Reanna Point Of View
"Reanna kumain ka na papasok ka pa!" sigaw ni yaya nena, inalis naman ng iba pang maid ang nakatalukbong na kumot sakin.
"Ma' am reanna gising na po malelate na kayo" sabi ni yaya may, at pinag uuga ako. Ayaw pa talagang dumilat ng mga mata ko eh, kahit anong gawin ko? napuyat kasi ako, may party si krissy eh.
"5 minutes please..."
"Ma' am naman wag ng makulit malelalate na talalaga kayo" sabi niya at bigla akong kiniliti, Oh my god!.
"Oo na!" sigaw ko, agad naman silang huminto at inabot sakin ang towel ganyan talaga kami ng mga maids, close talaga kami, ang sabi ko kasi sa kanila wag silang mailang sakin dahil lang sa amo nila ako, wala kasi akong kinalakihan na nanay ang daddy ko lang ang nag alaga sakin, namatay kasi si mama noong pinapanganak niya ako kaya hindi ko siya nakita simula nun, wala rin kasing picture si mama sa bahay, tinanong ko nga noon si daddy kung bakit, pero wala siyang sinagot, busy si daddy sa work kaya mga yaya ko lang ang mga kasama ko.
"Kain ka na reanne" sabi ni yaya nena, niyakap ko siya, si yaya nena ang nag alaga sakin simula ang bata pa ako, kaya parang nanay ko na rin siya, ngumiti lang si yaya, matanda na siya mga 50's na.
"Naku nag lalambing nanaman ang alaga ko" sabi niya, walang anak si yaya dahil hindi na siya nakapag asawa dahil gusto niyang tulungan ang pamilya niya noon, kaya hindi na niya naasikaso ang sarili niya, matagal na rin dito si yaya mga twenty year na, pinsan kapag miss ko ang mama ko mag papakwento ako sa kanya kung ano si mama, kung mabait ba siya kung maganda ba siya kagaya ko.
Katapos kong naligo at nag bihis, bumaba na ako. Nakita ko si papa may kasamang babae kasing edad lang niya. Siya si Bernatte Garcia, ang girlfriend ng papa ko, minsa naisip ko kung mahal ba talaga niya si mama, it hard to see my father with other woman like her, mahirap lang ang family ni berna at alam kong ang habol lang niya, ang pera ni papa, balibalita rin na may anak na raw siya , sinabi ko na kay papa kaso ayaw niya akong paniwalaan, ang sabi kasi ni berna sa kanya na wala raw siyang anak at asawa.
"Alis na ako yaya" sabi ko ayoko kasi silang makasama kapag kumakain, walang makakapalit sa mama ko siya lang, ang dito sa heart ko at siya pa rin ang reyna dito, wala ng iba.
"Where are you going?" tanong ni papa huminto ako at tumingin sa kanya, magkahawak pa talaga siya ng kamay hindi na sila na hiya sa sarili nila, it so nakakadiri ayoko talaga silang tinitignan nakakaasiwa ang mga mukha nila.
"In school" matipid kong sabi. Si bernatte naman ngiting ngiti pa ng nakakainis, bumaba na sila at umupo sa dinning table.
"I have to talk to you" sabi niya, agad naman akong umupo ng padabog, wala akong paki kung sabihin nila na wala akong modo, sila ba meron, nakakadiri kaya sila.
"I 'm not interested" boring na sabi ko at tumayo at sabay walk out alam ko na ang sasabihin niya, ang magaling na si bernatte talagang pinatong niya pa ang kamay niya sa mesa para ipakita ang wedding ring niya. talagang nagayuma na niya ang papa ko, binilisan ko ang pag papatakbo sa Red Ferrari ko, malayo rin ang bahay namin sa school, nag aaral kasi ako sa shin university agad kong pinark ang sasakyan ko sa parking lot. Lahat sila nakatingin sakin nakasuot ako na backless kaya kita ang likod ko at nakashort na high waist at naka van na sapatos, hindi ako nag heheels kapag may okasyon lang, hindi ako masyadong girly sa pananamit, ayoko yun.
BINABASA MO ANG
Living with the infinite #wattys2016
Fanfiction"it's hard to live with them but i am happy because i meet them" reanna ay isang mayaman, pero bigla na lang siyang naging poor, mas mahirap pa sa daga, paano nangyari yun, at ano ang magiging connection ng inifinite sa buhay niya? at siya ano naman...