Chapter 24

8 1 0
                                    

"Grandpa!" sabay silang napalingon ng matanda sa direksyon ng nagsalita.

It was Xavion, shock was evident on his face. Agad siyang napatayo sa inuupuan, ganoon din ang lolo nito.

The old man grinned. "You finally made it. You have her." anito kay Xavion.

Sinulyapan siya ni Xavion, "Can you leave us for a moment?"

Hindi na siya nagsalita pa at tumango lang. Nang makaalis na si Rose ay umupo na sila sa kanya-kanyang upuan. Ang parteng iyon kung saan sila nakapwesto ay wala masyadong tao at ang mga bodyguard ng Don ay nagkalat sa paligid, dahil na rin sa kagustuhan nitong mapag-isa.

"Are you ready to replace me, Xavion?" basag ng matanda sa katahimikan sa pagitan nila.

Xavion couldn't look at his grandfather, instead he took the glass of wine and drank it. He remained his gaze on the people around, having their own time and space as they enjoyed the party that the Nero Clan prepared.

"Replacing you wasn't only my intention why I took her, Grandpa." Nilapag niya ang kopita sa mesa.

"And not only did you find her, you even had a child with her. Mas lalo mo akong pinapahanga sa mga kaya mong gawin, you exceeded my expectation, Xavion. Having Rose as your alas, hindi na tayo magagalaw ng Cirrino Lazaro. Kayang-kaya na natin silang pabagsakin."

Kusang kumuyom ang mga kamao ni Xavion nang banggitin ng kanyang lolo ang pangalan ng grupong pumaslang sa kanyang lola. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga ginawa ng mga ito. He gritted his teeth with that thought.

"Not now, grandpa. Rose will never be enough to make them suffer."

"Make sure you won't fall for her, kid. Don't disappoint me."

"I won't, grandpa."

"I trust you."

Sa mundo ng mafia, umiiral ang prinsipyo na pinanghahawakan ng lahat. Kapag sinubukan mong kontrahin iyon ay isa ka nang kalaban sa mata nila at gagawin nila ang lahat ng makakaya nila para mahanap ang kahinaan mo at hindi magdadalawang-isip ang mga ito na gamitin ang kahinaang iyon para pabagsakin ka.

Lahat may dahilan kung bakit ginagawa ni Xavion ito, gusto niyang dumating ang araw na pagsisisihan ng Cirrino Lazaro ang lahat ng ginawa nila sa pamilya niya.

Dumapo ang tingin niya sa isang babaeng nasa buffet na naman at sa pagkakataong ito ay kasama na nito ang tatlong mga kasambahay niya. She looks so innocent and naive; in fact, she really impressed him for being that way.

"I'm preparing her, she will be the bomb that will destroy Cirrino Lazaro." he grinned with a victory smirk plastered on his face.

Her smile is so pure, she acts as if that was her only purpose in the world.

"What about the child?" the old man asked.

Tinignan niya ang kanyang lolo. "The child is the reason why she needs to stay by my side. it will be my weapon to ensure she doesn't leave before I take action against the Cirrino Lazaro." Muli niyang tinignan ang kinaroroonan ni Rose. "If it weren't for the child, I wouldn't have been able to get her. Also, she's too gullible; I didn't even have a hard time capturing her."

His eyes are filled with determination to seek revenge. Ang abuhin niyang mga mata ay mas lalong nagdilim. Nawala lamang ang atensyon niya kay Rose nang makita niya ang papalapit ng pigura ng tao sa apat. Si Nikolas, may dala itong inumin at ibinigay kay Rose.

Napapansin na rin niya ang madalas na paglapit ng kaibigan niya kay Rose, he's becoming too vigilant of Rose. He doesn't want to consider that Nikolas might be the one ruining all his plans. Pero bago pa mangyari iyon ay uunahan na niya ito.

Tumayo na siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa direksyon na nila. He gently grabbed Rose' hand at iginiya ito papunta sa mini-stage. Kinuha niya ang mic sa MC. Naguguluhan at nahihiyang napatingin si Rose sa mga taong nakatingin sa kanila. Sinulyapan niya sina Yanna na nakangiti sa kanya maliban kay Nikolas na seryosong nakatingin lang sa kanila.

"I want to thank everyone who attended this important evening for my dad, who has just returned to the country. After several years of staying abroad, he has finally come home. Furthermore, the Nero clan has been reunited, and eventually, it will grow even more." Tinignan siya ni Xavion at ngumiti na hindi mo masasabing masaya. "—because my beloved wife here is pregnant with the next generation heir of the Elsurro Hacienda."

Umulan ng masigabong palakpakan dahil sa naging pahayag ni Xavion, mas nagulat siya nang hapitin siya nito sa beywang at halos ilang centimeter na lamang ang layo nila sa isa't isa.

"For the show," mahinang sabi ni Xavion.

Kumunot ang noo niya. "Anong ginagawa mo?"

"Let me kiss you," he pleaded.

"Nababaliw ka na ba? Andaming tao dit—"

Nanlalaki ang mga matang natigilan si Rose nang lumapat ang malambot na labi ni Xavion sa kanya. Mas lalong lumakas ang palakpakan.

Mula sa kalayuan ay natatawang pailing na lamang ang lolo ni Xavion sa kanyang ginawa. He really knows how to play his own game.

Nikolas looked away at inagaw ang wine na kukunin sana ng isang bisita mula sa tray na bitbit ng waiter. Nilagok niya iyon at inis na nilapag sa mesa ang baso. Hindi na siya nagtagal pa sa pwestong iyon at piniling lisanin ang lugar na iyon. He needs to redirect the anger he's feeling right now towards someone else.

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon