04

154 24 4
                                    


FAST FORWARD

Lisa's POV

Kahit grade 9 na ako at maraming nagbago, naroon pa rin ang ilang bagay na tila hindi nagbabago. Isa na rito ang pangungulila ko sa mga nakaraan. Pakiramdam ko, kahit gaano ko subukang tanggapin ang kasalukuyan, may bahagi pa rin sa buhay ko na hindi ko maialis-alis sa isip. Nakakamiss din minsan.

Ngayong grade 9 na ako, wala na si Benjamin sa mga kaklase ko. Hindi ko na siya nakikita sa klase araw-araw, wala na yung mga pagkakataon na nagiging seryoso siya sa harap ng buong section.

Nakakapanibago din kasi dati siya na ang laging in charge, laging may hawak ng mga activities. Ngayon, iba na ang setup. Wala na si Pres, wala na yung masungit at palaging cold sa akin. Iba na ang President namin.

Mula noong una at huling beses na pumunta siya sa bahay namin, hindi na 'yon naulit. Hindi ko alam kung dahil sa akin o ano. Pero ramdam ko na kahit noon pa, parang iwas na siya at medyo lumalayo. Ewan ko, pero napansin ko na lalo siyang naging masungit sa akin pagkatapos nung pagkakataong 'yon.

Napakasungit!

Pero nakakamiss ang presensiya niya araw-araw.

Nakakapagtaka nga e, sa ibang tao kaya niyang ngumiti at makipag-usap kahit saglit lang. Pero pagdating sa akin, parang hindi niya talaga kaya. Tapos minsan, kung hindi pa dahil kay Ma'am, hindi niya ako kakausapin.

Inisip ko nalang na baka ganun lang talaga siya. Pero habang tumatagal, parang unfair lang din kasi sa pakiramdam.

Kaya sabi ko sa sarili ko, siguro dapat bitawan ko nalang din. Hindi ko na kailangang pilitin ang sarili ko sa kanya. Nakakapagod din kasi yung ganun. Kaya naman unti-unti, itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga taong pinapahalagahan
ako.

Simula noong napansin ko na parang lalo lang siyang umiwas, napalapit naman ang loob ko kay Tom. Naging close talaga kami, kumbaga hindi matatapos ang araw ko na walang Tom. Para akong may bunto lagi!

Sobrang saya kasama si Tom, lagi niya akong napapatawa. Madaldal at komedyante, parang kabaligtaran ni Benjamin. Minsan, nagsama-sama pa kami nina Angelica at Tom kumain, kaya naging close na rin silang tatlo. Tapos minsan, nakakachat ko rin si Basty, isa pang kaibigan ni Kuya.

Sa totoo lang, nagustuhan ko si Benjamin. Narealize ko 'yon nung pinaplano ko nang umiwas sa kanya.

Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon.

Medyo huli na nga ang realization, pero tinanggap ko na dapat hanggang doon nalang. Wala rin kasi talaga kaming interaction sa buong second half ng grade 8. Pag may school activities, pasahan lang kami ng ideas, pero laging dumadaan muna sa ibang officers. Walang direktang pag-uusap, wala man lang kahit simpleng kamustahan.

Ganun siguro talaga. Mahirap pumasok sa buhay ng isang tao na ayaw kang bigyan ng puwang. Kaya sinanay ko na lang din ang sarili ko. Ngayon, wala na rin akong balita tungkol sa kanya. Kahit nga dumaan nag summer, walang Benjamin na dumaan sa buhay ko. Alam ko na nagkikita sila nila Kuya, pero hanggang doon lang ang alam ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng school year, at malapit na mag-third grading.

Ine-enjoy ko na lang ang pagiging third year high school. Officer pa rin naman ako, pero this time, na-elect ako bilang muse. Nakakaloka kasi wala namang ibang gustong tumakbo, kaya ako nalang daw. Syempre, wala akong nagawa kundi tanggapin, para sa ikakasaya ng section namin.

At guess what?

Si Tom ang naging escort. Ilalaban pa naman kami sa intrams! Nanalo kasi kami at naging representative ng buong grade 9. Ayoko naman ipahiya ang section namin, kaya ginagawa ko nalang ang best ko. Mabuti na lang at may experience si Tom sa mga ganito, kaya hinahayaan ko siyang i-guide ako. Lagi niya akong ina-assure na kaya ko 'to, na wag akong kabahan.

My Min, My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon