Chapter 20

8 1 0
                                    

Pumasok sila sa loob ng botique na iyon at sinalubong ng isang bakla. Hinalikan nito sa pisngi si Donya Evasha habang siya ay nakatingin lang sa kanila. Nang dumapo ang tingin sa kanya nito ay nag-iwas siya. Pinagmasdan niya ang mga damit na nakadisplay sa mga mannequins. Hindi niya mapigilang mamangha sa ganda ng mga gawa roon.

"Hi!" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. "Mamsh, siya na ba si Rose? Ang ganda niya pala sa personal."

Tumikhim ang Donya. "Masyadong exaggerated. So, shall we?"

Sinundan niya lang ng tingin kung paano magsukat ang ginang, hindi niya alam kung para saan. Kung simpleng shopping lamang ito, hindi naman na kailangan ng tape measure, hindi ba?

Habang tumatagal ay inaantok lang siya, gusto na niyang umuwi at kumain. Hindi naman agad sinabi ng ginang na sasamahan niya lang pala ito para magsukat. Binalingan niya ng tingin si Roldan na may kinakausap sa telepono nito.

T-teka? Cellphone. Ibig sabihin may signal dito sa bayan. Tumayo na siya sa sofa na inuupuan at akmang lalapitan si Roldan pero may kamay na humawak sa pulsuhan niya dahilan para mapatigil siya at dumapo ang atensyon niya rito.

"It's your turn, hija." nakangiting wika ni Donya Evasha. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

Kumunot ang noo niya at hindi maintindihan ang nangyayari habang sinusukatan siya ng isang babae na sabi nila ay assistant daw ng baklang lumapit sa kanila kanina.

"Gusto ko lang pong itanong, para saan po ito?" tanong niya sa babae.

"Utos po ni Donya Evasha na gumawa ng cocktail dresses na galing sa kanya na design, siya po mismo ang nag-sketch. Para raw po ito sa magaganap na welcoming party ng Don. Hindi po ba nasabi sa inyo ni Donya Evasha?" sagot nito.

Wala sa sariling umiling siya. Welcoming party? Kaya ba abala halos lahat ng tao sa mansyon. Hindi na siya nagtanong pa ng kung ano, sapat na rin naman ang kasagutang natanggap niya. Hindi na rin siya nag-abala na tingnan pa ang design ng dress na ginawa ni Donya Evasha para sa kanya.

Pagkatapos niya ay bumalik na siya sa inuupuan niya kanina at nakitang kausap ni Donya Evasha ang baklang fashion designer at mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito, doon na niya grinab ang opportunity na lumapit kay Roldan.

Nagulat pa ito nang makita siya, "Yes, ma'am?" bati nito sa kanya.

"Kuya Roldan, pwede ko ba mahiram ang cellphone niyo? May kailangan lang akong tawagan." pagmamakaawa niya.

Minsan lang siya makalabas at makarating dito sa bayan kaya hindi niya dapat palampasin ang pagkakataon na ito. Namimiss niya na ang pamilya niya at kailangan na niyang marinig ang boses nila para mapanatag siya. Ilang gabi na siyang nag-iisip at nag-aalala kung ano na ang kalagayan nila.

Pumayag na si Roldan at pinahiram ang cellphone nito sa kanya, lumayo naman agad siya habang dinidial ang number ni Sally. Ilang ring lang ang tinagal nun bago may sumagot sa kabilang linya.

"Sino 'to?" boses iyon ng kaibigan.

"Sally, si Rose 'to. Kamusta ka na?" mangiyak-ngiyak na aniya.

Pakiramdam niya ay ilang taon silang hindi nagkausap ng kaibigan sa sobrang pangungulila niya rito.

"Rose!" Halos mabingi siya sa biglang pagsigaw ng kaibigan, agad niyang inilayo ang cellphone sa tainga niya. "Ikaw ba 'yan talaga?"

"Oo, nakihiram lang ako ng phone rito. Kamusta na kayo? Si Aling Nely at Riel? Okay lang ba kayo?" sunod-sunod na tanong niya na ikinatawa ni Sally.

"Kalma. Okay lang kami lahat. Nagrerecover pa rin si Riel at nagtetake na siya ng online class." pagbabalita nito sa kanya na nagpangiti sa kanya. "So far, mabuti naman ang kalagayan namin. Ikaw ang inaalala namin, akala namin wala ka ng plano na tumawag." Bakas ang pagtatampo sa boses.

"Magagawa ko ba 'yon? Pahirapan lang kasi talaga sa signal doon sa lugar na--Bumibisita ba si Nikolas sa inyo?" Out of nowhere ay isiningit niya ang tanong na iyon.

"Huh? Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Sally. "Oo, pumupunta raw sa bahay niyo para magdala ng mga necessities nila Riel. Ikaw na ako nagpakita, baka masakal ko ng wala sa oras iyong lalaking hambog na 'yon."

Napangiti siya. Talagang tinutupad nila ang napagkasunduan.

"Mabuti naman."

"Ikaw, kamusta naman ang tiyan mo? Visible na ba ang umbok?"

"Hmm... medyo."

"Hindi ka naman inaapi dyan, ano?"

"Hindi naman ako papayag doon--"

"Sinong kausap mo?"

Natigilan siya nang may humablot sa cellphone na hawak niya, si Donya Evasha. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya ng diretso.

"K-kaibigan ko po..."

"A man or a woman?"

"Babae po,"

"Good." Ngumiti na ito at ibinalik lang sa kanya ang cellphone nang magsalita si Sally sa kabilang linya, "Let's go, we have a lot of things to do."

Tumango lang siya at nagpaalam na sa kaibigan. Hindi niya man lang nagawang tawagan ang numero ni Aling Nely, pupuslit na lang siya sa susunod. Kampante na siya na malamang maayos lang sila Riel at hindi sila pinapabayaan ni Xavion.

Ibinalik na niya kay Roldan ang cellphone nito.

"Kuya, ito na po ang cellphone niyo. Salamat po." aniya rito.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga nang dumako ang mga mata niya kay Donya Evasha. Talagang sinundan pa siya nito sa labas para lang malaman kung sino ang kausap niya, hindi na siya nagreact pa ng kung ano pa. Natatakot lang siguro itong mangyari ulit ang nangyari noon sa pagitan ni Xavion at ex nito.

Kung alam lang nito ang totoo.

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon