Chapter 22

59 12 0
                                    

    "Good, good, good morning, Conan~ Let's wake up early and meet Selene.....my Goddess!"

    "Ahhhh! What the hell are you doing?!"

    Animo'y bola akong nagpagulong-gulong sa sahig nang sipain ni Conan ang mukha ko. Bumulikwas naman ng bangon si Conan at nakapamaywang akong tinuro na para bang may nilabag na naman akong sagradong batas.

    I cupped my cheeks, crying, "Why the hell would you fxcking kick me like that?!"

    Nanlaki ang mata ni Conan at aktong sisipain pa ulit ako pero mariin itong nagpigil. Naisip niya siguro ang parusa kapag nanakit siya ng kapwa studyante kaya nilunok niya ang inis at tinuro ulit ako.

    "You idixt, don't you ever dare jump like that in my bed without my permission!"

    "The hell is wrong with you?!" Iritable kong tanong habang minamasahe ng marahan ang pisnge ko.

    Conan let out a sigh of annoyance, "Well, for someone like you who doesn't practice hygienic things, pumapayag ka nalang na kung sino sino ang tumatapak o humihiga sa higaan mo!" He sarcastically responded.

    "Hindi naman ako tumapak sa higaan mo ah, yong tuhod ko lang tsaka naka-pajama naman ako!"

    "Kahit na!"

    "Ano?!"

    Conan scanned me from head to toe, "Who knows kung saang lupalop ka nagpupupunta?"

    What an annoying guy! I knew that Conan had an attitude, tsaka lang siya nagiging mahinahon kapag isa na sa mga kasintahan niya ang kausap niya, but I still can't get used to it. Moreover, when it comes to his position—as the secretary of GSSO, and as my roommate, daig niya pa ang ibang babae sa kaartehan niya. Ever since I came into this world, walang araw na hindi ko naririnig ang bunganga niyang maingay pa sa bunganga ng nanay ko.

    Tinayuan ko siya at tinitigan sa mata, "You know what?"

    His eyebrows knitted, "What?"

    I gulped, looking away as I asked, "Anong oras dadating si Selene?"

    Hinihintay ko talaga ang araw na 'to. Hindi pa nga ako makatulog ng maayos kagabi kakaisip kung anong una kong gagawin kapag nasa harap ko na si Selene. Masaya lang ako kasi sa wakas, ma-kokompleto na rin ang mga main characters ng libro!

    Upon meeting the male leads, I could say that they are all worth it to be with Selene. Even I admitted, kung ako ang nasa posisyon ni Selene, mahihirapan rin ako sa pagpili ng isa sa kanilang lima.

    Conan held his head, sighing as he said, "I knew it, you're really impatient when it comes to that. You are so unbelievable, don't you feel ashamed at all?"

    Kumunot ang noo ko kay Conan, "Why would I be?"

    Ashamed of what? Ngumisi lang ako at umiling kay Conan. Having a crush on her is not something I should be ashamed of. Kahit na may mga male leads si Selene, I can still admire her as a fan.

    Napakamot si Conan sa batok niya at pinasadahan lang ako ng tingin na animo'y sagad na sagad na saakin. Humakbang patalikod si Conan para abutin ang nakasampay niyang tuwalya sa likod ng upuan.

    "Once you arrive later, meet me at the usual place."

    I frowned, "Where's the usual place?"

MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon