"Night! Night Skylister!"
Nagising ako sa malakas na boses ni Conan sa gilid ng tenga ko. Bumulikwas ako ng bangon at nakita ko siyang naka-upo sa gilid ng kama ko.
"Damn it, Conan. Ano ba kasi 'yang inaatungal mo agang-aga?!" Iritado kong tanong. Kahit wala pa siyang sinasabi, alam kong isa na naman ito sa kaartehan niya.
Nilahad ni Conan ang kan'yang palad, "Where's the book?"
Kunot noong tinignan ko ang palad niya, "The book? What the hell are you spouting about?"
"Seriously, Night, alam kong umaarte ka lang na hindi mo gusto ang libro ni Selene pero ang totoo'y sabik na sabik ka na talagang basahin ang latest version. But sorry to say, kailangan ko ng isuli sa may-ari 'yan mamaya!""Why are we back with this again? Hindi ba't sinabi ko na sayong hindi ako nagbabasa ng gano'n!" Mariin kong sagot. Bakit hinahanap niya na naman sa akin ang bastos na librong 'yun?!
It wasn't me who wanted to read it. It was Night.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Conan at namaywang, "So, bakit nawala ang libro sa drawer ng office ko?"
Nanlaki ang mga mata ko't napabulikwas rin ng tayo sa narinig, "Iniwan mo 'yung ganoong libro sa office mo?! Are you out of your fucking mind?!"
Conan is unbelievably stupid. Paano niya nagawang iwanan ang erotic comic na 'yun sa office niya? What if makita ng mga kasama niyang babae? Walang hiya talaga ang taong 'yun.Since it was his problem, hinayaan ko siyang resulbahin iyon. Tsaka sumasakit rin ang buo kong katawan dahil sa PE class namin kahapon sa arena. Although I won the first match, hindi parin ako masaya dahil sinadya lang naman ng tatlong magagaling kong kalaban na magpatalo.
Nakaalis na si Conan at naiwan ako sa silid namin. Kalalabas ko lang sa banyo at napansin ko agad ang dalawang pulang rosas na nakalagay sa hugis crescent moon na vase.
I received another one last night—at kagaya no'ng isang gabi, nakasipit ulit ito sa pagitan ng bintana ko. Sino kaya ang nagbibigay sa'kin nito?
"One from the five male leads?" Wala sa sariling sambit ko sa sarili.
Umupo ako sa kama at may hinilang puting kahon sa baba ng kama ko. Tinanggalan ko ito ng takip at tumambad sa'kin ang liham para kay Franz, puting pouch na galing kay Travis, at ang kaliskis ni Vincenzo na ginawa kong kwintas. Kinuha ko ito't sinuot sa leeg ko.
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa infirmary kung saan binungad ako ng masamang tingin ni Doc Novalie.
"Wow. Mukhang maling lugar itong napasukan ko ah. Hindi ka po ba masayang nandito ako? O maling pumasok ako dito?" Sarkastiko kong tanong habang kinakapitan ang likod ko.
Doctor Novalie let out a sigh before she stood up from her seat. Inalalayan niya ako patungo sa isang kama.
"I'm getting bored lately. Wala ng tumatakbong mga studyante ditong kadalasang malala ang lagay dahil naka-bungguan mo," Sagot ni Doc. I hope she's just being sarcastic.
"Boring na rin po 'yun. Paulit-ulit pong gano'n ang routine ko dati kaya nag-sawa na ako," Sarkastiko ko ring sabi.
Pinadapa ako ni Doc sa kama at hinilot nito ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)
FantasyOne night, Astra dreamed of a mysterious woman who told him that La Luna would summon him, and he would replace her. The next morning, Astra learned that the author of "The Goddess of the Moon", his favorite novel, had committed suicide. Confused an...