Lisa's POVNagising ako sa katok ni Kuya, nauna pa siya sa alarm ko! Tamad na tamad akong pinagbuksan siya ng pinto. Ang dilim pa nga ng paligid e!
"Bakit Kuya? Ang aga pa kaya!" reklamo ko. Ang sakit sa ulo, pag bigla-bigla nagigising at hindi tugma sa body clock mo.
"Sasabihin ko lang na cancel ang pasok, mag beauty rest kana ulit." saad niya.
"Kuya naman, ginising mo lang ako para don? Pwede mo naman sabihan ako mamaya e." Halos hampasin ko na siya sa inis, agad naman siyang umiwas.
"Matutulog ulit ako e hahaha, ayaw mo nun tuloy-tuloy na tulog mo mamaya. Patayin mo na alarm mo." tumatawa niyang wika. Sinimangutan ko tuloy siya lalo, nagpaalam na siya at siya na din ang nagsara ng pinto. Bumalik na ako sa higaan ko, at chineck ang oras.
Alas-kwatro palang!
Si Kuya naman e!
Mamaya ko na aalamin, kung bakit cancel ang klase. Kailangan ko matulog ulit. Kahit makompletp ko lang ang tamang oras ng tulog ko.
Bumalik ako sa kama at niyakap ang unan ko. Gusto ko pa sanang matulog ulit, pero dahil sa inis kay Kuya, parang hindi na ako makatulog ng maayos. Sinubukan kong pumikit at pakalmahin ang isip ko, pero ang daming tumatakbo sa utak ko. Bakit kaya walang pasok? Baha na naman kaya? Umulan kasi kagabi, ang lakas pa naman. O baka may biglang event na kailangan iprepare?
Sinubukan kong i-clear ang isip ko at mag-focus sa paghinga para makatulog ulit. Pero kahit anong pilit, hindi na ako dalawin ng antok. Napabuntong-hininga na lang ako at bumangon ulit. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ang mga messages.
May group chat kami ng mga kaklase ko, at nakita ko ang mga messages nila.
"Guys, cancel daw ang pasok dahil sa baha," basa ko sa isang message ni Angel. Sinundan naman ito ng mga messages na puro meme at reaction ng mga kaklase ko. Yung iba natuwa, yung iba nag-uumapaw ang saya dahil may extra pahinga.
Diretso ang pahinga dahil sabado nanaman bukas. Pag naman talaga busy, ang bilis ng araw.
"Okay, baha pala," sabi ko sa sarili ko. Buti na lang hindi na ako pumasok at na-inform agad ako. Pero hindi rin naman ako makatulog, kaya napagpasyahan kong mag-stay na lang na gising. Kinuha ko ang kumot at nagkulong sa ilalim nito. Naisip ko tuloy, anong gagawin ko buong araw?
Tinignan ko ulit ang phone ko at nag-scroll sa mga social media accounts. Wala naman gaanong bagong balita. Puro updates lang tungkol sa canceled classes at mga pictures ng mga lugar na binaha. Pati yata sa newsfeed ko, baha din! Wala akong gana mag-scroll kaya nilapag ko ulit ang phone ko sa gilid ng kama.
Pumikit nalang ako, nagbabasakali na makakatulog ulit.
Maya-maya, narinig ko na naman ang katok sa pinto. Siguro si Kuya ulit 'to. Napasimangot ako pero bumangon pa rin at pinagbuksan siya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko, hindi maitago ang inis sa boses ko.
"Pasensya na, pero nagluto si Mama ng almusal. Baka gusto mong kumain na muna," sabi niya habang nakangiti na parang walang nangyari. "And... sorry nga pala kanina, gigisingin sana kita ng 5 am...kaso 'ayon!"
"Almusal? Bakit anong oras na ba?" tanong ko.
"6:30 na" sagot niya.
"Ha? E 4 am pa lang kanina. Ang bilis ng oras!" saad ko.
"Sige na, kain na tayo," sabi niya sabay alis sa pinto. Tinignan ko ang orasan, totoo nga. So yung dalawang oras na 'yon, nakapikit lang talaga ako?
BINABASA MO ANG
My Min, My Man
RomanceMatagal na ang lumipas at maraming lalaki na ang dumaan sa buhay ni Ronalisa. Ngunit sa kabila nito, hindi niya maiwasang mapansin ang isang lalaki-madalas niyang makita, ngunit bihira niyang makausap. Darating ang araw na mapapalapit sila sa isa't...