Chapter 15

8 1 0
                                    

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang insidenteng iyon sa gubat. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makitang muli pa sila Argon dahil sa paghihigpit ni Xavion. Nagdoble-ingat na rin ito sa kanya dahil ayaw na nitong mangyari pa ang nangyari noong nakaraan.

Minsan gusto na rin niyang magmaktol dahil palagi na lang siyang nasa loob ng bahay. Nalibot na siguro niya ang buong bahay dahil sa kabagutan. Dagdag pang todo-bantay pa ito sa kanya. Isang buwan mahigit pa lang naman ang tiyan niya pero pakiramdam niya ay kabuwanan na niya.

Tinalo pa niya ang lumpo sa sobrang OA ni Xavion. Pero hindi niya maikakailang nagiging mas nakakaakit ito sa paningin niya every time he cares for her, kahit pa na nakakairita.

Katulad ngayon, mailapat niya lang ang paa sa sahig ay may nakaabang na agad na wipes. Ewan niya ba pero naiinis na siya kapag nakikita niya ang pagmumukha nito. Gusto niyang pigain ang ulo nito sa sobrang inis. Nailipat na ata niya sa lahat ng channel at hanggang ngayon wala pa rin siyang matipuhang panoorin.

"Bakit kasi hindi na lang siya magbuntis ng anak niya, nananamay pa ng payapang tao e," irap niya sabay dabog.

Sinulyapan niya ang lalaking kinabubwesitan niya na abala sa kausap nito sa phone habang nakaharap sa glass door, ang isang palad nito ay nasa kanyang bulsa. Lumipat ang tingin niya sa malapad nitong likod pababa sa kanyang pang-upo. At nang ma-realize niyang hindi na sa wastong tanawin nakatuon ang mga mata ay napailing siya at muling binaling sa TV ang atensyon.

Mas lalo siyang nainis dahil mas malaki pa ang pang-upo ni Xavion sa kanya. Hindi niya makita ang dahilan kung bakit mas pinagpala pa ito sa kanya, pareho lang naman silang tao. Ang unfair talaga. Ilang beses na sa linggong ito na makita niya kung gaano ka perfect ito, mas lalo siyang naiinis sa part na wala siyang makitang kapintas-pintas sa panlabas nitong anyo. Pero sa ugali, oo marami. Baka hindi pa matapos ang isang araw kung iisahin niya ang mga bagay na iyon.

Siguro pinaglihi ito sa buntot ng demonyo, ano?

Nilapitan siya ni Renalyn nang mapansin ang busangot niyang mukha.

"Madam, nagugutom na po ba kayo?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"Oo," maikling tugon niya.

"Anong gusto niyo po? Sinigang, adobo, tinol--"

Naputol ang sasabihin nito nang sumingit si Xavion.

"What's wrong?"

The moment na narinig niya ang boses ni Xavion ay mas lalo siyang nainis. Sa inis niya ay kinuha niya ang maliit na unan sa tabi niya at hinagis sa direksyon nito, agad naman nitong nasalo iyon.

"The fvck?" mura ni Xavion.

"Huwag mo 'kong murahin!" sigaw niya pabalik sa lalaki, napalunok na lamang si Renalyn at um-exit na sa eksena, baka kasi sa kanya pa bumaling ang galit ni Rose.

Napasapo sa noo si Xavion, "What is it this time, woman?"

"Ikaw!" Tumayo na si Rose at nagsimulang magsisigaw. "Ikaw ang problema ko! Masyado kang perfect--" Natutop niya ang bibig nang mapagtanto ang sinabi niya, "— este ang pangit mo!" bawi niya.

"That's it?" Xavion smirked teasingly.

Gusto niyang umiyak sa kahihiyan na iyon, parang gusto niyang tawagin ang diwata ng lupa kung mayroon man na ipalamon na siya sa ilalim. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwede niyang sabihin, iyon pa ang lumabas sa bibig niya.

Nanatili siyang tahimik at umupo na sa sofa sabay halukipkip. Wala siyang gana na titigan ang pagmumukha nito at mas lalong wala siyang ganang makipagtalo.

"Gusto ko ng gummies..."

Kumunot ang noo ni Xavion nang marinig ang hinihiling niya. Ngayon niya lang narinig ang bagay na iyon.

Is that even a food?

"Gummies? What's that? What type of cuisine is that? Is that even healthy for my child?"

"Tignan mo, masyado kang OA! Sa tingin mo ba pakakainin ko ng lason ang anak mo? Siya na nga ang gustong kumain pero dahil iisa kami ng katawan na pinakikinabangan, ako naghihirap ngayon dahil sa masyado kang overprotective."

"Okay, fine. I'll find that food then."

"Huwag na! Labag naman sa loob mo e."

Xavion grunted. "Wait for me."

Umalis na ito at hindi niya alam kung saan na ito nagpunta, hindi na niya sinundan ng tingin ang lalaki. Pakiramdam niya ay nakaganti na siya, pero hindi pa siya gaano ka-satisfied. Ipaparamdam niya kay Xavion kung paano magdusa sa kamay ng isang buntis. Gusto niyang tumawa ng malakas pero baka akalain ng mga tao rito sa bahay ay nababaliw na siya kaya nanatili na lamang siyang tahimik. Mamaya na lang.

Abala siyang magbuklat ng libro na nakita niya sa isa sa mga shelf dito sa sala nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Xavion kasama ang tatlo niyang tauhan na may dalang tatlong plastic bags. May tatak pa ito ng isang sikat na supermarket. So, pumunta pa siya ng syudad para lamang mabili iyon? Kaya pala umabot ang mga ito ng tatlong oras.

Sinalubong niya ng sama ng tingin si Xavion, nakasuot pa talaga ito ng sunglass.

"Ang tagal, nawalan na ako ng gana."

"What?" Nanlisik ang mga mata nito sa galit.

Hindi na niya pinansin si Xavion at tumayo na siya para pumunta sa silid nila. Ni-lock niya ang pinto at maya-maya pa ay narinig niya ang sunod-sunod na pagkalabog ng pinto. Si Xavion iyon. Well, sino pa nga ba?

Walang gana siyang dumeritso sa banyo at hinubad ang mga damit niya at nagbabad sa jacuzzi. Pumikit siya kasabay ng pagsandal niya sa kanyang ulo sa kabilang corner. Hinayaan niyang palamigin ang ulo niya ng malamig na tubig. Nakakarelax ito sa kanya.

Namimiss niya na ang buhay niya kaso ilang buwan pa ang kailangan niyang tapusin bago makapagsimula na ulit sila ng panibagong buhay. Okay lang kaya ang kalagayan ng pamilya niya roon. Nakakapag-aaral kaya ng maayos si Riel?

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Mabilis siyang napatingin sa pintuan at naroon si Xavion, galit na galit na nakatingin sa kanya. Ops! Mukhang nagalit niya nga. Napalunok siya nang magsimula itong magtanggal ng damit.

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon