Chapter 19

7 1 0
                                    

The sun rays hit Rose' face through the half open shutters making her groan and hide her face in her soft pillow. It smelled so nice. Lavender? Agad siyang bumangon nang makaramdam na babaliktad na naman ang sikmura niya.

Argh... Morning sickness again.

Siya ay nagngingitngit, isinandal ang kanyang ulo sa kanyang braso na nakapatong sa toilet. Mariin siyang napapikit dahil sa hirap, wanting the nausea to stop. Lahat ng kinain niya kagabi ay lumabas. Matapos niyang magsuka ay naghilamos na siya at nagtoothbrush. Ang pangit ng pakiramdam niya at hindi niya kaya ang maligo, siguro mamaya na lang.

Pagkalabas niya ng banyo ay naamoy niya ulit ang lavender dahilan para maduwal siya ulit kaya tinakpan niya kaagad ang ilong niya. Sakto namang may kumatok sa pinto, naglakad na siya para pagbuksan kung sino man iyon.

Sinalubong siya ni Donya Evasha, napakaaliwalas ng mukha nito at may dala pa itong tray ng pagkain. Napamaang siya sa ginawa nito, mabilis niyang kinuha ang tray at pinapasok ito sa kanilang silid.

"Hindi na po dapat kayo nag-abala..." mahinang aniya.

"It's fine, just a peace offering. Alam kong hindi naging maganda ang approach ko sa 'yo." wika ng ginang.

Bakas sa mukha nito ang pagiging sinsero sa sinasabi nito. But she remained unbothered. Katulad ng tiyahin niya, ganito rin ito nakitungo sa kanya noong mga panahong nabubuhay pa ang ina.

"S-salamat,"

She attempted to turn her back para ilapag ang hawak na tray dahil nangangalay na siya pero pinigilan siya nito at mas lumapad ang ngiti sa labi nito.

"Bilang soon to be daughter-in-law ko, gusto kitang makabonding. Hayaan mo akong makilala ka pa, hindi naman siguro labag sa kalooban mo iyon, right?"

Kumunot ang noo niya, "Hindi naman po sa ayaw ko..."

"Great! Sumama ka sa akin mamaya, may pupuntahan tayo." excited nitong wika.

"Magpapaalam po muna ako kay Xavio--"

"No need. Nagawa ko na 'yan. He agreed with it. Don't worry, ako bahala sa 'yo, hija."

Sumang-ayon siya sa kasunduan nito kahit pa na hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng pagpayag niya, ni hindi niya nga alam kung saan siya dadalhin ng ginang.

Wala sa bahay ang mag-ama, as usual. Nacu-curious na tuloy siya kung anong business ang inaatupag ng mga ito na halos hindi lumipas ang isang araw na hindi umaalis ng bahay si Xavion. Bukod sa kompanyang napuntahan niya na pagmamay-ari ng Nero Clan na kasalukuyang si Nikolas ang namamahala ay wala na siyang ideya kung ano pa ang mga negosyo nito.

Suot ang sleeveless blouse na pinaresan ng mahabang floral skirt ay lumabas na sila ng bahay. Nakaabang sa labas ang magarang sasakyan. Yumuko naman si Roldan nang makita sila, siya ang magmamaneho sa kanila.

"Saan po ba tayo pupunta?" Hindi niya napigilang mapatanong.

Pinagbuksan agad sila ni Roldan ng pinto ng sasakyan.

"Somewhere na hindi ka mababagot. Hindi pwedeng palagi ka na lang sa loob ng bahay. You know what, noong pinagbubuntis ko si Xavion, hindi ako mapakali na nasa loob lang, hindi ko alam kung paano mo natiis 'yon."

Pumasok na sila sa loob. Rose didn't feel so good about this. Or baka hindi lang maganda ang pakiramdam niya. Hindi niya naayos ang pagkain niya kanina dahil sa pressure, pinagmamasdan ba naman siya ng Donya habang kumakain.

Ipinilig niya ang kanyang ulo para iwaksi ang mga naiisip. She feels a bit dizzy.

Umandar na ang sasakyan kaya ibinaling niya na lang atensyon sa bintana ng kotse. Nadaanan pa nila ang malapad na umahan ng Elsurro Hacienda. Hindi pa nga pala niya nalilibot ang kabuuhan ng lugar dahil sa pagiging strikto ni Xavion.

Nakakalabas lang siya ng bakuran kapag nandyan si Xavion nakabantay. Pero sa kasamaang palad ay palagi itong wala. Hindi naman na siya makapuslit.

"Things get really boring once you are done with it."

Napalingon siya kay Donya Evasha nang basagin nito ang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan.

The Donya smiled at her in an unpredictable manner. "My things. Mabilis kasi ako magsawa sa gamit. Gusto ko bumili agad ng bago from time to time. Namana na nga rin ni Xavion ang ganitong pag-uugali ko e."

Hindi niya nagustuhan ang klase ng ngiting ipinapakita sa kanya.

"Ahh..." tanging tugon niya.

Hindi na siya nagsalita pero talagang determinado ang ginang na pahabain ang usapang iyon.

"I'm not saying na tutol ako sa inyo ng anak ko, Rose. But knowing my son, he only wants those who can be useful for him in the future. After his long-term girlfriend dumped him, hindi ko na siya nakitang nagseryoso. I was just shocked when he said he has a wife and is expecting a child. So unpredictable."

Long-term girlfriend? She scoffed. Tumanggi iyong bigyan siya ng anak at naghanap ng ibang uto-uto na papalit sa kahihiyan niya. Ginawa pa nga siyang panakip-butas.

"Anyways, let's leave past behind. I just wanted to show you something."

Napatingin siya sa labas nang tumigil ang sasakyan. Ngayon niya lang napansin na nasa bayan na sila. Hindi niya alam kung saang parte ng mundo ba talaga siya napadpad. Sa harap nila ay isang malaking gusali. A botique, she pressumes.

"Let's change that trashy fashion of yours. Men prefer women who have great fashion sense, baka makahanap agad ng kapalit sa 'yo si Xavion. Kidding!"

Lumabas na siya ng kotse at sumunod na sa ginang. Nagpatiuna na lang siya dahil tinatamad na siyang komontra. She's been refusing and fighting over anything.



Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon