Lisa's POV
Hindi ako maka-move on sa mga nangyari kanina, yung sa kiss at pag-compliment sa akin ni Min. Feeling ko ang haba-haba ng hair ko. Sweet talks talaga e!
Papunta na kami ngayon sa restaurant nila. Nakamotor pa din kami, buti nalang komportable ako. Medyo nasasanay na di naman kasi ako, hindi naman 'to yung first time namin na magmotor.
Kahit nahihiya ako kay Min, hindi na ako nakipagtalo na akuhin niya ang lahat ng magagastos ngayong araw. Babawi nalang talaga ako sa kaniya, pag meron na ako. Thankful ako, kasi iniintindi niya ako palagi. Kaya dapat ganun din ako sa kaniya.
Habang tumatagal ang relasyon na nabuo namin, mas lalo ko siyang nakikilala. Nandoon talaga yung pagiging bestfriend niya at the same time boyfriend. Hindi niya hinahayaan na mawala yung mga nabuo namin at kung saan talaga kami nagsimula.
Alam kong malayo pa ang mararating naming dalawa, may mga pagsubok pa. Pero, ngayon palang nakikinita ko na kaya namin lahat lagpasan. Parehas naman kaming mahaba ang pasensiya at iniitindi ang isa't isa. May tiwala naman kami, at mahal na mahal namin ang isa't isa.
"Nandito na tayo, Roni" nasa tapat na pala kami ng resto nila. Huminto siya mismo sa entrance, bumaba agad ako.
"I-park ko lang 'to doon, hintayin mo nalang ako dito."
"Okay Borj," pagkaalis niya, tsaka ko lang natanggal ang helmet na suot ko. Dadalhin namin sa loob ang mga helmet, mahirap na baka mawala pa. Hindi pa naman saamin 'to.
Hindi naman ako nag-antay ng matagal. Ilang minuto lang ay nasa harap ko na siya, hawak din ang helmet na ginamit niya. Kinuha niya ang hawak ko, at iginaya na ako papasok.
Nakilala naman agad siya pagpasok namin, kaya inassist kami ng staff. Sanay na ako, dahil laging ganito pag nandito kami. Kahit naman pigilan namin sila, hindi sila nakikinig. Inintindi nalang namin, dahil ayon ang utos sa kanila ng Mommy ni Min.
Pinaghila ako ng upuan ni Min, agad naman akong umupo. Pumwesto naman siya sa bandang harapan ko.
"Anong gusto mong food?"
"Kahit ano Borj, ikaw na bahala." Sagot ko sa kanaiya.
"Nahihiya ka lang e, dali na mahal ko." Jusko! Ang init nanaman ng mukha ko. Hindi dahil sa sinabi niyang nahihiya ako, kundi dahil sa last niyang sinabi. Nandito pa din kasi yung staff nila, dahil siya na ang mag-aasikaso ng order namin.
"Borj! Nakakahiya kay ate." Sabi ko sakaniya, sabay turo sa waitress.
"Ms. kunware nalang po, wala kayong narinig." Ngayon kakamot siya sa hindi makati? Ang kulit talaga.
"Hahaha, okay po Sir." Sagot nung waitress.
Hindi ko nakikita ang mga tinuturo ni Min sa menu, kay clueless ako sa mga inoorder niya. Sinusulat din nung waitress, hindi rin siya nagsasalita. Normally, dapat binabanggit 'yon e para klaro.
Sana lang talaga hindi mamahalin. Kahit ano naman kasi, kakainin ko. Syempre mas prefer ko yung mura, minsan nga mas masarap pa yung mga murang pagkain.
Pagkaalis nung waitress, balak ko sanang magtanong kay Min. Pero, inunahan niya ako magsalita.
"Sure ako na magugustuhan mo ang mga pagkain."
"Lahat naman gusto ko." Sagot ko sa kaniya, dahilan kaya napangiti siya.
"I have something for you, sana magustuhan mo. Regalo ko sa'yo." Bigla niyang sabi, syempre ito ako nagtataka nanaman.
Regalo? Para saan naman kaya.
"Hindi ko naman birthday ah. Tsaka grabe nanaman effort mo ha."
BINABASA MO ANG
My Min, My Man
RomanceMatagal na ang lumipas at maraming lalaki na ang dumaan sa buhay ni Ronalisa. Ngunit sa kabila nito, hindi niya maiwasang mapansin ang isang lalaki-madalas niyang makita, ngunit bihira niyang makausap. Darating ang araw na mapapalapit sila sa isa't...