Chapter 35

7 1 0
                                    

Sa Spy Creek Garden, habang nakasakay si Rose sa likod ni Xavion, di-mabilang na tanawin ang kanyang nasaksihan. Ang kanyang mga mata'y nagningning sa tuwa at paghanga, habang ang init ng araw ay nagpapalakas ng kanyang saya.

Ang buhok ni Rose ay sumasayaw sa hangin, at ang kanyang ngiti ay parang sumisimbolo ng kaligayahan na nararamdaman niya. Sa tuwing may makikita siyang magandang bulaklak o tanim, hindi niya napigilang mapatawa at magpahayag ng kanyang paghanga.

Hindi niya mapigil ang paghanga sa kagandahan ng paligid. Nagsisimula nang magsilbing ilusyon ang paligid na mistulang isang paraiso. Gayunpaman, si Xavion ay tahimik at seryoso sa kanyang pagmamasid, tila walang pakialam sa mga natatanaw nilang kagandahan.

"Grabe, Xavion! Ang ganda-ganda dito! Parang sa mga pelikula lang!" parang batang bulalas niya.

"Yeah." maikling sagot ni Xavion.

"Bakit parang hindi ka na-e-excite? Hindi ka ba nagugulat sa kagandahan dito?"

"What else should I expect? It's just plants."

"T-teka, ibaba mo na ako. Gusto kong mamitas." aniya pa.

Sa kabila ng kawalan ng emosyon ni Xavion, si Rose ay hindi maawat sa pagtataka at paghanga sa kanyang paligid. Ibinabahagi niya ang kanyang mga maririkit na pagtingin sa mga tanawin, habang si Xavion ay nagpapatuloy lamang sa kanyang paglalakad nang walang pakialam.

"Hmm... Ang bango!"

Hindi siya magkamaling sa pag-langhap sa mahahalimuyak na bulaklak. Tila naliligaw na bata na ngayon lang nakakita ng mga makukulay na halaman. Mas nagliwanag ang mga mata nito nang dumapo ang atensyon niya sa mga rosas na may iba't ibang kulay. Pumitas siya ng kulay pulang rosas at nilagay iyon sa kanyang tainga.

Mismong pagharap niya sa kinaroroonan ni Xavion ay nagulat siya nang nasa mismong harapan na niya ito at muntik pa siyang matumba dahil sa sobrang lapit nito, mabuti na lamang ay nahawakan siya agad nito sa kanyang beywang.

Tila nabuhol ang kanyang dila dahil walang lumalabas na salita. Sobrang lapit sa isa't isa na sa tingin niya ay maririnig na nito ang kabog ng dibdib niya.

"Uhm..."

Umangat ang kamay ni Xavion sa ere at hindi niya alam kung bakit pero the next time na namalayan niya ay nakapikit na pala siya, nag-aabang ng haplos o halik mula rito. Ngunit nagtataka siya kung bakit hindi niya naramdaman ang inaasahan niyang kilos. Sa halip, naramdaman niya ang palad nito na dumapo sa may tainga niya kung nasaan ang rosas.

Napamulat siya sa labis na kahihiyan. Hindi niya naman alam na iyon naman pala ang gagawin nito. Tumikhim siya para mapawi ang tensyon sa paligid pero tila hindi epektibo.

"You really think I'd kiss you, didn't you?"

Sumilay ang ngisi sa labi ni Xavion na parang inaasar pa siya. Sa inis niya ay naitulak niya ito ng malakas at nilagpasan na lang.

"Feelingero," pagdadabog niya. "Akala mo naman kung sinong kagwapuhan. Oo, gwapo nga pero hindi pa rin tama na pinapahiya ako ng ganon, ano? Bwesit!"

Naiiling na lang na nakasunod si Xavion sa kanya habang pinagmamasdan siyang magdabog. Pero namayani sa kanya ang kanyang intensyon. He tried to set things apart from this matter related from Rose, but he just couldn't.

Ang nais niya lang ay makapaghiganti pero wala siyang plano na gumawa ng bagay na labag sa limitasyon niya. Keeping her close could make the enemies closer. Magsisilbi siyang bitag para makapaghiganti kay Don Stevino. At kapag nakuha na niya ang oportunidad na iyon, mapapanatag na ang loob niya at mabibigyan na niya ng hustisya ang pagkamatay ng lola niya.

Muli niyang sinipat ng tingin si Rose at aliw na aliw pa ito sa ginagawang paghaplos sa mga bulaklak at paminsan-minsang inaamoy pa ito.

Lumapit siya rito. Naramdaman din naman agad ni Rose ang presensya niya sa likuran na nito.

"You know..." panimula nito. "Every flower we're passing by here in Spy Creek holds a special place in my heart. These flowers, they aren't just random blooms. Each one was carefully planted by my dear grandmother."

Nakikinig lamang si Rose habang kinukwento ni Xavion ang mga alaala tungkol sa lola niya at sa mga bulaklak sa Spy Creek. Hindi niya maiwasang humanga. Ngayon niya lang narinig itong magkwento dahil malimit ito magsalita.

Nanlalaki ang mata ni Rose sa kuryosidad. "Talaga? Lahat ng mga bulaklak dito?"

Tumango si Xavion. "Yes, she did. She had this incredible passion for gardening. Spy Creek was her canvas, and she turned it into a masterpiece of colors and fragrances."

Tinuro ni Xavion ang iba't ibang bulaklak, bawat isa may kuwento. "See that patch of daisies over there? Those were the first flowers she planted when she moved here decades ago. And those roses by the stream? She used to say they symbolized the love that flows through our family."

Nakinig si Rose nang may interes. "Siguro, masaya talaga ang lumaki na paligid ay puno ng ganda at pagmamahal. Nasaan na nga pala siya ngayon?" biglang tanong niya.

"She's gone."

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon