Chapter 9

4.3K 105 4
                                    

Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan si Jia.

Tinalo pa ito ng kaba nung championship game nila laban sa La Salle. Para bang ang kaba niya parasa apat na laro ay pinagsama sama ngayon. 

Nakauwi na ang lahat ng team mates niya galing sa orphanage. At naghahanda na para sa kanilang huling gabi dito. 

Si Jia naman ay kanina pa handa dahil mas nauna sila ni Mich na bumalik. 

Kaya naman ay lumabas siya sa terrace para pagmasdan ang buong paligid kung saan sila namalagi ng isang buwan. 

Kung titignan ay kasuklam suklam para kay Jia ang pagpaligi dito nung una, pero dahil na rin sa kasama niya ang team mates niya sa lahat, at sa pagtulong sakanya ni Bea ay naenjoy niya na para bang hindi niya napansin na lumipas na kagad ang isang buwan. 

Speaking of Bea, kasabay ng team mates niya bumalik ang isa. 

Pero dahil hindi naman talaga sila naguusap ay parang normal na lang din nung dinaanan lang ni Jia si Bea kanina. 

Pero ang totoo ay nasasaktan si Jia kapag ginagawa niya iyon, sadyang  ngayon ay narealized niya lang ang kanyang nararamdaman kaya ang magulo dati ay nabigyan na ng linaw ngayon. 

Naalala niya pa ang una nilang pagkikita ni Bea, hindi iyon nagsimula ng maayos kaya naman hindi din iyon nagpatuloy ng maayos. 

Hanggang sa na weirduhan siya kung bakit sa ibang oras na hindi siya iinisin ni Bea ay namimiss niya ito. 

Kapag nakikita niya naman si Ej ay para bang may nararamdaman siyang galit. 

Ngayon, alam niya na, may gusto nga siya kay Bea at nagseselos siya kay Ej, na sa tingin niya ay may nakaraan. 

Ngunit ang isang buwan ay di sapat para makilala niya si Bea. 

Ang alam lang ni Jia tungkol kay Bea ang pangalan at edad niya. Isa pa ay nag sstay sa lugar na iyon si Bea kilala ito ng madaming tao. 

Naalala niya, isang beses ng nautusan silang dalawa na kumuha ng stock para sa kabayo sa bayan ay lahat ng nadadaanan nila ay binabati si Bea. Noon ay di niya magets kung bakit gusto siya ng mga tao doon, eh napaka sungit ni Bea. Pero ngayon ay nalinawan na siya, na kahit ba lagi siyang naiinis kay Bea, may something sa isa na para bang kakaiba, lalo ng puntahan nila ang mga bata. Dun, nakita ni Jia kung gaano kalinis ang puso ni Bea. 

"Bakit tulala ka?" Nagulat si Jia ng may nagsalita sa likod niya, mas kinabahan naman siya nung narealize niyang si Bea pala iyon. 

Isa pa ito sa lagi niyang nararamdaman, lagi siyang kinakabahan kapag kausap, o malapit si Bea sakanya.

"Ah, wala naman, bukas kasi ay aalis na kami, mamimiss ko ang mga tanawin" Sagot ni Jia. Tumabi naman si Bea sakanya.

"Ang bilis no? Bukas na pala kayo aalis, parang kahapon lang ay sobra sobra ang pang kasungitan mo, tapos aalis na kayo" Sabi ni Bea at natawa. 

"Wag nanatin balikan pa ang unang pagtatagpo na iyon Bea, please" Sagot ko at natawa na din. Ng matahimik sila ay dapat gagalaw na si Jia papasok ng kwarto pero nagsalita ulit si Bea. 

"Do you feel, we'll see each other again?" Tanong ni Bea na nagpagulo sa isip ni Jia. 

"I mean, me and the team, ganun" Dagdag ni Bea. Pero hindi maalis sa isip ni Jia ang unang tanong ni Bea, bakit 'feel' ang sinabi niya imbis na 'think'

"Huh? Bakit feel?" Tanong pabalik ni Jia. 

"For me, feelings is more powerful than what you think. Kasi kahit anong isipin mo, kung hindi naman iyon ang nararamdaman mo, ang hirap" Sagot ni Bea na nakatingin sa malayo. 

Summer Daze (JiBea FanFic) COMPLETEDWhere stories live. Discover now