"Something got our friends!"
Nagulantang ang lahat nang matanaw ang dalawang studyante mula sa first class 2nd year. Bakas ang takot at pangingilabot sa mga mukha nila habang patakbong lumabas mula sa pinagbabawal na gubat ng Rosewood. Lumapit agad kami ni Travis lalo na't kaklase niya ang mga ito.
"T-Travis, kinuha si Eline at Hans! Tulongan mo sila, pakiusap!" Pagsusumamo ng isa sa mga kaklase ni Travis.
Sa saktong pagsalubong nila kay Travis ay sabay silang bumagsak sa lupa, yumuko naman agad si Travis para alalayan ang mga kaklase niyang hysterical na sa takot.
"What do you mean?! What happened to you guys?!" Tanong ni Travis na may bahid ng pag-aalala sa tono ng boses.
Pawis na pawis ang mga ito at halos manginig ang buong katawan sa takot. Dumating ang ibang 4th class at inabutan ng tubig ang dalawa, pinilit naman ni Travis na painumin ang mga ito upang kumalma at bago isalaysay ang nangyare sa kanila.
"The chief clearly warned us not to go in the woods, didn't he? Why Dominic, of all people, why did you violate the rule?" Travis asked firmly.
The Dominic guy that Travis was speaking to grabbed Travis' shoulders, "A-Alam ko, aware ako sa pagkakamaling nagawa ko, Travis, pero this is not time for this. Bago pa mahuli ang lahat, pakiusap, tulongan mo si Eline at Hans!" He cried.
Unlike Dominic, tahimik lang sa likuran ang kasama niya. Tulala ito at parang wala sa sarili. Nang humakbang ako papunta sa likod ay napansin ko kaagad ang nanginginig nitong mga kamay, namumutlang mukha, at nanlalaking mga mata—na para bang nakakita ito ng kahindighindig na nilalang.
"I got to tell the President about this—"
"There's no time, Travis!" Dominic shouted in fear.
Natigilan ang lahat sa sigaw ni Dominic. Sa pagkakataong iyon, napagtanto ng lahat kung gaano ito ka-seryoso.
"Pwede niyo akong maging guide."
Bumaling ang lahat sa kaliwa nang sumulpot ang isang batang lalake, kung hindi ako nagkakamali'y nasa edad labing-tatlo na ito, mas matured kasi siya tignan at mas matangkad kumpara sa mga batang kalaro ni Vincenzo kanina.
Oh. His voice. He can't be the kid I heard who was talking with his mother last night, isn't he?
Tumayo si Travis mula sa pagkaka-luhod para tignan ang batang nag-salita. Pinta agad sa mukha nitong hindi siya sang-ayon sa suhestyon ng bata pero muli itong umimik.
"Kung hindi tayo magmamadali, mapapahamak ang mga kaibigan ninyo," Dagdag nito na nagpa-alarma sa lahat.
Ramdam kong mas nangingibabaw sa kaniya ang pagliligtas sa mga kaklase niya pero nahahaluan ito ng pagdadalawang isip dahil may duty siyang ginagampanan. Once he stepped out here, it means he neglected the duty he was assigned to.
Tinapik ko ang balikat ni Travis, "Lead us the way, kid."
Bumaling ang tingin ng lahat saakin, pati na si Travis. But given the fact that I was the Heartless King, walang nangahas na pumigil sakin.
"Dominic, kapag nakabalik ang ibang GSSO, pwede mo ba isalaysay sa kanila ang nangyare? Please, inform them," Paalala ni Travis kay Dominic. Tumayo naman agad si Dominic at tumango.
Wala pang ilang segundo'y umalis na kami ni Travis, kasama ang batang si Arman—pangalang natatandaan kong tawag sa kaniya ng Ina niya kagabi. Nagsimula na kaming pumasok sa gubat kung saan lumabas si Dominic at ang kasama niya kanina.
BINABASA MO ANG
MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)
FantasyOne night, Astra dreamed of a mysterious woman who told him that La Luna would summon him, and he would replace her. The next morning, Astra learned that the author of "The Goddess of the Moon", his favorite novel, had committed suicide. Confused an...