"After packing your things, gather at the front for the head counts!"
Kasalukuyan kong binababa ang mga gamit ko mula sa kalesa. Lumingon pa ako para tignan kung kanino galing ang boses na 'yon, and it was Christian. Marami ng naghihintay at nagtitipon sa harap ng grand gate na animo'y mga langgam sa sobrang dami.
"Nagkaroon rin sa wakas ng bakasyon ang mga studyante ng skwelahang ito," Manong sighed in relief.
"I really hope that's the case, pero malayo 'to sa komportableng bakasyon na inaakala niyo, manong." Sagot ko naman.
Imbes na tulongan akong buhatin ang mga gamit ko pababa, ayan sya't naka-upo lang habang nakangiting pinagmamasdan ang mga studyanteng nakapila sa harapan.
"Young boy, you should cherish every moment in your life. Leaving the campus is a rare opportunity for the students here," Manong turned at me, smiling as he added. "Training camp man o hindi, you should enjoy this opportunity."
After that exhausting Clubs' Festival, we had a late night assembly yesterday—outside our buildings. Ayon sa bastos kong roommate na binombahan ko ng sermon kagabi, parte sa tradisyon ng Great Mona Academy ang pagkakaroon ng training camp every semester. Muntik ko ng makalimutan na parte nga pala ng curriculum ng eskwelahang ito ang mga ganitong activities, sa totoong buhay, para itong work immersion nong senior high at OJT nong college. The only difference is that each semester has training camps and we're all required to fulfill them.
Training Camp is a program wherein we acquire training from our actual experience. Since we're the future heroes of the Southern Skypia, ipaparanas saamin kung ano ang mga ginagawa ng mga lunar wielders at kung paano nila prinoprotektahan ang town.
"You sure love to run around, hmm?"
Nagulat ako ng bigla na lamang may umagaw ng bag ko at nang i-angat ko ang tingin ko'y bumungad si Samuel sa harapan ko.
"Because you guys wouldn't stop bickering like pigs," Sarkastiko kong sagot.
Kumunot ang noo ni Samuel sa narinig, "Pigs?!"
"Hi, senior."
Saktong paglingon ko sa likod ay dumating si Travis at malapad parin itong nakangiti sakin.
"Oh. Travis."
Pero agad ring naagaw ang atensyon ko ng sunod namang dumating si Christian, tinignan niya pa ng masama si Samuel bago binalik ang tingin sakin.
"You will be in the same camp as me," Bungad nito sakin.
"Oh....Okay," Sagot ko naman na walang ideya sa sinasabi niya.
"I'm also in the same class as Night!" Mariin namang sambit ni Samuel sa tabi ko.
Here they go again, palihim kong kinuha ang bag kong kawawang tumilapon dahil kay Samuel, sinamaan ko pa ito ng tingin bago tuloyang kinuha ang gamit ko.
"They're annoyingly loud, right?" Bulong ni Travis sa tabi ko.
Agad naman akong tumango, "Kung pwede lang takpan ng tape ang mga bunganga nila, ginawa ko na."
Travis let out a low chuckles, "Senior is a bit brutal."
"My little Skylister!"
BINABASA MO ANG
MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)
FantasiaOne night, Astra dreamed of a mysterious woman who told him that La Luna would summon him, and he would replace her. The next morning, Astra learned that the author of "The Goddess of the Moon", his favorite novel, had committed suicide. Confused an...