LWTI 28

960 48 2
                                    

Reanna POV

"Kasi... hmmm... may... may... gusto... gusto... ako... sayo"

Nagulat ako, hindi pa rin nag pafunction ang utak ko sa sinabi niya, he likes me, why me?, sigurado ba siya, ayokong masaktan siya kung sasabihin kong hindi ko siya gusto pero ayoko naman mag sinunganling sa sarili ko sa gusto ko siya.

"Hmmnn, hindi mo naman kailangan sumagot ngayon, gusto ko lang naman na malaman mo na may nararamdaman ako sayo" sabi niya sakin, anong sasabihin ko sa kanya?, napabuntong hininga na lang ako.

"Kasi, hmmmnn.... Wala pa sa isip ko ang ganito ang pumasok sa sitwasyon na yun, gusto ko na mag kaibigan na lang tayo" sabi ko sa kanya, napayuko naman siya sa sinabi ko, hinawakan ko siya sa kamay niya.

"Wag ka ng malungkot, mas naguguilty ako eh, ayokong masaktan ka pero, ayoko din naman na mag sinungaling sayo o kaya paasahin ka" pilit naman siyang ngumiti at tumango, nakahinga naman ako ng maluwag, atleast nawala ang mag kaguilty ko sa nangyari, ang luwag ngayon ng feeling.

"Friends?" sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya at ngumiti na yung hindi na pilit, hay buti na lang madaling kausap si sungkyu.

"F-Friends" sabi niya, at nag shake hands kami, katapos nun nag lakad na kami papasok at nag punta na sa kwarto, gabi na rin kasi eh.

Huminga ako sa kama ko, yung totoo hindi ko alam ang feeling kung ano ang main love, diba nga masyado akong choosy sa mga lalaki kaya hindi ko sila sinasagot dahil masyado silang mahangin.

Bigla ko naman na alala yung mysterious guy na hinila ko noon sa party, iba talaga ang feeling ko nun eh, parang biglang nawala ang mga tao sa tabi namin at kami na lang dalawa, tapos kahit wala ng kanta feeling mo hindi parin tapos ang kanta.

Ganun ba ang feeling na main love?

Hay ano nanaman ang iniisip ko, makatulog na nga lang.

Huminga na ako at may isang maliit na bagay ang nahingaan ko pero matigas, ang sakit sa likod.

Kinuha ko naman iyon, iyon yung kwintas na binigay sakin ni woohyun kanina.

Itinaas ko siya, bakit naman niya kaya ibinigay sakin toh, ang sabi niya imfortant daw ang kwintas na toh pero ipinamigay niya.

Hay wag ko nang isipin yun, iniligay ko siya sa side table at huminga na ulit.

--

"Guys, hiking tayo" sabi ni sungjong, may malapit kasing mountian dito kaya naman pwede ka ring umakyat ng bundok.

"Oo nga noh, ang tagal talaga ko na rin hindi nakaka akyat ng bundok" sabi ni hoya, tumango tango naman sila, napaupo ako sa bench, anong totoo niya masakit ang pakiramdam ko eh, pero kaya ko pa naman.

"Reanna okay ka lang?" napatingin naman ako sa nag salita at si dongwoo iyon, ngumiti lang ako sa kanya at tumango, ayoko kasing nag aalala sila sakin.

"Tara na mag mountain climb" sigaw nila, nag ready na kami ng mga kakailanganin, gaya ng mga inomin at extrang damit at iba pa.

--

"Ganito para may trill, pairs tayo at kung sino ang unang makapunta sa pinaka taas sila ang panalo, ang ma tatalo, sila ang man lilibre satin at sila hindi kakain, haha" sabi ni dongwoo ang mga pakulo talaga ng lalaking toh oh, pero napa isip naman ako, mukha naman siyang exciting.

"Sige, game" sabi nila.

"Ganito ang pair ay si woohyun at sungkyu, hoya at ako, sungjong at sungyeol, tapos sina L at reanna"
Nagulat na lang ako, bakit si L pa, ayoko ang lalaking toh, mas maarte pa siya sa maarti tapos bored siyang kasama.

"Walang mag rereklamo dahil binunot ko kanina kung sino sino ang mag kakaparis" sabi niya, hay sana pala hindi na ako sumama.

"Bawal sumunod sa ibang group hah" sabi ni dongwoo, tumango naman kami, nag si alisan na sila at naiwan lang kaming dalawa ni L.

Nag umpisa na siyang mag lakad, saan naman kaya pupunta ang lalaking toh?.

"Hoy hintayin mo naman ako" sabi ko at tumakbo, hay bahala na pag papasensya ko na lang siya para makabalik kami ng maayos, kasi baka mapatay ko ang lalaking wala sa oras, wala ang pake kung makulong ako basta mawala lang sa landas ko ang lalaking toh.

"Bilisan mo kung ayaw mong maligaw" sabi niya sakin, wow hah, alam niya ba ang daan dito?.

"Bakit alam mo ba ang pasikot sikot dito?" Tanong ko sa kanya, okay lang naman kasi na sundan ko na lang siya at hindi na mag kekelam pa.

"Hindi" napahawak na lang ako sa ulo ko, seryoso nag iisip ba siya, napabuntong hininga na lang ako.

"Eh bakit dito ka dumaan?" tanong ko sa kanya, pero hindi naman siya sumagot at nag lalakad parin, wala na akong magagawa, kung hindi ang sundan siya dahil hindi ko alam kung saan ang daan, i have to trust him, baka alam niya pero ayaw ninyang sabihin.

"Why are you following me?" tanong niya sakin, seryoso ba siya sa tanong niya, malamang susundan ko siya kasi siya ang kaparthner ko. Common sense na lang hoh, sa bagay mukhang wala naman common sense ang lalaking toh eh.

"Malamang..... Ahh anak ka ng halimaw sa banga!" natapilok kasi ako, nakaupo ako ngayon sa tabi ng puno, susubukan ko na sanang tumayo kaso hindi ko siya naitayo.

"What are you doing?" tanong niya sakin, at naka cross arms pa, batukan ko kaya ang lalaking toh eh.

"Natapilok po kasi ako eh" sabi ko at pilit parin tumatayo kaso hindi ko talaga siya maigalaw.

Lumapit naman siya sakin at nagulat ako sa ginawa niya, kinuha niya ang paa ko at tinignan niya, katapos nun, kinalkal niya ang bag niya, at kinuha ang isang box, first aid kit ata niya.

"Mukhang hindi naman na fracture ang paa mo, na aspiring lang ang paa mo, pero may maliit na sugat kaya kailangan yun linisan para hindi ma infection" sabi niya, napanganga na lang ako, grabe may talent pala si L ng ganito, akala ko puro pag susungit lang ang alam niya yun pala kaya niyang mag first aid.

Kumuha siya ng bulak at kinuha ang alcohol, unti unti niyang dinikit iyon sa sugat ko, napangiwi naman ako.

Pero ng dumikit siya sa sugat ko hindi siya mahapdi, napatingin naman ako sa kanya, ang gaan naman ng kamay niya.

Katapos niyang nilinis, binigyan niya ng benda ang paa ko para hindi gaanong sumakit ang paa ko.

"Sakay!"

--

A/N: sorry kung natagalan ang update, nawalan kasi ang power samin ng isang araw tapos low bat pa ako, pero ito na, oo nga pala 1k na ang storyang toh, yes haha, akala ko hindi siya aabot sa 1k sana isupport lang ninyo ang storyang toh at sisiguraduhin ko na mas magagandahin ko pa ang storyang toh.

Living with the infinite #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon