Reanna POV
"Ahhah tama na pls" sabi ko sa kanya pero hindi parin siya tumitingil.
"Oo na binabawi ko na" sigaw ko, huminto naman siya sa pag kiliti sakin
Napangisi na lang ako at hinila siya, pero nag sisi ako sa ginawa ko dahil bumagsak siya sa taas ko, at naramdaman ko naman ang puso na abnormal, ang bilis kasi ng tibok, kaya bukas na bukas kailangan ko ng mag patingin sa doctor. Kahit din siya ay halatang nagulat at hindi makagalaw.
"Ahhhmmmnn" wala akong masabi, bigla na lang akong napipi, ano ba naman iyan, ang dami kong sinasabi sa utak ko pero hindi ko naman masabi yun sa kanya, wala na ba akong dila, napailing na lang ako at napatingin sa kanya at nakita kong namumula ang tenga niya.
"Reanna----" napatingin naman kami sa pinto at mas ikinagulat namin na makita akong infinite sa pinto at halatang gulat na gulat sila, tinulak ko naman si L at siya naman ay agad na tumayo. Dahan dahan naman lumapit samin ang infinite pero nakanganga parin sila at hindi maalis ang tingin samin.
"Ano ang karumal dumal na nakita namin kanina, bakit kayo---" sabi ni dongwoo pero binatukan naman siya ni woohyun, napakamot na lang siya ng ulo ng wala sa oras, ang OA kasi niya kahit kailan pero inaamin ko kung wala siya hindi ata masaya ang group na toh.
"Tumingil ka nga, masyado ka ng OA" sabi ni hoya sa kanya, napatingin naman ako kay L at ano pa ba ang aasahan mong expression niya wala iba kung hindi ang sungit look niya, grabe talaga ang lalaking toh, okay na eh, gwapo na siya kaso lagi na lang nakabusangot ang mukha kaya bawas pogi points yun.
"Bahala na kayo diyan" sabi ni L at nag walk out, grabe idol ko na talaga si L pag dating sa change topic, magaya nga siya, napatingin naman ako ng masungit sa kanila at nag walk out, pero ng nasa pinto na ako bigla naman nila akong hinila pabalik, sayang hindi pala gagana ang ganun, oh siguro hindi lang ako marunong mag acting.
"Hoy wag kang mag arte arte na ganyan, kilala ka namin, hindi ka masungit kagaya ni L, kaya wag ka ng tumakas dahil hindi tatalab samin iyan" sabi ni sungjong, at tumangon naman ang iba, grabe naman ang bait nila hah. nag piece sign ako sa kanila.
"Ano ba talaga ang nangyari bat nasa taas mo si L?" tanong ni hoya sa sakin, napaiwas naman ako ng tingin sa kanila, nasa hot seat ako, penge ng nestea para mawala ako sa hot seat, haha joke lang.
"W- wala, na-- hhmm nadulas lang siya-- oo na dulas lang siya" sabi ko sa kanila, nakita ko naman na masama ang tingin nila sakin at inaalam kung totoo ba ang sinasabi ko sa kanila, ngumiti naman ako sa kanila ng awkward.
"Yung totoo, ano ba talaga ang nangyari?" Tanong nila sakin, grabe naman sila, wala ba silang tiwala sa pag mumukha kong toh?, ang hard na lang nila sakin.
"Kung away ninyong maniwala edi wag basta sinabi ko na ang totoo sa inyo" sabi ko sa kanila at na nag walk out na, pagkarating ko ng pinto bigla naman akong nakahinga ng maluwag.
"Hay nakakakaba yun hah" sabi ko na lang at nag punta sa sala, nakita ko naman na nandun si L, bigla naman akong kinabahan at parang hindi mapakali.
Napatingin naman siya sakin, halata sa mukha niya ang gulat, agad din naman siyang umiwas ng tingin.
Umiwas naman ako ng tingin, at nag punta sa kusina, kinuha ko ang pitsel at nag lagay ako ng tubig dun.
"Hoy, bakit ba ako kinakabahan kapag nakikita ko siya" sabi ko sa sarili ko, napatalon naman ako ng wala sa oras dahil may humawak sa balikat ko.
Napatingin naman ako sa humawak sakin at si sung kyu iyon at nakita ko sa mata niya na malungkot siya.
"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya at ngumiti, ngumiti naman siya sakin ng tipid, yun parang napipilitan lang siya, mukha may problema ng siya, sanay kasi ako na malawak ang ngiti ni sung kyu kapag nakikita ko siya.
"Anong problema ko?, halata kasi sa itsura mo na may problema ka" sabi ko sa kanya at umupo sa dining table, sumunod naman siya sakin at umupo din.
"Ah ito wala toh" sabi niya sakin at uminom ng tubig, napasimangot naman ako. Halata naman sa mukha niya oh, kaya hindi niya pweding ipag kaila sakin yun.
"Halata naman kaya sa mukha mo na hindi ka okay" sabi ko sa kanya, napakamot na batok.
"Kasi hhmmm---"
"Ano ang chismis?" napatingin naman kami sa nag salita at si dongwoo iyon, napapoker face na lang ako ng wala sa oras, ito talagang lalaking toh napakachismoso kahit kailan, kalalaking tao ang hilig sa chismosa.
"Umalis na nga, at bawal ang chismosa dito" sabi ko sa kanya napabusangot naman siya, binatukan ko siya, kahit kailan talaga ang kulit niya.
"Grabe ang sama ninyo talaga sakin, concern lang naman ako eh baka hindi ko alam na may cancer ka na, tapos may taning nang buhay mo tapos wala ng mag lilinis sa kwarto---" binatukan ko naman siya, ang OA talaga niya, wala atang lamang ang tukmol na to kung hindi chismis.
"Pwede ba wala akong cancer kaya wag kang nega, at wow hah, talaga concern ka sakin ha" sabi ko sa kanila, ngumiti lang siya sakin at napakamot ng ulo.
"Sorry naman, pero ano ba talaga ang pinag uusapan ninyo?" Tanong niya, sinamaan ko naman siya ng tingin, susuntukin ko na talaga ang mukha nito para manahimik kahit isang oras lang, ang daldal kasi eh, naka bwusit lang.
"Pwede ba ulis ka na, privacy pls" sabi ko sa kanya, nag lakad naman siya palabas, natawa na lang ako sa mukha niya, ang haba kasi ng nguso niya eh, ang cute lang.
Nang makalabas na si dongwoo napatingin naman ako kay sung kyu, ganun parin ang mukha niya, at parang ang dami niya iniisip.
"Ano ba kasi ang iniisip mo?, at napaka problemado ng mukha mo" sabi ko sa kanya.
"Kasi hhhmmm........
May...
Gusto...
--
A/N: ang next update ko ay sabado na lang po thank you
BINABASA MO ANG
Living with the infinite #wattys2016
Fanfiction"it's hard to live with them but i am happy because i meet them" reanna ay isang mayaman, pero bigla na lang siyang naging poor, mas mahirap pa sa daga, paano nangyari yun, at ano ang magiging connection ng inifinite sa buhay niya? at siya ano naman...