13

138 18 2
                                    

Lisa's POV

Wala pa ding pinagbago si Min, tutok pa din siya sa pag-aaral. Nakakabilib kung paano siya sumagot tuwing nagtatanong ang teacher namin. Kung dati tahimik lang siya, ngayon todo siya magrecite. Kitang-kita kung gaano talaga siya katalino. Mukhang kami nanaman ang magkasunod nito sa ranking.

Hay, ang sarap sa feeling na patuloy ko siyang hinahangaan sa bawat nakikita kong kilos niya. May date kami ngayon, kaso ang barkada ang lalakas ng pandinig pero ang mamanhid naman.

Aba'y sasama sila!

Hindi man lang kami binigyan ng oras para naman makapagsolo sana kami ni Min. Hindi naman kami nakatutol sa kagustuhan nila, baka ano pa ang isipin nila e!

"Ang noo mo, nakunot nanaman. Hayaan mo na sila, mag-enjoy nalang tayo ngayong araw na 'to. Smile na Roni."

"Masaya naman ako kahit papano dahil makakasama natin sila, sadyang iniisip ko lang first date na sana natin 'to e. Kaso hindi nanaman, barkada date nanaman 'to", halos humaba na ang nguso ko dahil sa kanila.

"Ang cute mo talaga hahaha, hayaan mo mamaya, pwede naman tayong lumayo sa kanila. Pasimple nalang tayo, basta ako bahala mamaya."

"Sige na nga! May next time pa naman." ani ko. Hindi pa kami ni Min, pero malapit na. Balak ko siyang sagutin after prelim namin, para naman masuklian ang pagod at hirap niya. Two weeks nalang naman, gusto ko muna sulutin yung ganitong set up namin. Kasi feeling ko, pag naging kami mag-iiba nanaman.

"Ang cute mo talaga pag naiinis hahaha, wag mo ipahalata sa kanila na naiinis ka." Pagkurot niya sa pisnge ko.

"Okay, basta hindi naman ako yung naiinis na OA." saad ko sa kaniya.

Si Min ang nakaisip na MOA ang pupuntahan namin, at si Tony naman ang nagpresinta na magdadrive.

Pagdating namin sa MOA, ang daming tao. Puno ang bawat sulok ng mall, at halos hindi ka makalakad nang hindi ka nakikisingit sa ibang mga grupo ng mga naglalakad. Habang papasok kami, naririnig ko ang ingay ng barkada, sila Sy, Tony, Angel, at Jus, na abalang-abala sa pag-uusap tungkol sa plano nila kung saan kakain o manonood ng sine. Si Min, tahimik lang pero hindi siya mapakali sa tabi ko.

Alam kong gusto rin niyang magka-solo kami, pero heto na nga't sumama ang buong barkada. Hindi naman namin sila puwedeng pigilan, lalo na't matagal na rin kaming hindi nakakapag-bonding nang buo.

"Ano ba talaga ang plano? Saan tayo?" tanong ni Sy, na sobrang excited.

"Oy, may bagong bukas na resto dito sa tabi," sabi ni Tony. "Punta tayo dun para sulit naman ang pagpunta natin!"

"Okay din 'yun, pero baka may ibang gustong gawin si Min at Lisa," sabay tingin ni Angel sa amin. May pilyang ngiti siya habang sinasabi iyon. Halatang nakikiramdam din sila kung gusto naming mag-solo ni Min.

Nagtawanan ang iba, pero nagkibit-balikat na lang si Min. "Okay lang sa akin kung saan niyo gusto," sabi niya, nakangiti pero alam kong may halong disappointment sa boses niya.

Napangiti na lang din ako. "Sige, sabay-sabay na lang tayo. Basta promise, mag-enjoy lang tayo."

Habang papasok kami sa resto, hinawakan ni Min ang kamay ko nang pasimple. Hindi ko maiwasang kiligin kahit sa simpleng bagay na ito.

Pagkapasok namin, naupo kami sa isang table for eight. Medyo masikip para sa dami namin, pero okay lang. Nagsimula kaming mag-order ng mga pagkain habang nagkukuwentuhan ang barkada tungkol sa kani-kanilang mga plano sa school.

"Grabe, ilang projects na agad ang ibinigay ni Ma'am," reklamo ni Angel. "Sobrang dami, wala na tayong time mag-enjoy."

"Chill lang, kaya natin 'to," sabi ni Jus, habang hawak ang kamay ni Angel. Nakatingin ako sa kanila at hindi ko maiwasang mapangiti. Cute sila, pero hindi ko rin maiwasang isipin na sana, ganito na rin kami ni Min. Sila Kuya naman at Sy, hindi ko alam kung saang level na sila.

My Min, My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon