11

128 19 4
                                    

Lisa's POV

Naglaan ako ng maraming oras sa pagre-review kagabi, kaya ito ako ngayon, inaantok. Madaling araw na ako nakatulog, pero feeling ko worth it naman. Parang ang dami kong natutunan, at excited na akong makita kung paano ko nag-perform sa exam. Pero pinakahinihintay ko ang labasan ng grades.

Okay naman ang pagsasagot ko sa mga natapos ko ng exam. Tatlong araw ang exam namin, kaya may dalawang araw pang natitira. Hindi naman ako nahihirapan, sadyang gusto ko lang talaga nakafocus ako. Mas gusto ko na naglalaan ako ng oras sa pagre-review, para wala akong pinagsisisihan sa huli. At least alam ko sa sarili ko na nagawa ko yung best ko.

Nasa waiting shed kami ngayon kasama ang mga kaibigan kong sina Tony, Angel, at Sy. Naghihintay pa kami kay Kuya Jan, Basty, at Jus. Iba kasi ang oras ng tapos ng exam nila. Habang nag-aantay, nag-uusap-usap kami tungkol sa mga nangyari sa exam.

"Anong masasabi niyo sa Math? Ang hirap, 'no?" tanong ni Sy habang nag-aayos ng kanyang bag.

"Oo nga! Parang ang dami kong na-skip na questions," sagot ni Angel. "Pero sana makapasok pa rin tayo."

"Eh, kahit naman anong mangyari, importante ginawa natin ang best natin," sabi ko. Tsaka ko naisip na ang dami palang pressure sa mga ganitong pagkakataon. Pero sa totoo lang, mas nag-aalala ako sa magiging resulta kesa sa mga tanong sa exam.

"Ikaw, Tony? Anong tingin mo sa Science?" tanong ko sa kanya.

"Medyo okay lang, pero may sure ako na question, at nagkamali ako sa isa," sagot niya. "Hindi ko na talaga ma-recall yung tamang tawag doon."

"Okay lang yan. Marami talaga tayong nakakalimutan at hindi na natin naiisip sa oras ng exam. Basta, positive lang!" sabi ni Sy.

"True! Kaya nga, wag tayong magpa-stress. Nakapag-review naman tayo," ani Angel, tumingin sa paligid. "Sana mabilis dumating sila Jan at Basty."

"Weh, sila lang? Bakit hindi mo nabanggit ang bebe mo?" pang-aasar ko.

"Si Jus? Hay nako, naiinis ako sa kaniya! Ang tigas ng ulo." pag-irap niya.

"Siguradong nag-e-enjoy na naman sila sa exam," dagdag ni Tony, tumawa. "Kahit na matagal pa sila, sigurado akong mas marami silang kwento." Kilalang-kilala na namin sila, napakadaldal ng mga 'yon!

Habang naghihintay, pumasok sa isip ko ang mga plano namin pagkatapos ng exams. Minsan naiisip ko, sayang kung hindi kami magkasama sa susunod na school year. Pero sa ngayon, lahat kami ay may parehong layunin, at yun ang makapasa.

Dumating na si Kuya Jan, kasama si Jus. Wala si Basty, pag ganitong wala siya, alam kong may iba pa siyang gagawin, kaya hindi na ako nagtanong pa.

"Sorry, guys! Nahuli kami sa exam dahil medyo mahirap," sabi niya habang nagpapahid ng pawis.

"Akala ko ba basic lang sainyo? Hahaha" sabi ni Tony, halatang nang-aasar.

"Oo nga! Pero mahirap din," sagot ni Jus. "Kayo? Kamusta? Nakayanan niyo naman ang Math?"

"Ang hirap! Pero nakasagot naman ako," sagot ni Angel. "Sana makapasa tayo."

"Yeah, basta wag mag-alala. Kailangan lang maging positive," sabi ko, kahit na may konting kaba sa aking puso.

Nagpasya kaming magplano ng simpleng celebration pagkatapos ng exams. "Kapag tapos na lahat, magdadala tayo ng snacks sa bahay nila Jan at Lisa," sabi ni Sy.

"Good idea! Mas masaya kapag sama-sama," sagot ni Kuya Jan.

Nagsimula na akong mag-imagine ng mga ngiti at tawanan habang nagsasalo-salo kami. Sa mga ganitong nangyayari, kahit gaano pa kalala ang pressures ng school, may mga bagay pa ring nagiging dahilan para makalimot panandalian.

My Min, My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon