Chapter 21

4.3K 117 14
                                    

A/N: Unexpected Love in my profile!

"Matapos niya akong pasiyahin kahapon, sasaktan niya ako. Ang kapal ng mukha niya"

Natatawa si Mich sa inaakto ng kanyang best friend.

Kung alam mo lang Jia.

"Sino ba naman kasi nagsabi sa'yo na magpaka saya ka kahapon? Eh sa lahat ng tao, ikaw ang nakaka alam sa mangyayari ngayong araw" Sagot ni Mich. Hinagisan niya si Jia ng bimpo para punasan ng isa ang mukha niya.

Literal na lumuluha na talaga ngayon si Jia.

"Ang sakit sakit" Sabi ni Jia, she blow her nose to her tissue, and her tears to Mich's towel.

Hinawakan ni Jia ang kanyang dibdib at hinampas hampas ito "Sobrang sakit"

Pinipigilan ni Mich ang kanyang pagtawa. Pero ng hindi na kinaya ay sinabi kay Jia na sandali lang at lumabas ng kwarto.

She saw Ella and Den bringing the flowers that they will set up for later.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ni Den.

"Grabe si Jia-" Humawak siya sa kanyang dibdib at ginaya si Jia "Sobrang sakit"

"Haha, gago ka Mich" Sabi ni Ella. Tumawa din ng tumawa si Den.

"Ang sama mo, comfort her! Baka di pununta yun mamaya" Sabi ni Den.

"Oo, papasok na po ako, see you later!" Sabi ni Mich.

Pumasok siya at nakita si Jia na hindi pa din tumitigil sa kaka iyak.

"Tahan na. Wag ka na umiyak ng sobra, hindi mo ikakaganda yan" Sabi ni Mich at hinagod hagod pa ang likod ni Jia.

Hindi pa nakaka sagot si Jia ng pumasok si Jho sa kwarto.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Tanong nito kay Jia. 

Imbis na sumagot ay mas humagulgol pa ito.

"Hindi mo ito makakausap Jho, sige na ako na bahala dito" Turo ni Mich kay Jia.

"Hm, sige. Mukhang aalis ang team ha? Ano meron?" Tanong ni Jho.

"Hindi ko din alam Jho, sama ka na lang kila ate Den" Sagot ni Mich.

Umoo na lang si Jho, ngumiti ito at lumabas na ng kwarto.

"See? Si Jho yun! Ayoko na. Hindi na ako sasama, tell Bea I'm sick. Or yet, dying" Sabi ni Jia.

Humiga na si Jia sa kama niya at nag talukbong ng kumot.

"Hoy hoy, hindi yan tama Jia. Wag ka mag inaso diyan. Umayos ka ha. Mag bihis ka na. Aalis na tayo maya maya" Pag sesermon ni Mich.

"Best friend ba talaga kita? Gusto mo bang makita talaga akong nasasaktan? Mich just this one, please" Halos pagmamakaawa ni Jia.

"Jia, be strong. Wag kang umakto ng ganyan, kung nakaya mo yung kay Miguel before, kaya mo din today, kayang kaya mo yan. Dress up! Wag ka na gumanyan. Put up your brave face on, your game face. Okay? Dito lang ako sa likod mo" Pag sesermon ni Mich.

Minsan lang siya mag salita kay Jia, kaya naman nakuha si Jia sa ganun. Kahit ayaw ay tamad na tamad siyang tumayo.

Naglakad siya papunta ng cabinet. "Ano na isusuot ko?"

"Kahit san ka naman comfortable" Sagot ni Mich at ngumiti.

Umoo na lang si Jia  at naghablot ng kung anong damit.

Summer Daze (JiBea FanFic) COMPLETEDWhere stories live. Discover now