Lisa's POV
Kinaumagahan wala pa rin akong natanggap na notification, mukhang ayaw talaga ako maging friend ni Pres sa Facebook! Damot naman!
Edi, siya na ang gusto ang private life! Buti pa si Tom, mukhang go with the flow lang sa lahat. Ang saya ng timeline niya, puro pa siya gala with his friends.
Na-stalk ko siya pero saglit lang naman, minsan kasi may pagka-chismosa ako hahaha. Hindi ko nga sinasadyang ma-like ang profile niya, hindi ko na nabawi. Ewan ko na lang kung anong iisipin nung tao.
Ang aga ko nagising, as always naman. Nasa byahe na kami ni Kuya, hindi ko nga makausap. Tulala, parang ang lalim ng iniisip. Hinayaan ko nalang, baka may mga importanteng bagay lang na iniisip. Tamang scroll na nga lang ako dito sa cellphone ko. Hindi muna ako sumabay kay Angelica, hindi ko pa napapag-isipan ng maayos.
"Agahan mo"
Ha? Ano 'to, wrong send ata si Pres! Hindi ko nireplyan at hindi ko din binuksan ang chat niya. Ayoko mapahiya, baka nagkamali lang siya.
Ayaw ako i-accept, tapos magcha-chat? Aba naman talaga!
Nang makarating kami sa school humiwalay agad si Kuya, may hihintayin pa siya. Nakita ko agad sina Angelica at Missy sa may gate. Nag-hi sila sa akin at sabay kaming pumasok.
"Oy, Lisa! Bakit parang antok na antok ka?" tanong ni Angelica habang inaayos ang buhok niya.
"Nako, as usual. Maaga akong nagising. Pero hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi," sagot ko.
"Alam mo, ganyan din ako minsan. Wala namang specific na iniisip, pero hindi makatulog. Nakakainis," sabi ni Missy habang naglalakad kami papunta sa classroom.
"Oo nga! Pero may isa pa akong kinaiinisan-hindi pa rin ako ina-accept ni Pres Benjamin sa Facebook! Ang tagal ko na siyang inadd, like kahapon pa!"
Nagtawanan sina Angelica at Missy.
"Eh kasi naman, Lisa, alam mo naman si Pres diba nga parang wala namang pake 'yon. Tsaka malay mo busy hahaha," sabi ni Angelica, na mukhang aliw na aliw sa reaksyon ko.
"Oo nga naman", sabat ni Missy, "Pero sa totoo lang, baka naman hindi siya mahilig sa social media. Alam mo yun, masyado siyang seryoso. May ganoon kayang tao, mas prefer nila ang ibang bagay, kaysa sa social media!"
Napabuntong-hininga ako. "Eh di siya na! Ang damot. Buti pa si Tom, sobrang saya ng timeline. Puro gala at good vibes lang." Wala dapat akong balak sabihin 'yon e! Ang daldal ko talaga.
"Hay nako, Lisa. Baka naman hindi siya ganoon kasocial tulad ni Tom, ikaw ha!" pang-aasar ni Angelica.
"Good morning, Pres," pagbati ko kay Pres. Medyo awkward kasi hindi ko naman talaga siya binabati at isa pang dahilan ay yung sa kahapon.
"Kailangan natin pag-usapan yung art activity natin sa MAPEH. Wala tayong teacher doon, until Thursday. Anong plano mo?" tanong niya, habang tinitignan ako ng seryoso.
What? Hindi ako na-inform doon.
"Wait nakausap mo si Ma'am? Bakit hindi ka naglapag sa group chat?" tanong ko sa kaniya, mas okay na 'yung klaro.
"Oo, kanina ko lang nabasa chat niya" sagot niya. Tumango-tango naman ako.
"So, ano plano mo?" Tila nababagot niyang tanong. Tsk! Mainipin naman 'to.
"Groupings nalang siguro?" balik tanong ko.
"Sinagot mo ako ng patanong, really? Nevermind, what's next?" seryoso niyang tanong.
BINABASA MO ANG
My Min, My Man
RomanceMatagal na ang lumipas at maraming lalaki na ang dumaan sa buhay ni Ronalisa. Ngunit sa kabila nito, hindi niya maiwasang mapansin ang isang lalaki-madalas niyang makita, ngunit bihira niyang makausap. Darating ang araw na mapapalapit sila sa isa't...