Chapter 16

9 1 0
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Rose nang magsimulang maghubad si Xavion ng kanyang mga damit. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung Mabilis niyang iniwas ang mga mata niya sa gawi ng binata. A playful smirk plastered on his face. Hindi niya aakalaing magrereact ng ganito si Rose.

Kinapa ni Rose ang tabi niya kung saan niya nilapag ang mga damit niya pero mabilis ang mga kamay ni Xavion at napigilan siya. Mas lalong napasigaw si Rose dahil nasa mismong harapan na niya ang binata. Mabilis siyang lumipat ng pwesto at nagtago sa ilalim ng bula habang ang mga mata ay nakapikit pa rin ng mariin.

Kahit na dalawang beses na may nangyari na sa kanila at ilang beses na niyang nakita ang katawan nito ay hindi pa rin niya magawang masanay.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" sigaw niya kay Xavion.

"Maybe I am." Mas lumapad ang ngisi sa labi nito.

Sinabuyan niya ang direksyon kung saan narinig niya ang boses ni Xavion, tanging mahinang tawa lamang nito ang natanggap niya.

"Lalabas ka o sasamain ka sa akin. Nakikiusap ako ng maayos, Xavion ah!" may pagbabanta na sa boses niya.

Pinakiramdam niya lang ang paligid habang yakap-yakap ang sarili. Mas lalo siyang nataranta nang tuluyan nang lumusong sa tub si Xavion. He was teasingly tracing his fingers on her bare back.

"Ano ba! Lumabas ka sabi e!"

"You seem very stressed lately, baby. How about a massage? That could make you feel better."

Sa inis niya ay tumayo na siya at wala na siyang pakialam kung makita ni Xavion ang kahubaran niya. Umahon na siya sa jacuzzi at laking gulat niya nang hapitin siya nito sa beywang at ikulong sa mga bisig nito. Daig pa niya ang tinakasan ng kaluluwa nang maramdaman ang sandata ni Xavion na tumusok sa tiyan niya. Bigla ay nagising ultimo pinakamaliit na balahibo sa katawan niya.

"Xavion!" Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito.

Pilit niya kumawala pero talagang napakalakas ni Xavion, wala siyang panama.

"Bitawan mo ako, ano ba!" Hindi pa rin siya magawang bitawan ni Xavion.

It was so awkward, especially feeling that 'thing' on her bare skin, naiinis siya. Hindi niya alam na aabot sila sa ganitong sitwasyon dahil sa ginawa niyang pagtanggi rito. And now, she's stuck.

"So feisty. I like that..."

"Binabalaan kita, Xavion. Kapag ako nakawala, pagsisisihan mo lahat ng ginagawa mo. Ano bang ginagawa mo!"

"Is that even a warning. I didn't feel threatened," he chuckled.

Nanggagalaiti niyang tinignan sa mata ang kaharap niya na hindi man lang natitinag kahit anong gawin niya. Bato ba 'to?

"Tigilan mo na nga pagpapanggap. Walang ibang tao rito. Wala sa kontratang pinirmahan ko na dapat kitang pagsilbihan sa ganitong bagay."

"You should feel sorry for making me look like a stupid in front of my men. I took few hours to find those food you are requesting for and dumped me that easy? I can't let anyone disrespect me like that."

Umangat ang kilay niya. "E anong magagawa ko? Ang tagal niyo e. May expirations ang gutom ko."

"My patience is limited too. And now, deal with it."

"Hmm!"

Nagulat siya nang bigla siyang siniil nito ng halik na hindi agad napaghandaan. Halos maubos na ang lakas niya sa pagpupumilit na kumawala sa mapusok na halik na iyon. Kalahati ng utak niya ay nagsasabing itulak si Xavion at sampalin dahil sa ginagawa nito sa kanya, pero ang kalahati ay taksil sa sistema niya dahil nais nitong bumigay na siya at tumugon sa halik nito.

Pero nanalo ang parteng iyon. She gave in. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng hininga at kinaya niya ang halos dalawang minutong halik na iyon. Kusang umangat ang mga braso niya at pinulupot iyon sa leeg ni Xavion.

She was as if manipulated by his sudden aggressiveness. His hands were traveling down her naked body and he gently squeezes her plum that made her shrieked.

Mas lalo pang lumalim ang halik na iyon at halos kapusin na sila sa hininga. Bumaba ang halik ni Xavion sa leeg niya, she bit her lower lip trying to regain her strength as he continues to give her pleasure.

They were interrupted when Xavion's phone rang. Doon lang natauhan si Rose at mabilis na itinulak si Xavion palayo sa kanya. Agad na namula ang pisngi niya dahilan para magtago siya sa ilalim ng mga bula. Hindi siya makapaniwalang bumigay siya sa mga halik ni Xavion.

That moron really knows how to play with her. Mas lalo siyang nainis. She did not signed up for this. Hiniling niya sa tubig na nilubluban niya na sana ay higupin siyang tuluyan.

Napailing na lang si Xavion sa inis, halatang nabitin pa ito. Wala siyang nagawa kundi ang sagutin iyon. Dahil sa inis niya ay hindi na niya nagawa pang tingnan ang pangalan ng caller.

"What!" singhal niya sa kabilang linya. Maya-maya ay natigilan ito nang marinig ang boses ng tumatawag. "Dad..." huminahon ang kanyang boses.

Matapos niyang marinig na magsalita si Xavion ay nagmadali na itong magbihis at walang pasabing lumabas ng banyo. Naiwan siya roon na tulala at hindi alam kung ano ang nangyayari. Base sa boses ni Xavion ay hindi maganda ang nangyari.

Nilublob niya ang mukha sa mga bula sa sobrang hiya habang inaalala pa rin ang nangyari kanina. Nangako siya sa sarili na hindi na magpapadala sa mga haplos at panlalandi sa kanya ni Xavion pero ano 'yon kanina?

"Aw!" Napahilamos siya kaagad nang sumakit ang mata niya dahil sa bula.

Isinusumpa niyang hindi na kailanman makakalusot pa si Xavion. She may be caught off guard. But surely, she'll make him regret. Hindi siya parausan nito na kailangan niya laging magparaya. Hindi siya ganoon. Masyado na siya binababa.

"Last mo na 'yan, Mr. Nero."

Umahon na siya at nagtungo sa shower para palamigin ang ulo niya. Pagkatapos ay nagbihis na siya. Napangiwi siya nang makitang may nakahanda na damit sa kama, may note pa sa tabi.

'Dad is coming home tonight. Be ready."



Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon