Reanna Point Of View
Nakatingin parin ako sa teddy bear na ibinigay sakin ni L, hindi naman siya gaanong malaki at hindi rin gaanong maliit, katamtaman lang, kulay white siya pero may pag kablublue kapag malayuan.
"Ano kaya ang naisipan ng amo mo na ibigay ka sakin" sabi ko at sinuntok siya, hindi parin ako makatulog kakaisip dun, bakit kasi binigayan niya ako ng ganito, hindi naman kasi siya yung tipong mag bibigay na lang ng ganito sa isang tao.
Tumayo naman ako at nag punta sa kusina, napansin ko naman na bukas ang ilaw, it means may tao, mas lumapit pa ako at nakita ko kung sino iyon, si L nakaupo ito sa bar, lumapit naman ako sa kanya at nakita kong umiinom siya ng tubig.
"Bat gising ka pa?" Napatingin naman siya sakin, pero inalis niya rin agad at tumingin sa iniinom niyang tubig. Tumabi naman ako sa kanya at umupo.
"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong ko sa kanya, hindi ulit siya sumagot, hay ang sarap naman kausap ng lalaking toh, kumuha naman ako ng gatas sa ref at inilagay ko iyon sa baso.
"Alam mo ang sarap mong kausap, ni oo o hindi, lang ang kailangan mong sabihin hindi mo pa ako masagot" sabi ko sa kanya, nakita ko naman na sinamaan niya ako ng tingin, umiwas lang ako ng tingin sa kanya.
"Oo nga pala bakit mo ibinigay sakin" tanong ko sa kanya, napatingin naman siya sakin ng masama, grabe nag tatanong lang ang sama na agad kung makatingin, sa susunod hindi na talaga ako mag tatanong ng kahit ano sa kanya.
"May pinag bigyan ako niyan pero hindi niya tinanggap kaya sayo na lang" sabi niya sakin, tumango tango naman ako, akala ko naman talagang para sakin yun hindi pala hay.
Kukuha na sana siya ng alak kaso pinigilan ko siya, hindi naman kasi makakatulong alak kung hindi ka makakatulog.
"Hindi solusyon ang alak sa sleeping problem" sabi ko sa kanya at inabot ko sa kanya yung baso ng gatas.
"Ito ang subukan mong inumin sigurado makakatulog ka" sabi ko sa kanya, at nag simula ng mag lakad papuntang kwarto, dinalaw na kasi ako ng antok kaya hindi ko na kailangan pang mag gatas.
Humiga na ako sa kama ko at niyakap ang bigay na teddy bear ni myungsoo sakin, ang cute kasi tapos ang lambot lambot pa kaya ang sarap yakap, try ninyo.
Good night guys
Blank
--
Nagising na lang ako sa maingay galing sa kabilang kwarto, hay si dongwoo talaga ang hilig mambulabog sa umaga ang sarap pa naman ng tulog ko, tapos sayang pa ang panaginip ko, malapit na eh hahalikan na ako ni lee min ho, kainis naman.
Minulat ko ang mata ko at nakita ko agad ang napakagandang kisame, tumayo naman ako, napatingin ako sa teddy bear at ngumiti.
"Good morning min min" oo nga pala pinangalanan ko siya, at min min ang naisip ko kasi nga anak namin yan ni lee min ho, hihi. Saka wala na akong maisip ang hirap kasing maisip ng pangalan kapag gabi.
Lumabas na ako ng kwarto at nag punta sa kusina, nadaanan ko naman si sung jung, busy siya sa pag kanta, naka head phone kasi siya, tapos nadantan ko naman si sung kyu na nag titimpla ng kape niya.
"Good morning!" Sabi niya sakin, ngumiti naman ako sa kanya, ang bait talaga ni sungkyu, araw araw siyang good mood, nahahawa tuloy ako sa kanya minsan, pero kapag si L ang katabi ko, sigurado hawa na rin ako sa kasungitan niya.
"Good morning din" sabi ko sa kanya, nag timpla naman ako ng gatas, umupo ako sa dinning table, umupo din naman si sung kyu sa tabi ko.
"Oo nga pala, saan kayo pumunta ni sungyeol?" Tanong niya sakin, napatingin ako sa kanya wala sa oras.
"Wala, may pinag utos lang siya sakin tapos iniwan niya rin " sabi ko sa kanya, tumango naman siya, napabuntong hininga na lang ako, buti naman at naniwala siya, secret kasi namin iyon, kasi sigurado mag kakagulo kapag nalaman nila.
"Oo nga pala, aalis kami ng infinite, hindi mo na kailangan pang sumama, mag linis ka na lang ng bahay at kung wala ka ng gagawin mag libot ka" sabi niya sakin, tumango naman ako, yes mag isa lang ako dito sa bahay walang asungot.
"Sung kyu tara na baka malate pa tayo" sigaw ni woohyun, tumayo naman siya.
"Sige alis na kami" sabi niya sakin, tumango naman ako, tumakbo naman siya, ininom ko na ang gatas ko at nag room to room ako, nag lilinis kasi ako, pero hindi naman ako gaanong napagod dahil hindi naman gaanong madumi ang kwarto nila.
Napatingin naman ako sa kwarto ni L, at dahan dahan akong pumasok, hindi din gaanong marumi ang kwarto ni L, at wag kayo puro libro ang makikita mo, hindi siya halatang bookworm, napatingin naman ako sa kama niya at malinis din iyon, kulay navy blue ang bed case at buong kama niya.
Napatingin naman ako sa bed side at may napansin naman akong kumikinang, nag lakad naman ako papalapit dun, pero napahinto naman ako ng bumukas ang pinto ng banyo.
Napanganga naman ako sa nakita ko, sarap, ang daming pandesal, tapos nag tutubig pa, oh ang init, napatingin naman ako sa mukha niya at nakakunot ang noo niya, agad akong napatalikod, at napapaypay ng wala sa oras.
"What are you doing here?" Tanong niya sakin, napaharap naman ako sa kanya pero nakatakip naman ang kamay ko sa mukha ko, pero may siwang naman.
"W-wala nag hahanap ako ng pandesal-- este basura, nag lilinis kasi ako eh" nauutal na sabi ko sa kanya naramdaman ko naman na papalapit siya sakin, napalunok naman ako, sh*t kinakabahan ako.
"Really uh?" Na parang hindi naniniwala sa sinabi ko, napa atras naman akong wala sa oras, at naramdaman ko naman sa likod ko ang kama, hala dead end na ako.
"Kung ayaw ninyong maniwala edi wag, hindi ko naman kailan na mag paliwanag sayo sinabi ko na kung bakit ako nandito"
BINABASA MO ANG
Living with the infinite #wattys2016
Fanfiction"it's hard to live with them but i am happy because i meet them" reanna ay isang mayaman, pero bigla na lang siyang naging poor, mas mahirap pa sa daga, paano nangyari yun, at ano ang magiging connection ng inifinite sa buhay niya? at siya ano naman...