LWTI 38

883 40 0
                                    

Reanna POV

"Diba gusto mo siyang nakita" nakangiting sabi ko sa kanya, napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko, wala na akong panahon mag explain sa kanya, baka kasi mag sasara na ang mall.

"Kung may kailangan ka bukas na lang kasi pagod na ako" tamad na tamad na sabi niya, hindi pwede ang balita ko kasi ipapasara na niya yung store.

"Hindi pwede, hindi mo na siya makikita kapag bukas na" sabi ko at mas binilisan pa ang lakad, sana naman hindi pa kami huli, pls God pahintohin niyo yang oras para mag kita naman sila oh.

"Saan ba kaso tayo pupunta?" Sabi miya at inalis yung kamay ko, tinignan ko siya ng seryoso, bakit ngayon pa siya makulit, suntokin ko na lang kaya siya para buhatin ko na lang siya papunta dun.

"AYAW MO BANG MAKITA ANG MAMA MO!!" nagulat naman siya sa sinabi ko, kaya naman hinila ko siya at mas binilisan ang lakad.

"Paano?" Hindi makapaniwala na tanong niya sakin, napahinto naman kami dun sa store kung saan ako gumawa ng bracelets ng infinite, pero huli na kami nakasara na yun.

Lumapit ako dun sa lalaki na may buhay na gamit, sana naman hindi pa siya nakakalayo.

"Ah manong nasaan po may ari ng store na to?" tanong ko, napatingin naman siya sakin, kinakabahan ako sa totoo lang, alam ko kasi na ito ang gusto niya umpisan palang.

"Ahh, yung matanda wala na siya kakaalis lang" sabi niya sakin, halos manlumo ako ng sa sinabi niya, napatingin naman ako dun kay myungsoo at ganun din ang mukha niya.

"Kung sinabi ko lang sana agad sayo agad mo sana siyang nakita, sorry talaga!!" Naiiyak na sabi ko sa kanya, nagulat na lang ako ng yakapin niya ako, kaya naman binaon ko mukha ko dun.

"Shh!!, it's not your faults kaya, wag mong sisihin ang sarili mo, ang totoo ako ang may kasalanan, kasi hindi agad ako nakinig sayo" sabi niya habang inaalo ako, at mas hinigpitan pa ang yakap sakin.

"Myungsoo!!" Nagulat naman kami sa isang taong nag salita sa likod namin, dahan dahan niyang inalis ang kamay niya at tumingin sa likod.

"Ma.." sabi niya at agad na pumatak ang mga luha sa mata ni myungsoo, tumakbo ito at niyakap ang mama niya, kahit din ako hindi ko mapigilan maiyak sa nakikita ko, akala ko talaga hindi na  sila mag kikita, but God granted my wish.

"Miss na kita anak" sabi nito at pumatak ang mga luha sa mata niya, kumalas sa yakap si myungsoo.

"Miss din po kita ma, kung hindi mo alam kung gaano katagal kong hinintay na makita ka ulit" sabi ni myungsoo, pinunsan naman ng mama niya yung luha ni myungsoo.

"Miss din kita, kung alam mo lang kung gaano kita katagal hinanap" sabi niya.

--

"Thank you" sabi ni myungsoo at hinawakan ang kamay ko, dahan dahan naman akong napatingin sa mata niya, bigla naman akong kinabahan, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Para yun sa ginawa mo kanina" sabi niya sakin at ngumiti, yung ngiti na abot hanggang langit, wala na yung dilim sa mata niya na parang content ma siya.

"Wala yun, ang totoo accident ko lang siyang nakita, siguro ako yung naging way ni God para mag kita kayo" sabi ko sa kanya, bigla naman niya akong hinila at niyakap ulit, mas lalo naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kahit na ganun thank you parin, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon" sabi niya, napangiti na lang ako at tumango, dahan dahan naman niyang  kinalas ang yakap niya sakin.

"Anong gusto mo kahit ano gagawin ko" sabi niya, napaisip naman ako sa sinabi niya dahil sa pagod ako at gutom na ako.

"Libre mo na lang ako" sabi ko sa kanya, natawa naman siya sa sinabi ko, ngumiti lang ako sa kanya, hindi ako tumatanggap ng hindi, kaya hinila ko na siya ng wala sa oras, at tumakbo.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong niya sakin, huminto naman kami dun sa isaw isaw, iyan kasi ang gusto kong kainin yun eh, tapos mas masarap pa yun kesa sa resto.

"Anong klaseng pag kain yan?" Tanong niya.

"Barbeque ang mga yan" sabi ko sa kanya, baka kasi hindi niya maintindihan ang isaw isaw, tumango tango lang siya.

"Masarap yan, tapos mura pa" sabi ko sa kanya, kumuha naman ako ng isang isaw at nilagay dun sa pinag lulutan.

"Ate mag kano po toh?" Tanong ko, habang kumukuha pa ng iba't ibang klase, kumuha ako ng dinuduan at paa ng manok.

"Tig lilima lang poh lahat" sabi niya, tumingin naman ako kay myungsoo at pumalad sa kanya, diba nga aiya ang mag lilibre.

Kinuha naman niya yung wallet niya at kumuha siya ng one hundred, grabe hah ang yaman naman, wala sigurong bente pesos yung pinaka niya, nahiya naman tuloy wallet ko sa kanya.

"Here" inabot niya sakin, kinuha ko yun at inabot nun sa batang babae, ibibigay niya sana yung sukle pero umiling ako.

"Sayo na" sabi ko dun sa babae, okay lang naman yun kay myungsoo eh, hindi naman siguro nakakabawas yun sa yaman ng lalaking toh eh, at saka siya naman ang may kasalanan eh, makapag bigay siyang ng pera yung buo pa.

"Thank you po" sabi niya sakin, nagulat na lang ako ng dig dagan niya yung isaw namin.

"Idadag dag ko na rin po toh, para naman sa pasasalamat ko po sa inyo" sabi niya, tumango naman ako.

"Hah, pwede bang balikan na lang namin, bibili lang kasi ng buko" sabi ko sa kanya, tumango naman siya, hinila ko naman siya dun sa kanto ng may samalamig.

"Ate dalawa nga tigsasampu" sabi ko dun sa ale, ako na lang ang mag babayad baka kasi isang daan na naman ang bigay niya eh.

Inabot naman sakin nung ale, kaya naman bumalik na kami dun sa nag iisaw isaw.

"Luto na ba?" Tanong ko dun sa batang babae na nag papaypay.

"Opo, ito po" sabi niya sakin at inabot ang mga yun, hinila ko naman siya at umupo dun sa bench.

"Tikman mo" sabi ko, dahan dahan naman niyang kinuha yun at tinignan pa.

"Ano toh?" Tanong niya sinamaan ko naman siya ng tingin, kakainin ba niya oh ako na lang ang kakain.

"Bilis na kainin mo na masarap yan" sabi niya dahan dahan naman niyang kinain yun at parang nilalasahan pa.

"Masarap?"

To be continued...

Living with the infinite #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon