapos niya ay nagulat siya na nandun pa din si Bea. 

"What's the matter?" May pagaalala sa tono ng boses ni Bea. 

"Wala naman, masakit lang ang ulo ko, halos umaga na din ako nakatulog eh" Sagot ni Jia. 

Summer Daze (JiBea FanFic) COMPLETEDWhere stories live. Discover now