Chapter 9

8 1 0
                                    

Habol ni Rose ang paghinga nang bigla siyang magising mula sa masamang panaginip. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Pagkuwan ay niyakap niya ang unan sa kaniyang tabi. Isinubsob niya roon ang kanyang mukha.

Nangingilakbot pa rin siya sa kanyang napanaginipan. Nakalaya na raw ang tiyahin niya at ang sumunod na eksena ang mas nagpaluha sa kanya, hawak nito ang kapatid niya. Mas lalo siyang nag-alala sa kapatid niya. Pero imposible namang may magpapiyansa rito dahil wala naman silang ibang kamag-anak.

Mariin siyang napapikit. Pagkuwan ay muling nagmulat at huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sinulyapan ang wall clock, alas nuebe na rin pala. Nilingon niya ang bahagi ng kama kung saan huli niyang nasilayan si Xavion, wala na ito.

Kumibot ang labi niya nang maalala si Xavion. Sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ulit ang bagay na 'yon.

Ingay ng bumukas na pinto ang nagpabalik sa kanya sa sariling katinuan. Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib nang masilayan ang gwapong mukha ni Xavion. Kunot ang noo nitong nilagpasan siya. Nadismaya siya sa bagay na 'yon.

Oo nga pala, lasing ito kagabi kaya malamang ay wala itong maaalala na kahit katiting sa nangyari sa kanila. Bagsak ang mga balikat na tumayo na siya sa kama.

"Ahh..." Kumislot siya nang maramdaman ang pagkababae niyang tila napunit. Mas malala pa ata ito noong una siyang maangkin ni Xavion.

Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto ng banyo at dumako ang tingin niya sa hubad-barong katawan ni Xavion. Basa rin ang buhok nito. Agad siyang umiwas nang magtagpo ang mga mata nila.

"Uhh--" Sabay silang nagsalita.

Nagpatiuna na si Rose dahil hindi naman importante ang sasabihin niya, gusto niya lang i-lessen ang awkwardness na namamagitan sa kanila.

"Nikolas and I are going horseback riding, would you like to come along and watch? Perhaps you're getting bored staying at home too. My child needs to get some fresh air." sabi niya habang nanghahalungkat ng damit sa kanyang closet.

Kumislap ang mga mata niya nang marinig ang sinabi nito. Iniimbitahan siya nitong sumama? Para siyang lumilipad sa ere sa sobrang saya at mukhang na-excite siya masyado dahil napalakas ang pagsagot niya rito.

"If you don't want to, you could have say it without yelling," seryosong wika ni Xavion na ikinagulat niya.

Tumayo siya para magpaliwanag. "Sorry, nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya," paumanhin niya.

"Prepare yourself." Naglakad na ito papunta sa pintuan. "And... I'm sorry for what I did last night, I was drunk." aniya bago siya iniwan mag-isa sa kwartong iyon.

Napayuko siya. Sa lahat ng pwede nitong sabihin, sorry lang? Ganoon na lang ba 'yon? Pero bakit nga ba siya mag-eexpect ng mga bagay na alam niya in the first place ay hindi mangyayari. Ano pa nga ba inaasahan niyang sasabihin ni Xavion?

Bumaba na siya ng hagdan at nadatnan niyang may iilang taong naroon. Bukod kay Nikolas at Xavion ay mayroon pang dalwang babae at isang lalaki na hindi niya pa kilala. Napatingin pa ang mga ito sa pwesto niya na nagdulot ng hiya sa sistema niya. BIgla siyang nanliit sa postura ng mga ito, samantalang siya ay nakasuot lamang ng simpleng t-shirt at jeans.

Hindi naman kasi siya na-inform na kailangan pala pumorma. Wala rin naman siyang ganoong kasuotan.

"Who is she?" maarteng tanong ng isang babae, sa wari niya ay mas bata sa kanya ng isa o dalawang taon, may kaliitan din.

Sinulyapan siya ni Xavion. "My wife."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. What did he just call her? His wife. Gusto niyang sumigaw pero ayaw niyang magmukhang desperada. Nasa kontrata nila na palalabasin siyang asawa ni Xavion pero kapag naipanganak na niya ang anak nila--ni Xavion, ay maglalaho na siya sa buhay nito. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.

Ngingiti-ngiting tinignan siya ni Nikolas na parang inaasar pa siya.

"Your wife? Bakit ngayon lang namin siya nakita? How long have you been married?" usisa ng isa pang babae, mukhang mas mataray.

Hinapit siya ni Xavion sa beywang na ikinabigla niya pa. "Did you eat?" nakangiting tanong nito sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya.

Para siyang nanghina sa klase ng tingin nito. Wala sa sariling tumango siya.

"Okay, dude. Maraming oras para diyan, naghihintay na sila sa ranch." Putol ni Nikolas.

Agad niyang inilayo ang sarili kay Xavion nang maglakad na ang mga kasama nila palabas ng bahay.

"Hindi mo na kailangan gawin 'yon."

Xavion glared at her. "If I want to, I will."

Sumunod na lamang siya sa kanila. Watching them from behind makes her feel like she doesn't belong in their place. Nakakapanliit sa sarili. Nagmukha siyang farmer na bumubuntot sa mga amo.

Namangha siya nang makita ang mga kabayo na gagamitin nila. Lahat ay talagang alagang-alaga. They looked so strong. Lima ang kabayong nasa harapan nila, kanya-kanya sila. Napaisip siya, kung lahat sila ay gagamit ng kabayo papuntang rancho, saan siya sasakay? Hindi naman niya pwedeng lakarin kung saan man 'yon, baka maligaw pa siya.

"Hey!"

Muntik na siyang mapatalon nang may humawak sa braso niya, si Xavion. Kanina pa pala siya nito tinatawag, at kanina pa rin masama ang tingin sa kanya ng dalawang babaeng kasama nila.

"A--ah! Hindi na lang pala ako sasama..." mahinang sabi niya.

Kunot-noo siyang tiningnan ni Xavion. "What now?" iritableng saad nito sa kanya.

Humugot siya ng hininga. "Natatakot ako."

Xavion scoffed at maya-maya ay hinila na siya nito para i-posisyon sa pag-akyat sa kabayo.

"T-teka lang!"

It was too late dahil naisampa na siya nito, napaigik siya. Nanginginig siyang napayakap sa kabayo habang nakapikit na nagresulta ng samu't saring tawanan sa paligid. Wala siyang pakialam kung anumang itsura niya ngayon, natatakot na talaga siya.

"What the heck are you doing, sit properly. You might fall."

Hindi siya natinag at mas lalong hinigpitan ang hawak sa leeg ng kabayo. Xavion tried to calm himself as he leaned on her. Bumulong ito sa kanya na mas lalong ikinatindig ng balahibo niya. Agad siyang umupo ng ayos pero nakakapit pa rin sa leeg ng kabayo.

"That's my girl."

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon