Chapter 56

7 1 0
                                    

"Wala na po sila..."

Namayani ang simpatya sa sistema ni Rose nang mga oras na iyon. They both had no parents pero kung ikukumpara rito ay masyado pa itong bata para maulila. She must be thankful because despite having an evil aunt who raised them, may pamilya pa rin siya at may kapatid pa siya.

Nang yumuko na ang bata at sinunggaban ang mga pagkain na ibinigay niya ay hindi niya namalayan na tumulo na ang butil ng luha sa kanyang mga mata at agad niya namang pinalis iyon bago pa iyon mapansin ng mga bodyguards sa tabi niya.

Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago binalingan ang dalawa sa tabi niya.

"Pwede ba natin siyang dalhin sa Hacienda?" nagsusumaong aniya.

Nagkatinginan naman ang dalawa. "Pero, Ma'am. Hindi po pwede," wika ni Lester.

"Opo, hindi rin po ito magugustuhan ni Sir Xavion," sang-ayon naman ni Troy.

Kumunot ang noo niya. "At bakit? Mas maaalagaan siya sa Hacienda. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?"

Bumuntonghininga ang dalawa. Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan silang kumontra sa desisyon nito dahil nga buntis. Bakit magkaroon pa ng gulo. The bodyguards exchanged uncertain glances, clearly unsure of how to proceed with the unexpected request.

Bago pa makasagot si Troy, a familiar voice cut through the air, dahilan para mapalingon sila roon. Lumitaw sa kanilang harapan ang babaeng naka-encounter ni Rose sa CR, nakacross ang parehong braso sa ibaba ng kanyang dibdib.

"I couldn't help but overhear your little dilemma," panimula nito. ""Isusugal mo ang buhay ng mga bodyguards mo para sa isang batang pulubi? How noble of you naman."

Kumunot ang noo niya. Hindi niya mawari kung natutuwa ito o ano. Kanina lang ay napakaaliwalas ng mukha nito, pero sa nakikita niya sa mga mata nito ay tila may kakaibang awra siyang nakikinita na hindi niya agarang mapapansin kung hindi niya pagtutuunan ng pansin. Bukod sa sarkastikong ngisi sa labi nito ay may kalakip din na inis ang bawat diin ng kanyang salita.

Hindi niya na lang pinansin ang babae at muling binalingan ang mga bodyguards niya.

"Tulungan niyo naman ako—"

The woman rolled her eyes, dismissing Rose's words with a wave of her hand. "And what if that child poses a threat? You're putting the whole hacienda in danger with your careless decisions."

Dahil sa sinabi nito ay tila nag-apoy sa inis si Rose. "Excuse me?" taas-kilay niyang baling sa babae. "Sa pagkakaalam ko, hindi ka kasali sa usapan. Ano bang alam mo?"

Hindi na napigilan ang kanyang nararamdaman. Bakit ba ganon ang tingin nila sa isang inosenteng bata. Panganib? How could that even possible?

"Oh, dear. As what I have said earlier, dapat nasa bahay ka lang ninyo." Lumapit ito sa pwesto niya. "Dapat iniisip mo rin ang kalagayan mo. Bringing a stranger near you, para ka na ring nagpalapit ng pahamak. I was just concern."

Rose scoffed. Hindi na siya nagsalita at inis na nauna na maglakad pero natigilan siya nang marinig ang sumunod na sinabi nito na nagpantig sa tenga niya.

"I must say you really are an indecisive kind of person, I can see the wrong choice you had made inside your belly. Tsk, mga tao nga naman."

She turned her back. "Anong sabi mo?"

Sinalubong naman siya ng ngiti ng babae, more like pekeng ngiti na ikinainis niya lalo.

"Oh? Narinig mo pala?" natatawa pa nitong sabi sa kanya.

Muli na namang nagkatinginan ang dalawang bodyguards at hindi na alam kung ano ang gagawin dahil nakakaamoy na sila ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Agad namang hinawakan ni Lester ang braso ni Rose para pigilan ito.

"Ma'am, kumalma po kayo."

"Yeah, right. Makinig ka sa bodyguard mo, buntis ka pa naman," nang-aasar pa nitong wika.

Kumuyom ang kamao niya sa labis na pagkayamot sa babaeng nasa harapan niya. Hindi niya ito kilala pero bakit parang marami na itong alam tungkol sa kanya. Sa CR pa lang kanina ay iba na ang dating at klase ng tingin nito sa kanya. There was something about her demeanor that set her on edge, a subtle hint of danger lurking beneath her seemingly harmless facade. Rose had learned to trust her instincts over the years, and right now, they were screaming at her to be cautious around this woman.

"Ma'am Cera?" boses iyon ni Yanna.

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at nakita niya sina Yanna na mukhang tapos na sa pamimili at nakita naman niya sa labas ng supermarket ang iilang boxes na nakahilera.

Natigilan siya nang makitang nakatuon ang mga mata nito sa babaeng kausap niya lang kanina. Wait, do they know each other?

"Hi, Yanna... Long time no see,"

"K-Kailan lang po kayo nakabalik?"

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa na nakakunot pa rin ang noo ni Rose, hindi naiintindihan ang nangyayari.

"Teka, Yanna, kilala mo siya?"

The woman rolled her eyes as her lips formed into a playful smirk. "Nakalimutan ko pa lang ipakilala ang sarili." Inilahad nito ang kanyang palad. "I'm Cera, Xavion's best ex-girlfriend for 5 years."

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon