Chapter 11

8 1 0
                                    

"Fuck!"

Hindi na magkamaling si Xavion sa kung ano ang dapat na gawin. Nakasilip lang sa ginagawa niya sa kusina ang mga kawaksi nila at hindi alam kung hahagalpak na ng tawa.

"Ngayon lang nakahawak si Sir ng kawali, baka maihagis niya 'yan sa labas," ani Yanna.

Napailing naman si Colet. "Ano ba kasi naisipan niya at ginagawa niya 'yan, pwede namang tayo na lang e."

"Ayaw daw mo pagbuot! Syempre gusto niya ipagluto si Ma'am Rose. Hawa daw bi," Hindi naman nagpatalo si Renalyn.

"Tigilan mo nga kami kaka-bisaya mo, sungalngalin kita e." saway ni Colet sa kanya.

"Huwag kayo maingay."

Samantalang si Rose ay tapos sa kanyang ginagawa sa banyo at napag-isipan nang bumaba para tingnan ang ginagawa ni Xavion sa kusina. Mula sa malayo ay amoy na niya ang napakabangong halimuyak kaya paniguradong masarap ang niluluto nito. Sa amoy pa lang, alam niya na.

Kagabi pa talaga siya nagc-crave sa luto nito sa hindi niya maintindihang dahilan. Sabi ng iba, baka daw pinaglilihian niya iyon. Wala sa sariling napangiti siya at hindi na mapakali. Excited na siya.

Mula sa bukana ng kusina ay nakita niya ang tatlong kasambahay na nagtutulakan habang may sinisilip sa loob. Na-curious siya kaya sumilip na rin siya.

"Anong ginagawa niyo?" mahinang tanong niya na halos ikatalon ng tatlo dahil sa biglaang pagsulpot niya.

Nang makita niya ang tinitingnan ng tatlo ay napamaang ang bibig niya. Paano'y lumiliyab na ang kawaling pinaglulutuan ni Xavion.

Nanlalaki ang mga matang pumasok na siya sa loob. "X-Xavion!"

Lumingon naman agad si Xavion, bakas sa mukha nito ang pagkabadtrip. Inis nitong hinagis sa kung saan ang sandok na hawak nito at pinatay ang stove. Agad na hinubad ang suot na apron.

"Clean this mess!" sigaw nito sa tatlong kasambahay at nilagpasan si Rose.

Pinagmasdan niya lang ang papaalis na bulto nito, naiwan silang natameme. Nagkatinginan silang apat at makailang saglit ay dumako ang mga tingin nila sa malaking tupperware na nasa kitchen island. Nakalagay rito ang niluto nito na mukhang kailangan na itapon sa hindi maipaliwanag na itsura nito.

Hindi nakaligtas ang gulat at pandidiri sa niluto ni Xavion. Mukhang sinalaula kasi.

"Ibigay na lang natin sa aso," sabi ni Colet.

"Siraulo ka ba? Gusto mo ba masesante ni Donya Evasha? Alam mong mahal na mahal nun mga aso niya, hindi ka talaga nag-iisip." Binatukan siya ni Yanna.

Natahimik si Rose at maya-maya ay napangiti siya. Hinarap niya ang tatlo, "Tawagin niyo ang ibang bodyguards, kakakain na tayo."

Hindi makapaniwalang napatingin sa kanya ang mga ito. "T-teka lang ho, huwag niyong sabihin na 'yan kakainin natin?" nakangiwing tugon ni Yanna.

"Ayoko po, magluto na lang po kami bago." si Renalyn naman ang nagsalita.

Nalungkot si Rose sa narinig niya, gusto niyang kumain nun pero ayaw niyang kumain mag-isa. Hindi niya namalayan ang luhang nag-uunahan sa pagdausdusan sa kanyang pisngi. Muli na namang nataranta ang tatlo.

"Tatawagin ko na sila!" presinta ni Colet saka umalis.

Hindi maipinta ang mga mukha ng lahat maliban kay Rose sa habang kainan habang nakatitig sa ulam na nakahain, lahat sila alam na hindi marunong magluto ang boss nila pero hindi sila makapaniwala na gagawin nito ang ganoong bagay at ngayon ay naipit na sila sa isang sitwasyon na hindi nila pwedeng tanggihan dahil lahat sila ay malalagot sa amo.

Walang naglakas-loob na magsandok dahil sa pandidiri. Para silang pinaparusahan at pinapakain ng pagkain ng aso, baka nga kahit aso ay tatanggihan itong kainin kasi hindi talaga kaya ang amoy nito. Tanging si Rose lang ang nababanguhan doon.

"Bakit hindi pa kayo kumakain?" nakangusong tanong ni Rose sa mga ito.

Nagkatinginan silang lahat. Maya-maya ay nagkanya-kanya na sila ng sandok pero nilagay lang nila sa plato nila ang ulam na iyon at tanging kanin lang ang kinain.

"Pinaghirapan ni Xavion na magluto niyan pero hindi niyo kakainin."

Nagtaas ng kamay si Bryan, nagdadalawang-isip pa ito kung sasabihin niya ang hinanaing, "Sabi po ng lola ko, maganda po sa buntis ang itlog. Lutuan ko na po kayo!"

Umiling siya. "Masarap 'to. Maniwala kayo sa akin, may tiwala ako sa kakayahan ni Xavion."

"Ako po hindi."

Siniko ni Yanna si Colet sa sinabi nito. "Kumain na tayo bago pa tayo mawalan ng trabaho."

Sa pagkakataong iyon ay napilitan na silang iangat ang mga kutsara nilang may lamang ulam. The moment na natikman nila ang lasa niyon ay kanya-kanya sila ng takbuhan papunta sa sink at halos isuka na ang lahat ng nasa sikmura nila.

Ganoong eksena ang naabutan ng isang babaeng may katandaan na pero napaka-sopistikada kung manamit. Nagsusumigaw ang kagandahan nito sa kabila ng kanyang edad, siya ang iginagalang na ina ni Xavion, si Donya Evasha. May hawak itong pomeranian puppy at nakasunod sa kanya ang isang lalaki na sa wari niya ay bodyguard nito base sa uniporme nito at isang babaeng nakaformal suit. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa mga empleyado niya.

"What is happening here?" halos pasigaw na nitong tanong.

Awtomatikong naghilera kaagad ang mga empleyado at yumuko rito. Sumunod naman agad si Rose sa ginagawa ng mg ito."Magandang tanghali po, Donya Evasha!" magalang na bati ng mga ito sa ginang.

Tumigil ang tingin nito sa kanya at sinuri siya ng maigi na para bang kinikilala siya.

"And who are you?" taas-kilay nitong baling kay Rose.

Nag-angat ng ulo si Yanna. "Siya po ang--"

"Hindi ikaw ang tinatanong ko."

Napalunok si Rose sa kaba, dumagundong ang kaba sa dibdib niya habang dahan-dahang inaangat ang ulo niya. Nagkasalubong ang mga mata nila ng ginang na mas lalong ikinataranta niya.

"A-Ako po si R-Rose--"

"My wife."

Napatingin sila sa nagsalita, si Xavion iyon. Agad itong tumabi sa kanya at hinapit siya sa beywang.

"Wife? Since when? Alam ba 'to ng Papa mo, Xavion?" hindi makapaniwala ang ginang sa narinig mula sa kanya.

"He doesn't know it yet, but eventually he will. I'll introduce her to him after he gets back from LA."

Napailing ang ginang at pinaalis na ang lahat ng empleyado nila. Tanging silang tatlo na lamang ang naiwan sa dining area.

"You don't get it, son. Hindi niya matatanggap ang bagay na 'to. You left untraced at babalik na lang na parang walang nangyari, and now you're telling me that you're already married. Hindi mo man lang inisip ang gagawin ng Papa mo--"

"Ma, stop. I know what I'm doing. And besides, he can't do anything with his own grandson." Xavion's lips formed a teasing smirk that put her mother in shock.

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon