LWTI 16

1K 51 0
                                    

"Sino yun?" sabi ko, at nag katinginan kami.
Dahan dahan kaming tumayo at kumuha ng pwedeng mapalo.
Dahan dahan kaming nag lakad papunta run.

"In count of 5" sabi niya sakin, tumango naman ako at inihanda ang hawak ko.
May nakita kaming anino ng tao, lalaki siya, malaki kasi ang katawan, tapos pagewang gewang pa lang lakad, para siyang lasing.

"1..... 2......3 .......4 .......go!" sabi niya, tumakbo naman kami.

"Hi gu--ys--" sabi niya, napahiga na lang siya sa sahig, agad naman kaming umupo at tinignan ang mukha niya.

"Hoya" sabi ni L, kilala niya toh.

"Kilala mo?" tanong ko sa kanya tumango naman siya, napatingin naman ako sa lalaking natutulog, humikilik pa siya.

"He is a part of our band" sabi niya sakin, tumango naman ako sa sinabi niya, wala eh siya ang may alam, tumayo naman ako, wala akong kinalaman sa kanila, kaya bahala na sila sa buhay nila, napatingin naman sakin si L na nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya sakin.

"Aalis na kilala mo naman siya diba, kaya mo na yan" sabi ko sa kanya at tumalikod.

"Gusto ma bang mawalan ng trabaho" sabi niya, agad naman akong napalingon sa kanila, ngumiti lang ako sa kanya at mabilis na nag punta sa tabi niya.

"Sabi ko nga ako na ang mabubuhat sa kanya" sabi ko at agad na binuhat yung lalaki.

"Sige ikaw na ang bahala sa kanya" sabi niya sakin at tumalikod na.

"Hoy tulungan mo naman ako" sabi ko sa kanya, lumingon naman siya sakin.

"Trabaho mo yan kaya ikaw na ang bahala sa kanya" sabi niya sakin at tuluyan akong iniwan.

"Mamatay ka nasa!!" sabi ko sa kanya, napalingon naman siya sakin at sinamaan ako ng tingin, napa ngiti na lang ako ng pilit.

Ang lalaking toh talaga napaka bipolar, kanina lang parang walang problema at ang saya ,ngayon dinaig pa ang itsura ng taong nag utang sa five six.

"Sabi ko nga gwapo ka" sabi ko sa kanya, tumalikod naman siya sakin at umakyat na.

"Anong gagawin ko sayo niyan" sabi ko at tinapik ang mukha, ang laki pa naman ng katawan niya halata na mabigat siya.

"Hay reanna ano tong napasok mo" agad ko naman binuhat yung lalaki.

"Hmm, alam mo ba mahal na mahal ko siya kaso niloko niya lang ako, ginamit niya lang ako para mapansin siya ng taong mahal niya, wala ba akong karapatan na sumaya" tuloy tuloy na sabi niya, ang drama naman ng lalaking toh, halatang broken heart eh.

"Oo na!, g*go sigurado ang babaeng yun kasi iniwan ka" sabi ko sa kanya, tumaas ang kamay niya pero bumaba din agad.

"Hmm, h*yop ka" sabi niya.

"Alam ko na pangit ako pero wag mo naman ipamukha sakin, di hamak naman na mas maganda ako sa kanila kahit isang paligo lang" sabi ko sa kanya, hindi na siya nag salita pa.

Binuksan ko yung kwarto na may pangalan na hoya, kasi naman yun lang ang hindi pamilyar sakin na pangalan at narinig ko naman yun kanina kay L.

"Hoy mag ka naman pag pabigat" sabi ko sa kanya, pero hindi naman siya sumagot, hay bat ko ba kinakausap ang lasing, hind naman makakasagot ng maayos yan eh.

Hiniga ko siya sa kama at inayos siya sa pag kakahiga, nag punta ako sa banyo at kinuha yung towel, inalis ko yun jacket niya, wag kayo nakapikit ako ngayon, may abs, oo na nakamulat ako konti lang hihi, gusto kong makakita ng pandesal sa gabi.
Hay reanna anong pinag iisip mo, umayos ka.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinunasan sa dala kong towel, alam ninyo ba ang salitang heaven, oo ganun ang pakiramdam ko ngayon, parang nasa langit ako, haha joke lang hindi naman ako ganun konti lang naman.

Ang laki ng mga musle niya sa kamay, kaya pala ang bigat niya puro pandesal pala siya hihi.

"Goodnight" sabi ko na lang at sinara na ang pinto.

"Hay asdfghjk" halos mahulog ang puso ko sa gulat, kasi naman bigla na lang lumitaw si L sa tapat ko.

"Gusto mo na talaga akong mamatay noh, kainis" sabi ko sa kanya, linapit niya ang mukha niya sakin.

"Bakit may ginawa ka pang masama sa kanya hah" sabi niya sakin, at tinignan ako mata sa mata.

"W -a -la" sabi ko sa kanya pero nauutal naman ako, mas nilapit niya pa ang mukha niya sakin, hahalikan ba niya ako, wait lang hindi pa ako ready, hindi pa ako nag totoothbrush.

"Bat mukha kang guilty hah" sabi niya sakin, napailing na lang ako, oo nga naman bakit parang naguguilty ako wala naman talaga akong ginawang kasalanan.

"Wala naman talaga akong ginawang kasalanan eh" sabi ko sa kanya, tumango tango naman siya sa sinabi ko pero hindi parin nawawala ang pag tataka niya sa mukha.

"Siguradohin mo lang, kung gusto mo pang mag tagal dito" sabi niya sakin at pumasok na siya sa kwarto niya, nakahinga naman ako ng maluwag sa pag sara ng pinto niya.
Pumasok naman ako sa kwarto ko at binagsak ang katawan ko sa kama.

"Hay okay lang naman pala maging P. A nila, nakakakaba lang ang lalaking yun" 
unti unti kong pinikit ang mata ko, isang mahabang araw na naman bukas.
--

*Pakk!,* Bang!*

Napatayo naman ako sa narinig kong ingay na nakakarindi sa tenga ko

"Hay gising ka na rin" sabi niya sakin at nakangiti sakin, ano naman kaya ang problema ng mga toh.

"Ano ang problema ninyo?" sabi ko sa kanila.

"May photoshoot kami ngayon kaya kailangan handa na ang lahat" sabi ni woohyun sakin, agad na akong tumayo at napunta sa isang kwarto.

Alam ninyo kung ano ang kwartong yun, walk in closet lang nila, sosyal talaga ang mga taong toh, pero iba iba ang mga yun, at nakahiwalay ang mga damit ng isa't isa may label kasi siya, may pangalan pa sa hanger, para kapag daw may naligaw mapapansin nila kung kanino ilalagay.

"Sandali iinit ko pa ang kakainin ninyo" sabi ko at umalis sa walk in closet nila at nag punta sa kusina, katapos kong magawa ang almusal sa kusina, agad naman akong bumalik sa walk in closet nila at kumuha ng damit nila.

Katapos yun nilagay ko yun sa kama ko, nag punta ako sa banyo at pumuntan sa banyo.

Five minute natapos na ako kaya agad kong kinuha ang simpleng dress na kulay blue, napatingin ako sa salamin, tinali ko ang buhok ko, yung simple lang cute naman siyang tignan dahil sa hikaw ko at bangs ko, sinuot ko ang doll shoes ko.

"Reanna hindi ka pa ba tapos diyan?" binuhat ko na ang mga damit nila at binuksan ko na ang pinto.

"Ready na ako" sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya sakin at nag walk out, hay may dalaw siguro ang mga toh, dali dali akong bumaba sa hagdan.

"AHHHH!!"

To be continued....

Living with the infinite #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon