Naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko dulot ng malakas na pagbagsak ko sa matigas na sahig. Bumangon ako at dahan-dahang ginalaw ang katawan ko.
Nang tuloyan dumilat ang mga mata ko'y bumungad sakin ang malaking kweba. Tanging mga kawayang sulo o torches lang ang nagpapaliwanag sa bawat sulok dito habang makikita naman sa kanang bahagi ang dalawang daan.
"Is everyone fucking alive?" Samuel asked while groaning.
"Yeah, it sucks that you still are."
"What, you asshead, Christian!"
"What an interesting teleportation."
Bumaling ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na nangibabaw sa kabila ng maingay na si Samuel. Pagtingin ko'y hindi nga ako nagkakamali dahil nakaupo sa batong nasa tabi ko si Vincenzo. Both of his hands are rested on the stone while he was looking above. Napatingin naman ako kung saan siya nakatingin pero ikinagulat ko lang ito.
"No fucking way."
Napatayo ako sa pagkakaupo at tumitig ng maigi sa taas. Wala kasing butas o bakas ng pinanggalingan namin na para bang kagaya ng sinabi ni Vincenzo, tineleport kami sa ibang lugar ng nilalang na 'yon.
"Would you please not curse? Katunog mo na rin ang siraulong 'yan," Sambit ni Christian na kababangon lang.
Kayat-kayat ang pwesto naming lahat. Napakadulo ako habang nasa likuran ko naman si Vincenzo at nasa harapan ko si Christian at Samuel. Habang nasa pinaka-unahan naman sina Travis at Franz na kababangon lang din.
"Wait.....Nasan si Arman?!" Gumala ang tingin ko para hanapin ang bata.
Tinakbo ko pa ang bawat sulok ng kwebang pwedeng pagtaguan ng batang 'yon pero bigo akong mahanap siya sa kweba. Tumulong na rin ang apat sa paghahanap pero bigo kaming lahat.
"Shit. Baka may kung anong masamang mangyare sa batang 'yon," Nag-aalala kong ani.
Tinapik naman ni Franz ang balikat ko, "Don't worry. We'll find him, okay?" Dahan-dahang tumaas ang kamay ni Franz papunta sa buhok ko.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Humahangos na napaupo ako sa batong nasa likuran ko. How come the kid is not with us?
Hinilamos ko ang mukha ko bago nag-salita, "Pero iisang direksyon lang naman ang pinagbagsakan natin lahat. So, how come, how come he's not here?" I asked, irritated and devastated.
"Senior, sorry, this is all my fault," Sambit ni Travis na napayuko sa kaniyang pwesto.
"No, I—"
"Rest assured. I will bring us all back to the surface," Putol ni Christian. Sandaling tumitig ng mariin si Christian bago ito tumalikod at nag-tingin tingin sa kweba.
Habang lumapit naman si Samuel sakin, umupo siya sa baba ng bato habang inangat niya ang tingin niya para nag-tama ang mga mata namin.
"I thought you'll just get us water?" Tanong nito pero mahinahon lang, 'di gaya kanina na beast mode ang mukong.
Franz hissed, "I didn't know that you will get this far just to get us water." He teased.
Umiling nalang ako at napangisi. Kahit papaano ay nabawasan ang takot at pangamba ko para kay Arman, thanks to these guys.
BINABASA MO ANG
MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)
FantasyOne night, Astra dreamed of a mysterious woman who told him that La Luna would summon him, and he would replace her. The next morning, Astra learned that the author of "The Goddess of the Moon", his favorite novel, had committed suicide. Confused an...