Chapter 35

47 2 0
                                    

    I saw the questions written on their faces as soon as Bellatrix spouted those words. Hindi ako nagulat sa rebelasyong iyon, dahil matagal ko na namang alam ang tungkol sa bagay na 'yon, nagulat ako dahil alam ni Bellatrix. Who is she? This question kept bugging me the moment I saw her.

    "What nonsense are you talking about?" Christian asked firmly.

    Bellatrix was right—this information could shake the world, especially Southern Skypia, where the Moon Goddess is deeply devoted. Ang aming paaralan, kung saan lunar wielders are trained to use lunar energy for special abilities. This death could cause chaos in this Kingdom.

    Tumawa ng mahina si Bellatrix, "You heard it, the protector of the moon is dead!"

    Nakakabinging katahimikan ang namayani sa bawat sulok ng kweba. Kahit ako ay hindi nakapag-salita. I mean, what would I even say? That I am actually the reincarnation of Alliuna, and that I got transmigrated into their novel? Palaka lang ang maniniwala sa kahibangang 'yun.

    "Bellatrix!"

    Bumaling ang aming atensyon nang marinig ang pamilyar na boses, at kasabay nito ang mahinang yabag ng mga sapatos.

    "Still no lunar energy?" Bulong na tanong ni Christian.

    All of us shook our heads. Mukhang walang naniniwala sa sinabi ni Bellatrix.

    Pero hindi rin nag-tagal ang pag-dududang iyon nang makita namin ang pumasok, si Chief Apollo Moondust ng Rosewood Town! Dito na nagkaroon ng emosyon sa mukha ng mga bidang lalake, kita ko pang kumuyom ang kamay ni Samuel, umawang ang bibig ni Franz, sumeryoso lalo ang mukha ni Christian, at humakbang pauna si Travis para lang malinawan kung totoo ba itong nakikita nila.

    "What is the meaning of this?" Diing tanong ni Christian na hindi makapaniwala sa mukhang lumabas do'n.

    Gumala ang mga mata ni Chief Apollo sa amin, pero walang gulat sa kan'yang mukha. "I thought I was clear when I warned you not to venture in the woods. No one from you listened. So I apologize if things end up being tragic for you here." He said in a threatening tone.

    Malayo na ito sa mabait at pala-ngiting chief ng Rosewood na una naming nakilala. Wala na ring tungkod na naka-suporta sa kaniya. Now he was wearing a devilish smile as if he planned this for a long time. Just who are these people?

    "It's you. Tinanggalan mo ng memorya lahat ng tao sa Rosewood! Kahit si Ina, nakatatak sa utak niyang babalik ang mga taong nawawala kapag pumasok sila sa gubat, pero kasinungalingan mo lang 'yon! No one came back once they stepped in the woods!" Umiiyak na sigaw ni Arman.

    Nagkatinginan kaming apat.

    "Lahat ng tao?" Travis uttered and we barely heard it.

    "One day, I just woke up with my memories still intact. Malinaw sa alaala ko ang lahat—lahat ng ginawa niyong pananakop sa Rosewood Town! At naintindihan ko lamang 'yon nang tanungin ko si Ina, ang mga kaibigan ko, wala silang naaalala at tanging alam lang nila ay kayo ang namumuno sa baryo pero lahat ng 'yon ay kasinungalingan niyo lamang!"

    "Kagaya ko, alam ni kuya Declan lahat kaya sinubukan n'yang pumasok sa gubat kasama si kuya Holden pero hindi siya nakabalik at kagagawan niyo yon!" Marahas na tinuro ni Arman ang dalawa. Nanginginig ang mga kamay niya at tumutulo ng walang katapusan ang mga luha sa pisnge niya.

    Those two, iyon ang narinig kong binabanggit ni Arman sa kaniyang Ina kagabi. This is so tragic. How long has Arman been enduring this? How long has he been watching his own mother complimenting a liar who erased the townspeople's memories? Tinanggalan sila ng karapatang kamuhian ang mga sumira sa kanilang baryo.

MOON GODDESS: The Novel Reader's Fate (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon