Maingat kong nililinis ang mga galos ni Arman sa tabi ng maliit na lawa kung saan may rumaragasang tubig. Nakaupo't nagpapahinga naman ang apat sa kabilang direksyon habang ginagamot ni Travis ang mga sugat nila.
"Ayan nilinisan ko na. We'll have Kuya Travis look for you later," Mahinahon kong tugon kay Arman.
Tumango naman siya pero mukha parin itong nababahala. Kaya tinapak ko ng marahan ang balikat niya para kunin ang atensyon nito. I tilted my head to the other side to take a closer look at his face.
Tumikhim siya bago nag-salita, "Ah....pasensya na. Naalala ko lang ang mga nangyare, mula sa baryo, kay Kuya Declan at Holden, pati na sainyo.....sayo." Nag-aalalang tumingin sa akin si Arman.
"You have nothing to worry about anymore. Tapos na ang lahat, Arman. Hindi man lahat maibabalik sa dati, pero at least ngayon wala ka ng pangangambahan dahil ligtas na kayo."
Nong nilapitan ko siya kanina, nanginginig siya sa takot at parang wala sa sarili. I mean, sino bang hindi? Kahit ako, akala ko kanina ay katapusan ko na. At kung mangyare mang mapaslang ako sa harap ni Arman, habang buhay niya 'yong madadala at magiging trauma pa sa kaniya.
"Salamat. Salamat sa lahat ng tulong ninyo sa baryo namin. Kung hindi kayo dumating, baka pati ako ay mawala rin sa aking Ina. Kagaya ng ginawa nila sa pamilya nila kuya, mag-sisinungaling lang din sila kay Ina," His eyes were shaking as he swallowed hard.
He didn't have to go through all of this. Pero dahil sa mga taong gaya ni Apollo at Bellatrix na mapang-linlang, taking advantage of other people's weaknesses, may mga kagaya ng baryong Rosewood na nabibiktima at nawawalan ng mahal sa buhay.
I gently pulled Arman into my arms, "H'wag ka ng mag-alala, sisiguraduhin kong magiging maayos ang lahat." I said as I hugged him tightly.
Just like in the novel, natalo ko ang lobo although hindi sa paraan na nakapatay ako, natanggal ko ang spell na syang kumokontrol sa kaniya. Yon nga lang, nakatakas si Bellatrix at si Apollo. Nag-aalala ako na baka balikan nila ang Rosewood at mag-higanti.
"Um....Night, may ginawa ba akong mali?" Biglang tanong ni Arman na tinatapik-tapik pa ang likod ko.
"Huh?"
Kumalas sa yakap si Arman at naka-ngusong tinuro ang kabilang direksyon. Sinundan ko naman ito ng tingin at halos tumalon ako sa talim ng mga tinging pinupukol nila sa gawi namin.
"What?!" Singhal ko't pinag-taasan sila ng kilay.
"Anong mga problema nila?" Muling tanong ni Arman.
Kinapitan ko sa balikat si Arman para bumaling sa akin ang tingin niya, "Don't mind them. Baka nabaguk lang ulo nila sa labanan kaya masama kung tumingin."
Rinig ko ang pag-tikhim at pag-ubo nila sa pwesto nila pero pinagpaliban ko na ito.
Hanggang sa, bigla na lamang kaming nakarinig ng malalakas na hakbang papasok sa kweba. Napatayo agad ako at hinarangan si Arman.
"He's here! We have to flee! He's here!"
"Hold your horses!" Pinigilan ko sila sa kabila na handa ng umatake anumang oras.
Tumakbo ako papunta sa unahan at saktong pumasok ang lobo. Nanatiling nakataas ang mga balahibo't buntot niya habang tumatakbo siya patungo sa akin, diretso lang ang tingin niya pero nararamdaman ko ang pangamba nito.
BINABASA MO ANG
MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)
FantasyOne night, Astra dreamed of a mysterious woman who told him that La Luna would summon him, and he would replace her. The next morning, Astra learned that the author of "The Goddess of the Moon", his favorite novel, had committed suicide. Confused an...