Now why am I back in this circle again?
Nakaupo ako sa sofa habang nakakalat ang limang bida sa bawat sulok ng kwarto. Nakatayo sa likod ng couch si Christian, nakatuon ang mga kamay niya sa gilid nito habang saamin ang harap. Habang nasa may pintuan nakasandal si Franz at malapit sa kaniya si Travis na syang nag-titimpla ng kape sa gilid.
Si Samuel naman, the troublemaker as he is, was sitting on Christian's table. Sinipatan lang siya ng tingin ni Christian at kita ko ang pagsuko nito sa pagsasaway. While Vincenzo, on the other hand, was standing like a statue beside the big window.Wala bang lalamon sa akin ng buhay ngayong araw? Bakit andito na naman ako kasama sila?
"So why the hell are we here? Did you elected us as the new GSSO members?" Sarkastikong turan ni Samuel. He wasn't smiling when he said those words, naka-tanday ang isang paa niya sa kabila at seryoso ang tingin nito kay Christian.
"Mr. Kennard, respect the office of the GSSO," Sambit ni Travis. Tinignan niya ang upo ni Samuel sa mismong lamesa ni Christian.
Ngumisi naman si Samuel, "I am the Gang Leader for pits sake, do you really expect me to just sit around and enjoy the view of this famous office of yours? Nah!"
Napapikit ako ng mariin habang pinapakinggan ang sinasabi ni Samuel. Pasaway ka talagang depunggol ka!
"Right, Night?" Napapitlag ako nang lumapit ang tingin sa akin ni Samuel.
Oh, yes. How could I forget about this? Ako nga pala ang Heartless King, ang right-hand man ng pasaway na taong ito.
"Enough!"
Napatingin kami kay Christian nang tumaas ang boses nito. Sakto namang nilapag ni Travis ang mga kape na may anim na tasa. Umupo siya sa kabilang couch at nilapagan pa ako ng isa sa harap ko.
"Senior."
"Thank you, Travis." Tinanguan ko lang si Travis.
To be honest, 'di naman ako mahilig sa kape eh. But as I looked around, I don't think may susubok sa tinimpla ni Travis. Kaya kahit na wala akong hilig sa kape, tinikman ko parin ang gawa ni Travis para naman hindi sayang ang effort niya.
I saw him looking at me as I took a sip on the cup.
At isa lang masasabi ko, ang pait. Ang pait, pait, pait, pait! When my eyes turned at Travis, I realized that he was still staring at me. So I tried to maintain my composure, nilunok ko ng isa ang kape at ngumisi habang ibinababa ang tasa sa mesa.
"M-Masarap."
Humagalpak ng tawa si Samuel sa tabi kaya marahas akong napatingin sa kaniya.
"My bad. It's just that while saying the word, your face is saying otherwise!"
"Hindi ah, masarap talaga!"
Diniinan ko ang tingin kay Travis para sa akin siya maniwala at hindi kay Samuel. Ngumiti naman si Travis kaya guminhawa ang pakiramdam ko.
"Ehem....So, I gathered you here to talk about what happened in the Training Camp."
Bumaling ang tingin ng lahat kay Christian nang agawin niya ang atensyon namin.
I knew that someone in this group would stir the pot—at hindi nga ako nagkamali. Sa unang araw palang sa lugar na iyon ay nabinyagan agad ako. With all the revelations I faced, pinaka-paborito kong part eh yong nakita ko rin sa wakas ang mga kapangyarihan ng mga lalaking bida, except for Vincenzo.
BINABASA MO ANG
MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)
FantasyOne night, Astra dreamed of a mysterious woman who told him that La Luna would summon him, and he would replace her. The next morning, Astra learned that the author of "The Goddess of the Moon", his favorite novel, had committed suicide. Confused an...