Chapter 38

6 1 0
                                    

Natulala si Rose sa mga sinabi ni Nikolas, at hindi niya alam kung paano mag-rereact dahil hindi niya inaasahan ang biglaan nitong pag-amin. Hindi niya man lang naihanda ang sarili. Sa maikling panahon na nagkasama sila ay wala siyang inaasahang aabot ng ganito ang nararamdaman sa kanya ng binata.

Malayo siya sa magiging tipo nito. Ano nga ba ang panama niya sa klase ng buhay na mayroon ito. A nobody like her don't deserve him.

"Nabibigla ka lang, Nikolas..." nasabi niya, ang kanyang mukha ay puno ng gulat at pagkabigla. "Imposible ang sinasabi mo—"

Hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Nikolas ang magkabilaan niyang pisngi, ngumiti ito ng bahagya. "Gusto mo bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit ako umalis?"

"Nikolas, hindi sa—"

"Dahil sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa 'yo. I tried holding back my feelings for you dahil sa pagkakaibigan natin pero narealize ko, wala naman akong dapat na ikatakot, hindi ba? Alam kong maraming proseso para magustuhan mo rin ako," he smiled. "handa akong maghintay." dagdag niya pa.

Kinabig ni Rose ang mga kamay niya, nagulat naman si Nikolas sa ginawa niya. Tinuro niya ang malaking umbok sa kanyang tiyan. "Nakikita mo ba 'to?" Nagsimulang siyang umiyak, "Ikaw ang nag-alok sa akin na gawin 'to, hindi ba? Dahil sa pera, pumayag ako. Ibig sabihin, hindi ako karadapat-dapat para sa 'yo, Nikolas, dahil madumi na ako at wala akong tamang desisyon sa buhay. Madali akong mauto. Ano ba kasing nagustuhan mo sa akin ha?" halos pasigaw na niyang sabi.

"Because you are you, Rose. Minsan nagsisisi ako sa ginawa kong 'yon at nakokonsensya ako, pero hindi ko na mababalik ang nakaraan e. If I could bring back the past, I would've offered you to be mine instead." Puno ng determinasyon ang kanyang boses.

Pinalis ni Rose ang luha sa pisngi niya. "Nahihibang ka na ba?" galit niyang sigaw.

Nikolas looked down. "Siguro nga nahihibang na ako," muli siyang tiningnan nito. "But I'm telling you the truth, Rose. Kontrata lang naman 'yan. After you gave birth, pwede tayong magsimula ulit. Kaya kitang buhayin na walang tulong ni Xavion."

Tumayo na si Rose sa kanyang inuupuan. She couldn't believe this. The tension in the room was palpable as Rose grappled with the whirlwind of emotions swirling inside her. She couldn't deny the turmoil in her heart, torn between the unexpected confession from Nikolas and the reality of her situation.

Rose felt a surge of conflicting emotions. Part of her wanted to believe in Nikolas's words, to find solace in the idea of a fresh start. But another part of her couldn't shake off the weight of her insecurities, ang takot na maging hindi karapat-dapat sa gayong pagmamahal at dedikasyon.

"Hindi mo alam kung anong pinapasok mo, Nikolas," inamin niya, ang kanyang tinig ay halos hindi marinig. "Ang dami kong takot at pangamba sa hinaharap. Magulo ang buhay ko, ayokong idamay ka sa gulo ng buhay ko!"

Umahon na rin sa kinauupuan si Nikolas. "I am willing to face everything with you," sabi niya, "Hindi mo kailangang harapin 'yan mag-isa. Nandito naman ako e. Hindi ako bumalik para sayangin ang pagkakataon, matagal ko na ring pinag-isipan ang lahat ng 'to."

Naramdaman ni Rose ang isang maliit na pag-asa na sumiklab sa kanyang puso, isang munting liwanag sa gitna ng kadiliman ng kanyang mga pag-aalinlangan. Alam niyang ano man ang darating, hindi siya mag-isa. At kasama si Nikolas, she felt a newfound sense of courage to face the challenges that awaited her.

"Nikolas..." hindi niya na alam kung ano ang sasabihin.

Ngumiti si Nikolas, his gaze unwavering. "It's okay, Rose," sabi niya nang may sinseridad. "Hindi kita mamadaliin, basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako, okay? Hindi na ako aalis. I'm with you every step of the way."

Pagkuwa'y kinabig siya nito para yakapin. Hindi na siya tumanggi pa. Unti-unting nawala ang mga alalahanin ni Rose. Ramdam niya ang kalma at katiyakan sa presensya ng kanyang kaibigan, na tila nagbigay sa kanya ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan ng mundo niya. Sa sandaling iyon, parang lahat ng problema ay tumigil, at sa mga bisig nito, tila nawala ang lahat ng takot at pag-aalinlangan. Alam niyang maaari niyang pagkatiwalaan ang kaibigan na ito, at sa sandaling iyon, nagkaroon siya ng pananampalataya na makakaya niyang harapin ang anumang hamon na darating sa kanyang buhay.

Bumukas ang pinto dahilan para maitulak palayo si Nikolas, biglang sumulpot si Donya Evasha na puno ng galit sa kanyang mga mata.

"Ano ang nangyayari dito?" ang mariing tanong ni Donya Evasha. Bakas sa mata nito ang pagdududa habang nakatingin sa kanilang dalawa, at napalitan ng pagsuspetsa ang mga masasaklaw na mata.

Umusog si Nikolas, ang kanyang tono ay kalmado ngunit matatag habang sinubukan niyang ibsan ang tensyon. "Tita, it's not what you think,"

Ngunit hindi sumasang-ayon si Donya Evasha.

"Don't you dare try to cover up for her, Nikolas," she snapped, her voice dripping with contempt. "I raised Xavion better than to be betrayed by someone like her."

Rose felt a knot form in her stomach as she faced Donya Evasha's accusations. Alam niyang wala siyang nagawang mali, but the weight of the older woman's disdain was heavy upon her shoulders.

"Kaibigan lang po si Nikolas, Donya Evasha," muling nagsalita si Rose, "Walang anumang namamagitan sa amin." giit niya.

Donya Evasha's anger seemed to falter slightly, "I'll be watching you, Rose," banta niya, "Don't think for a moment that I'll let you get away with hurting my son."

Napakagat siya sa kanyang labi. "Aakyat na ako." matamlay niyang sabi at iniwan na si Nikolas.



Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon