06

144 27 7
                                    

Min's POV

Nabalik lang ako sa huwisyo, nang tapikin ako ni Tony. Inaaya na niya ako na bumalik sa classroom namin, malapit na kasi ang next class namin. Ilang minuto nalang matatapos na ang break time. Napakabilis naman ng oras, kung kailan naman nasa ganito akong sitwasyon e!

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang tumambay kami kila Jan, hindi na kami nakakatambay dahil iwas talaga ako. Umiiwas ako kay Ronalisa. Hindi ko kaya na makita si Lisa na close kay Basty lalo na kay Tom. Masyadong masakit sa mata...lalo na sa puso.

"Tara na pre!" Tumango ako, tsaka kami nagtungo na sa classroom. Sa daming section ng grade 9 ngayon, hiwalay ang classroom namin sa main building. Hindi naman siya malayo, ilang hakbang lang ang lalakarin.

"Min, sama ka mamaya? Kila Missy daw, birthday daw e." tanong niya.

"Pwede naman, magkakalapit lang naman tayo." sagot ko. Minsan lang naman, tsaka nakakasama ko na din naman si Missy.

Ang bilis ng oras natapos agad ang klase namin ngayong araw. Sabay-sabay kaming pupunta kila Sy. Pinagkasiya nalang namin ang sarili namin sa van nila.

"Okay kapa sis?" nag-aalalang tanong ni Angel kay Lisa, may kasama pa kasi kaming isang yaya ni Sy at may mga pinamili. Wala kaming choice kundi magtiis, lalo na ginusto naman namin 'to. Wala talagang nagpasundo kahit isa saamin, dahil ayon ang plano sabay-sabay na kami.

"Okay pa naman, mabilis lang naman ang byahe." Dapat pala dito nalang siya sa pwesto ko, kaso nauna siyang pumasok kaya nasa dulo talaga siya. Kahit dito hindi ako makagawa ng paraan e.

"Tiis lang muna mga anak, malapit naman na tayo. Pasensiya na kayo, medyo madami ang napamili namin." wika ng yaya ni Sy.

"Ayos lang po 'yon" saad naman ni Jan, magkatabi sila ni Sy. Lately, napapansin ko napapadalas na nag-uusap sila. Hindi ko alam kung may something sakanila, nakakainggit kase na-express nila yung pagtingin nila sa isa't isa.

Pagkadating namin kila Missy, wala masyadong bisita maliban saamin. Nalaman namin na pinasadya pala talaga niya, para mas makilala pa namin ang isa't isa. Gusto niya kami lang ang bisita niya, maliban sa family and relatives nila.

Pinakilala na niya kami sa parents niya bilang kaibigan.

"Kain lang kayo ng kain ha. H'wag kayo mahihiya, tayo lang naman ang nandito. Sila Mommy, nasa loob naman." wika ni Missy.

"Salamat sis, nakakahiya naman kami lang ang bisita mo." nahihiyang saad ni Lisa.

"Syempre kayo na ang friends ko, wala naman ako nakakasama maliban sainyo e. Basta feel at home! I-enjoy natin 'tong birthday celebration ko ha?!"

"Oo naman!" sagot ni Jan, sumang-ayon din kaming lahat.

Nagsimula kami kumain at paminsan-minsan ay sinasabayan namin ng kwentuhan. Sa aming lahat parang kami lang dalawa ni Lisa ang tahimik. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Tuwing napapatingin ako sa pwesto niya, ngumingiti siya ng tipid at agad ding umiiwas.

Hindi nakatakas sa mga paningin ko kung paano siya pagsilbihan ni Tom, kakaiba din yung awra ni Tom ngayon. Parang ang saya-saya niya, may kakaiba talaga akong nararamdaman. Ayoko sanang mag-overthink, pero alam ko na tungkol kay Lisa kaya siya masaya ngayon.

"Kain ng kain, Lisa" saad ni Jan.

"Lubusin na natin 'to sis!" wika naman ni Angel.

"Oo nga, minsan lang 'to." pagsang-ayon ni Jus.

"Kalmahan niyo lang hahaha, mahina ang kalaban." natatawang wika ni Lisa. Bakit kahit natawa siya, iba yung pinapakita ng mga mata niya?

O baka guni-guni ko lang 'yon?

My Min, My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon