Chapter 72

8 1 0
                                    

Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig.

"Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.

Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part.

"Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."

Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon.

"You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.

Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin.

Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot. Agad niyang hinanap ang room ni Riel at nadatnan niya naman ang mga anak na naroon. Naglapitan naman sila Dahlia at Lily sa kanya.

"Mommy, Dave bullied us," pagsusumbong ni Lily.

Nag-squat siya para mapantayan ang tangkad ng mga anak. Sinuri niya kaagad ang mga katawan ng mga ito kung may pasa at laking pasasalamat niya na wala naman.

"Nasaktan ba kayo?" nag-aalalang tanong niya sa kambal.

Mabilis na umiling ang mga ito. "Kuya Kamal protected us. Siya po ang na-hurt, Mommy..."

Hinanap kaagad ng mga mata niya ang lalaki niyang anak at nakita niya ito na kasama si Riel, ginagamot nito ang sugat ni Kamal. Nagmadali siyang lumapit sa anak.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dalawang malalaking pasa nito sa kanyang binti at braso. Bagay na mas lalong ikinagalit niya. Simula ng isilang niya ang mga anak niya ay hindi niya ni minsang hinayaang masugatan ang mga ito. Alaga niya ang mga ito. Tapos magkakaroon ng ganito.

"Anak, Kamal, ano ba talaga ang nangyari?"

Kamal sighed. "They pulled Dahlia's skirt and pushed Lily. I just did what I had to to."

Napapikit na lang siya ng mariin.

"Ate, galing ka na bang office?" tanong naman ni Riel.

Tumango siya. "Binabaliktad nila ang kwento. Pinalabas na nagsimula ng gulo ang mga anak ko. Hindi ako nakapagpigil, pinatulan ko 'yong nanay ng batang nakalaban nila."

"Paano kung masuspend ka?"

"Hindi ako natatakot. I'd rather quit," walang takot na sabi niya. Binalingan niya naman ang anak na lalaki. "Kamal, you shouldn't have had to resort to that. But I'm proud of you for standing up for your sisters."

Napayuko si Kamal. "I couldn't just let them get away with it, Mom. They were picking on Dahlia and Lily, and nobody was doing anything."

Tila piniga ang puso ni Rose kinahinatnan ng anak. Hindi troublemaker si Kamal at bilang lamang sa kamay na makita mo itong makipag-usap sa ibang tao. Alam niyang hindi ito gagawa ng kilos na nagpagalit dito ng sobra. Sa mga sitwasyong alam niyang sinasaktan ang mga kakambal niya ay agad siyang haharang para protektahan ang mga ito. Isang ugali nito na labis niyang kinagiliwan. She wanted to protect them from the cruelty of the world, but she couldn't always be there.

"Iyon na nga, anak, naiintindihan kita. Pero sana sa susunod ay huwag mong hayaan ang sarili mong masaktan," mahinahong saad niya, ipinatong niya ang kamay sa balikat nito.

Kamal nodded.

"Mommy, ang cool po ni Kuya Kamal kanina. He knock them down!" proud na sabi ni Dahlia.

Napailing na lang sila Riel. Mukhang namana nga ni Kamal ang ugali ng ama.






*






Mula sa loob ng kotse ay pinagmasdan ni Xavion na naglalakad ang dalawang babae kasama ang isang bata papunta sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ng mag-ina. Hindi niya napigilan ang mapakuyom ang kanyang mga kamao. Gusto niyang turuan ng leksyon ang naturang principal sa pagbablackmail sa mga minamahal niya. At ang ibig niyang sabihin na leksyon ay ang method na si Nessa lamang ang nakakaalam.

Naningkit ang mga mata niya nang makita ang tawanan ng dalawa. Desidido talaga ang mga ito na matanggal siya sa lugar na iyon.

But Xavion won't let it slide.

Alam niya ang puno't dulo ng plano nito na patalsikin si Rose sa eskwelahang iyon, maging ang mga anak niya. At gusto niyang palad niya mismo ang dumapo sa balat nito pero pinigilan niya ang sarili. Kinuha niya ang cellphone niya at dinial ang numero ni Nessa na kasalukuyang nasa kanyang misyon.

Matapos ang ilang ring ay sumagot na rin ito.

"What?"

"Nessa, I need you to do something for me."

Hahayaan niyang iba ang tatrabaho para sa kanya. Sisiguruhin niyang hindi magtatagal ang mga ito sa school na 'yon. He needs to make them understand the pain they caused. Walang sinuman ang dapat na manakit sa pamilya niya.

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon