LWTI 23

1K 41 1
                                    

Reanna POV

  "Kung ayaw ninyong maniwala edi wag, hindi ko naman kailan na mag paliwanag sayo sinabi ko na kung bakit ako nandito"  

Katapos kong sabihin yun nag walk out na ako, kasara ko na ng pinto, napahawak ako sa dibdib ko, hooh, bigla atang uminit, malakas nga ang aircon mamaya, napasandal ako sa pinto, bakit ganito ang effect ng abs niya sakin, tapos ang hot pa niya sa wet look niya, napailing na lang ako, ano tong naiisip ko, hindi ko pweding pag nasaan ang weirdong lalaking yun, nakakakilabot, napasampal naman ako sa pisngi ko, hindi toh pwede, kailangan kong maialis yun sa isip ko, baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya, hayy kainis ano ba tong iniisip ko, ang gulo, hah, masyado lang siguro akong pagod.

"Hay tae ka ng damulag" napahawak ako sa likod ko, kasi naman bigla  na lang bumukas yung pinto at dahil dun na out of balance ako, kainis naman oh, ang sakit talaga sa likod, napatingin naman ako ng masama dun sa nag bukas nun, sino pa ba ang nag bukas dun wala iba kung hindi si L.

"Uso po ang kumatok" sabi ko sa kanya, napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Bakit naman ako kakatok eh nasa loob ako?" sabi niya sakin, oo nga noh, hay ang tanga  ko talaga, pero kahit na kailangan niya parin kumatok, dahil may tao sa pinto, nagulat na lang ako ng isara niya ang pinto, napahawak naman ako ngayon sa mukha ko, at napangiwi, sa ganda ng mukha ko ipapahalik lang niya sakin ang pinto, ang sungit talaga ng lalaking yun. makakabawi rin ako sayo humanda ka.

Nandito ako sa kwarto nag aayos ako ng buhok dahil nga sa mag grogrocery ako, ang tatakaw kasi, ilang linggo palang na ubos na nila, napatalon naman akong wala sa oras ng may narinig akong nabasag, napatakbo naman ako pababa at nakita ko si L na nakatayo sa itaas ng sofa at hawak hawak niya ang walis, anong problema ng lalaking toh?.

"Hoy okay ka lang?" tanong ko sa kanya at lumapit, nakita ko kasing namutla siya.

"Me- me- meron ipis sa tabi ng me-- mesa" nauutal na sabi niya, napanganga na lang ako sa sinabi niya at tumawa ng malakas, seryoso ang isang  ipis lang matatakot siya, baka nga ang ipis ang natatakot dahil sa kasungitan niya eh.

"H-Hoy wag ka nang t-tumawa diyan, p-patayin mo na ang i-ipis na yan" nauutal parin na sabi niya, napatakip naman ako ng tenga na parang wala akong narinig sa sinasabi niya, hala lalo akong wala naririnig, nakita ko naman na nag uusok na siya sa galit.

"Humanda ka sakin" sabi niya, akmang aalis na siya sa kinatatayuan niya, hay lagot.

"May ipis sa ilalim mo!" agad naman siyang napabalik sa upuan kung saan siya nakatayo kanina, at tinaas ang walis, napahawak naman ako sa tiyan ko at tumawa ng malakas, ang epic talaga ng mukha niya, pero nang makita niya ako na tumatawa, napatingin naman siya ng masama sakin at nagulat na lang ako ng tumakbo siya, agad naman akong tumakbo palayo.

"Kapag nahabol kita lagot ka talaga sakin!" sabi niya sakin, napatakbo ako papuntang garden at nag takbo sa halaman, nakita ko naman siyang huminto sa ginta ng garden at hinahanap ako, napatawa naman ako ng mahina, napatingin naman ako sa halaman at nakakita ako ng higad, nanlaki ang mata ko.

"Higad!" sabi ko at tumalon papunta kay L, nakayakap ang kamay ko sa leeg niya at ang paa ko naman nakayakap sa bewang niya, nakapikit lang ako, naramdaman ko na nagulat siya sa ginawa ko.

"Okay ka lang?" tanong niya sakin, napailing naman ako, takot kasi ako sa higad dahil noong bata ako dinapuan ako dun sa kamay kaya sobrang kati, nag kasugat sugat nga ako dun kaya simula nun natakot na ako sa mga higad.

"Ang bigat mo" sa sinabi niyang yun dun lang ako nagising sa katotohanan na ang awkward ng posisyon namin, agad naman akong bumutaw sa kanya, napayuko na lang ako, grabe nakakahiya talaga ako.

"Sorry kung nabigatan ka" sabi ko sa kanya, nakita ko naman siyang ngumiti, napangit rin ako, at nag tatalon, oh my god ang isang monster marunong pa lang ngumiti, napakunot naman ang noo niya sakin.

"Anong problema?" tanong niya, pero mas ngumiti pa siya, mas lalo naman akong nag tatalon talon.

"Hay napangiti ko ang isang monster na katulad mo" sabi ko, napatakip naman ako ng bibig ng wala sa oras, minsan talaga pahamak ang bibig na toh, nakita ko naman na nawala ang ngiti niya at nakita ko na ang galit niya sa mukha, naku lagot ako nito.

"Anong tawag mo sakin hah?!" sabi tanong niya ulit at parang nag pipigil ng galit, napatakbo naman ako ng wala sa oras, agad naman niya akong hinabol.

"Anong sinabi mo sakin?!" tanong ulit niya, paulit ulit naman ang lalaking toh, umukyat naman ako sa hagdanan at pumasok sa kwarto, isasara ko na sana kaso naharang niya.

"Ahhh!!" napatili na ako kasi naman na trap na ako, nagulat na lang ako ng kilitiin niya ako sa tagiliran, pilit kong lumalayo sa kanya, pero hindi  makalayo, napahiga ako sa kama dahil hindi ko na kayang tumayo, nanghihina na kasi ako dahil sa pag kiliti niya sakin.

"Tama na sabi HAHAHA" halos pasigaw na ang tawa ko, pero hindi niya parin ako tinitigilan.

"Bawiin mo muna ang sinabi mo kanina" sabi niya sakin, umiling naman ako, bakit ko naman babawiin yun totoo naman kasi ang sinabi ko eh.

"Ayoko ko nga, at saka honest lang ako, mukha ka kasing monster, hindi matunong ngumiti" sabi ko sa kanya, mas kiniliti naman niya ako, kaya naman mas napalakas ang tawa ko, grabe ang sakit sa tiyan.

"Hindi kita titigilan hanggat hindi mo yun binabawi" sabi niya sakin, hindi ko na talaga kaya pang tumawa, halos hindi na nga ako makahinga eh, kaso may kiliti talaga ako dun, kaya kahit hirap na akong tumawa patuloy parin ako sa pag tawa

"Oo-- na-- bi--- na--- ba--- wi--- ko--- na---- hahah" sabi pero putol putol yun, nakita ko naman siyang ngumisi

"Hindi kita maintindihan" sabi niya sakin at kinikiliti parin ako.

"Ahhah tama na pls" sabi ko sa kanya pero hindi parin siya tumitingil.

"Oo na binabawi ko na" sigaw ko, huminto naman siya sa pag kiliti sakin

Napangisi na lang ako at hinila siya 

Living with the infinite #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon