02

153 21 5
                                    

Lisa's POV

Maaga akong nagising kanina, nakasanayan ko na. Hindi naman siya 'yung kagaya sa probinsiya, mas maaga kasi ang gising namin doon. Ang aga ba naman lagi ng pasok namin. Nagsisimula na akong mag-ayos para sa pagpunta ko sa bahay nila Missy. Noong huli naming pag-uusap sa school, sinabi nila Angel at Sy na magkikita-kita kami sa bahay nila Sy, sa kabilang village.

Excited na akong makasama sila, lalo na't gusto ko na ring mas makilala pa sila nang lubusan. Gusto ko rin makabonding sila bago pa man maging busy sa mga school projects at responsibilities bilang class officer. Sa one week namin sa school, kulang pa din yung time namin para makilala pa ang isa't isa.

"Lisa, aalis ka na ba?" tanong ni Mama mula sa kusina habang naglalagay ng almusal sa mesa.

"Opo, Ma. Pupunta po ako sa bahay ng classmate ko. Sina Angel at Sy po 'yung mga kasama ko," sagot ko habang sinusuklay ang buhok ko sa harap ng salamin.

Nakwento ko na sila kay mama, tuwang-tuwa pa nga siya dahil may friends na daw agad ako.

Well..friendly naman kase ako.

"Huwag mong kalimutang magdala ng tubig at payong ha, baka mainitan ka," paalala ni Mama. Lagi siyang aligaga kapag aalis ako, pero alam kong concern lang siya sa'kin.

Mahal na mahal kami ni mama at grabe siya mag-alala saamin. Kaya love na love ko 'to e!

"Yes, Ma. Magdadala ako," sabi ko habang isinasara ang aking bag. Sinabayan ko na si mama kumain, mabilasan lang. Matapos magpaalam, agad akong umalis at naglakad papunta sa gate ng village namin.

Sa labas, nandoon na si Angel, nakangiti at parang excited na excited. Hindi kami nagkasabay, siguro hinatid siya ng yaya niya.

"Lisa! Sakto ang dating mo, ready ka na ba?" bati niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa village ni Sy.

"Ready na ready! Saan nga ba ulit ang bahay nila Sy?" tanong ko habang naglalakad kami. Hindi pa kasi ako masyadong familiar sa lugar na 'to. Actually, pangalawang beses ko palang ngayon pumasok dito.

Nakaraang araw, sumaglit lang ako at hindi naman ako nakalayo sa gate. Sinama din kasi ako ni Sy nun, kaso tinawagan ako ni mama kaya umuwi din agad ako.

"Doon lang 'yan, after ng gate nila sa kabila, kaliwa lang tapos dire-diretso," paliwanag ni Angel.

Habang naglalakad kami, napansin kong tahimik at maaliwalas ang village na pinapasukan namin. Maliit lang ang mga kalsada, pero may parte na napapalibutan ng malalaking puno. Ang daming mga bata na naglalaro sa mga harapan ng bahay nila, at may ilang matatanda rin na nagchi-chismisan sa labas. Simple ang buhay dito, at parang napaka-peaceful ng paligid.

Malalaki ang bahay dito, pero hindi siya 'yung maiisip mo na mga matapobre ang mga nakatira. Lalo na napansin ko sa ibang parte kung paano mag-usap ang mga tao dito, mukhang magkaka-close naman sila.

"Hindi ko pa talaga kabisado 'tong lugar na 'to, ang tahimik sa ibang part no?" sabi ko, na parang ang gaan ng pakiramdam habang ini-enjoy ang sariwang hangin.

"Oo, medyo tahimik talaga dito, kaya gustong-gusto ni Sy ang tumambay sa labas ng bahay nila," sagot ni Angel, nagmamasid din sa paligid.

Nang makarating kami sa bahay nila Sy, nakita namin siya sa may gate, nakatayo at kumakaway. Naka-simpleng dress lang siya, pero bagay na bagay sa kanya. "Mga sis! Sakto ang dating niyo, tara pasok kayo!" Bati niya sa amin habang binubuksan ang gate.

Napatingin ako sa katabing bahay, nasa terrace 'yung Benjamin! Nagtama ang mata namin, pero agad din akong umiwas. Bakit parang nahihiya ako? Ako ba talaga 'to? Hindi nalang ako tumingin ulit, baka kung ano pa isipin e.

My Min, My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon