Chapter 70

8 1 0
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.

Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito.

"Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.

Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila.

"May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco.

"Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka la—" Hindi na ito natapos sa kanyang sasabihin nang agad na niya itong hinila palayo, dinala niya ito sa isang lugar na wala masyadong tao.

Binitawan niya ang kamay nito.

"Draco, mangako kang hindi mo ipagsasabi sa nagkita tayo ngayon, lalo na kay Xavion. Isipin mo na lang na hindi mo ako nakita. Please, nagmamakaawa ako sa 'yo..." Pinagdaop niya ang palad.

"But why?" kunot-noong tanong nito.

Huminga ng malalim si Rose. "H-Hindi ko pa magawang ipaliwanag sa 'yo ang lahat sa ngayon, Draco," Nanginginig ang kanyang boses at tila kinakabahan.

Nakita ni Draco kung paano namuo ang takot sa mga mata ni Rose. Hinihintay niyang isawalat nito ang mga kasagutan na gusto niyang marinig, but he could see that she was not ready to share that burden with him, at least not yet.

"Alright, Rose. I won't say anything to Xavion. You have my word." mahinahong wika ni Draco.

Nagpakawala ng buntonghininga si Rose. Alam niyang hindi siya bibiguin ni Draco. Malaki ang tiwala niya rito at sana nga ay hindi nito ito masira. Hindi pa siya handing harapin ulit si Xavion, hindi na sa ganitong sitwasyon. Masaya na siya sa buhay niya.

"Salamat, Draco,"

"But at least, sabihin mo sa akin kung ano ang kalagayan ng mga batang ipinagbuntis mo. At kay Sally... bakit kayo nawala bigla?"

Natigilan siya nang maging seryoso ang mukha nito. Napalunok siya, hindi na niya alam kung ano ang sasabihin.

"O-Okay lang naman sila." nauutal niyang sabi.

"Nasaan na sila? Pwede ko ba silang makita?"

"Huwag muna ngayon, Draco. Saka na. Hindi naman sa ayaw ko silang ipakita pero kasi, komplikado pa ang sitwasyon ngayon."

Draco sighed. "Sure, I understand. Knowing that they are safe, satisfied na ako. And, mag-iingat kayo, naghahanap pa rin si Xavion sa 'yo."

"Cover us up, please?"

"Bakit hindi? Basta ba, bibisita ako sa inyo sa susunod. Okay lang ba? Ito ang card ko, tawagan mo lang ako if you need my help."

Tumango si Rose. "Sige, at mauuna na din pala ako kasi may kailangan pa akong asikasuhin."

"Take care,"

Nagmamadaling umalis si Rose na parang dagang may pinagtataguang pusa. Napangisi siya. Kinuha niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa at idinial ang number ni Xavion. After a few rings, Xavion picked up.

Hindi mapigilan ni Draco ang mapang-asar nitong ngisi na sumilay sa kanyang labi. Sa mga ganitong sitwasyon, alam niyang hindi siya mapagkakatiwalaan. As long as hindi niya sinasabi ang salitang 'promise' ay hindi siya tutupad.

Napapailing na lang siya sa kalokohang naiisip.

"Xavion, you won't believe who I ran into today,"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng nasa kabilang linya. "What is it, again?" walang kainte-interes nitong sagot.

Draco chuckled. "Alam mo na, just a certain someone we haven't seen in a while. Sa wakas, lumabas na rin siya sa lungga niya."

"Who?" halata na ang pagkairita sa boses nito.

Pinaglaruan ni Draco ang hawak niyang keychain habang naglalakad na paalis. Hindi na siya nag-abala pa na hanapin si Rose dahil magagawa rin naman nila 'yon ngayon, Lalo pa na alam nilang nasa malapit lang pala ito. Well, she probably is good at hiding.

"Don't act foolish, asshole. Kilala mo na ang taong tinutukoy ko."

"I have a lot of things to do, Draco. Spill what you have to spill. I don't want to waste my time listening to your—"

"Si Rose, idiot!"

Natigilan si Xavion. "What?"

"Looks like your mysterious lady love isn't so mysterious anymore. She even beg me na huwag sabihin sa 'yo na nakita ko siya, ayaw niyang ipakita sa akin ang mga bata. Mukhang ayaw niya nga talagang harapin ka," natatawang balita ni Draco. "Kinuhaan ko na rin pala sila ng litrato. In fairness, dude. The kids has your damn appearance,"

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa kabilang linya at maya-maya ay nagsalita na ulit ito.

"Let her hide for now, Draco. But make no mistake, I'll find her eventually. And when I do, she won't be given the chance to escape again."

Guns and Roses (Caravello Nero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon