Chapter 59

7 1 0
                                    

Padabog na umupo si Rose sa isang bakanteng upuan sa komedor. Kahit pa na sabihing wala ang mga parents ni Xavion ay wala pa ring pinagbago sa bigat ng atmosphere. This is not a home anymore, pakiramdam niya lahat ng kilos niya ay kailangan muna hingan ng opinyon kay Xavion. Wala siyang kalayaan. And, she hates it!

Naalala niya pa nitong tanghali lang na nag-insist itong dalhin siya sa kanyang kwarto, his arm wrapped tightly around her shoulders na para bang hindi siya makapaglakad ng kanya. Sinubukan niyang magprotesta pero talagang nakikipagkompetensya ito sa tigas ng ulo niya at wala talagang balak na magpatalo sa kanya. Hindi siya nakikinig sa anumang sasabihin niya. He kept saying things like, "I just want to make sure you're safe," and "I can't bear the thought of anything happening to you."

Habang tumatagal, mas lalo siyang lumalala.

Dumapo ang matalim niyang tingin sa lalaking nasa harapan niya at sumunod ay binalingan ang pagkain na nakahain sa plato niya, bigla siyang nawalan ng gana. Napansin naman agad iyon ni Xavion at hindi napigilang ibagsak ang kubyertos niya sa mesa.

"I can't believe you're acting like this," may halong inis na sa boses nito. "You're being unreasonable."

"Ako? Unreasonable?" Rose shot back. "Ikaw na nga 'tong wala sa lugar sa pagiging overprotectiveness mo e."

Nagngitngit ang mga ngipin ni Xavion. "I'm just trying to keep you safe. But I guess you don't appreciate that."

Rose scoffed. "Oh, please. Huwag kang umaktong nag-aalala ka sa akin o para ito sa kapakanan ng mga anak mo. Ang sabihin mo, mahilig ka talagang kumontrol ng tao!"

Umalingawngaw ang mga boses nila dalawa sa komedor, bawat akusasyon ay tila nagiging patalim na ginagawa nilang sandata laban sa isa't isa. Nangingibabaw ang pride sa alitan nila, neither willing to concede even an inch.

"Hindi ko kailangan ang presensya sa bawat kilos na gagawin ko, kayang-kaya ko ang sarili ko. Ikaw lang naman dito ang walang tiwala sa akin."

Xavion furrowed as he watched how eager Rose was. "Is that so? Then why do you always seem to find yourself in trouble?"

"So far, hindi pa ako nadadawit sa gulo, at hindi ako tanga para ilagay sa bingit ng kapahamakan ang sarili ko. Nakakapagod na ring diktahan ng isang tulad mo."

The room seemed to pulse with the intensity of their emotions, their pride locking them in a battle neither was willing to lose. Pawang mga hindi marunong magpakumbaba ang bawat isa. Hindi na nag-aksaya si Rose ng oras para harapin si Xavion. Mas lalo lang siyang na-stress at sa pag-uusap na ito ay wala sila parehong mapapala maliban sa pagtatalo.

Umamba siyang tatayo na, but before she could take another step, muling nagsalita si Xavion. "Sit down and finish your food. You're not leaving until you finish your meal," mariing utos niya.

"Kakain ako kung kailan ko gusto, hindi mo na ako kailangang manduhan."

Napatayo na si Xavion, nanlilisik ang mga mata sa galit. "You'll eat when I tell you to eat! I'm not going to let you starve yourself because you're throwing a tantrum," nagtitimping sabi niya.

"Hindi lang ito basta-bastang sumpong lang, Xavion. Hindi mo ba matanggap na tumatayo na ako para sa sarili ko? Hindi ka ba sanay na hindi mo nakukuha ang gusto mo?" matapang na sagot ni Rose.

Kumuyom ang kamao ni Xavion. "You think you can defy me and get away with it?"

"Hindi ako natatakot sa 'yo, Xavion."

Xavion stepped closer, towering over her. "You should be."

Nanatiling matatag ang tingin ni Rose sa kanya na nagpapakita ng lakas ng loob nitong harapin siya ng walang takot. "Yanna, pakidala na lang ng pagkain ko sa kwarto," utos niya sa nakasilip na si Yanna.

Nagdadalawang-isip pa si Yanna kung kikilos ba siya dahil sa nasaksihang pagtatalo ng mga amo, Pero pinili niya pa ring yumuko at magsalita. "Opo, Ma'am Rose..." magalang niyang sagot.

Nang tumalikod na si Rose at nilisan ang komedor, Xavion's temper flared. Mas humigpit ang pagkuyom nito sa kanyang kamao. Sa sobrang galit niya ay pinaghahagis niya lahat ng mga makita niyang gamit sa kung saan na naging dahilan para mapatakip sa tenga si Yanna sa ingay na dulot ng pagkabasag ng mga gamit. Lahat ng mga pagkain ay nagkalat sa sahig at tila dinaanan ng bagyo ang naturang komedor.

Narinig iyon ni Rose pero hindi siya natinag at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang tiyan kaya napatigil siya at napapikit ng mariin. She bit her lips, parang tinutusok ang tiyan niya sa sobrang sakit. Napakapit siya sa handrail ng hagdan.

Isang maid ang lumapit sa kanya at agad siyang dinaluhan.

"Ma'am, okay lang po kayo?" nag-aalalang tanong nito.

Huminga siya ng malalim at pinakiramdaman ang sarili niya. Nang umayos-ayos na ang pakiramdam niya ay tumango na siya.

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon