I quickly pulled the door closed. Tinalikuran ko si Christian at hindi sinagot ang sinabi niya. Damn. Ito na 'yong ikinatatakot ko. Ang magka-gusto ang mga lalaking bida sa'kin.
Muli akong sumilay sa pinto. Mukhang wala namang balak sumunod si Christian. I felt kind of relieved, dahil hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin. As for this letter, tinago ko muna ito sa loob ng suit ko't naglakad patungo sa klase ni Ms. Seraphina.
I'm in the hallway, taking my time. Iniisip ko kung paanong may isang letter pa sa bag ni Night? Hindi ba't napunta kay Franz ang isinulat ko? Ah, whatever. Babasahin ko nalang mamaya. I don't want to be troubled right now.
Sa dulo ng hallway, natanaw ko ang dalawang lalake, 'yong isang nasa unahan ay maliit at mapayat habang mas matangkad naman ang nasa likuran at medyo mataba. Pero sa kabila ng pagkakaiba nila, may isa silang pagkakatulad, ang kulay pula nilang buhok.
Gago, sinong nagpapasok ng mga manok dito?
Saktong nalagpasan namin ang isa't-isa at narinig ko ang usapan nila.
"Ton vreikate?" Have you found him?
"Ochi akoma, Ypsilotate." Not yet, Your Highness.
As they passed through me, I stood frozen and turned at them as I watched their figures take the other way. Anong lingguwahe 'yong naintindihan ko?They are speaking in different languages but I understood it. Hindi nga man lang ako na-surprisa sa salitang ginamit nila. It just....came to me naturally. Na para bang matagal ko na itong naririnig noon dahil hindi siya foreign sa pandinig ko.
Sa pagpasok ko sa silid ni Ms. Seraphina, naabutan ko silang nag-peperform ng meditation. Una kong nakita si Franz na nasa malapit ni Ms. Seraphina, sunod si Samuel na nakaupo't nakahalukipkip at hindi ginagawa ang meditation, at si Nathalia na syang unang nakapansin sa presensya ko.
Nang makita ako ni Samuel, napaayos siya ng upo't binulongan ako mula sa pwesto niya, "What did you two talk about?" He mouthed.Umiling ako bilang sagot na ikinakusot naman ng noo ni Samuel. Siya lang ang Gang Leader na hindi lang nakaw gulo, may pagka-chismoso rin. Sinenyasan ako ni Nathalia at inayang umupo sa tabi niya.
"Alright. Breath in....Breath out."
Sumabay ako sa instructions ni Ms. Seraphina.
As I breathed out, biglang lumabas ang imahe ng dalawang lalake sa isipan ko. The way their mouth opens, and how it sounds to me.....parang dinadala ako nito sa isang pangyayare kung saan ko narinig ang lengguwaheng iyon.
Umangat ang ulo ni Ms. Seraphina at biglang nag-tama ang mga mata namin. Mabilis naman itong umiwas na animo'y nakakita ng multo.
After our class, we went to the canteen. Hindi pumasok si Christian sa klase at satingin ko'y kasalanan ko kung bakit. Kasama ko ngayon si Nathalia, Franz, at Samuel. Ang unexpected ng tandem, 'di ba?
"So, anong plano mo para sa election bukas?" Biglang tanong ni Nathalia.
Ngumisi si Samuel, "Why would he need a plan? As if naman mananalo yan."
Ngumuso ako sa sinabi ni Samuel. Napaka-salbahe talaga ng mokong na ito.
"Your tray."
'Di ko napansin ang presensya ni Franz hanggang sa inabot niya sa akin ang tray. Tumango ako bilang pasasalamat na ikinangiti niya naman. But what is he doing here? How about his girlfriend? Baka mamatay sa gutom ang lintang 'yun.
BINABASA MO ANG
MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)
FantasyOne night, Astra dreamed of a mysterious woman who told him that La Luna would summon him, and he would replace her. The next morning, Astra learned that the author of "The Goddess of the Moon", his favorite novel, had committed suicide. Confused an...