Lisa's POV
Ang boring naman dito sa mall, hay ganito talaga pag mag-isa. Tumitingin-tingin nalang ako sa paligid, ang sasaya naman nila. May nakita kasi akong mag-asawa at kasama nila ang anak nila. Tawa sila ng tawa, ang saya nila panoorin at the same time nakakainggit.
Habang abala ako sa pagtingin sa paligid, may pamilyar na amoy akong naamoy. Kaya luminga-linga ako, si Benjamin nandito malapit sa pwesto ko! At kasama niya yung babae, mukhang Mommy ata niya.
Tatawagin ko ba siya?
O
Hahayaan ko nalang kung mapansin man niya ako o hindi?
Nakakahiya kasi, lalo na may kasama siya. Baka makaistorbo pati ako, hindi nalang ako lilingon ulit sa pwesto niya.
Nakatanggap na din ako ng chat kay Basty,
"Lisa, nandito na ako sa bahay. Nahilo daw si Mommy, pero okay naman na siya. Sorry ha, naabala pa kita tapos mag-isa ka lang tuloy.""Mabuti naman okay lang siya, h'wag mo akong isipin. Kaya ko naman ang sarili ko." reply ko sakaniya. May chat pa siya pero tungkol na lang sa pagpapaaalala na mag-iingat ako. Hindi ko na nireplyan, tatayo na sana ako nang may kumalabit sa likod ko.
Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Min, "Lisa, anong ginagawa mo dito mag-isa?" tanong niya habang nakangiti.
Kunwari pa akong nagulat, kahit alam ko naman na nandito lang siya. "Oy, Min! Wala, tambay lang. Mag-isa kasi ako ngayon. Si Basty may emergency sa bahay kaya nauna na siya," paliwanag ko. Pero sa totoo lang, parang gusto kong malaman kung sino 'yung babaeng kasama niya.
"Ganun ba?" sagot niya habang umupo sa tabi ko. Napansin kong hinahanap-hanap niya ang tingin ng babae na kasama niya kanina. "Ah, Lisa, by the way, gusto kong ipakilala sa'yo ang mommy ko," sabay turo sa babaeng papalapit sa amin.
Lumapit ang babae na may dalang ilang shopping bags. Ngumiti siya sa akin nang makita ako, mukhang mabait siya. "Hello, ikaw siguro si Lisa? Lagi kang nababanggit nitong anak ko. Nice to finally meet you," sabi ng mommy ni Min habang inaabot ang kamay niya sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya pero ngumiti ako at kinuha ang kamay niya. "Hello po, nice to meet you din po, Tita," sagot ko habang medyo kinakabahan.
Hindi ko alam na nababanggit pala ako ni Min sa pamilya niya. Ano kayang sinasabi niya?
Umupo si Tita sa tabi ni Min at kita kong magkasundo sila. "Ang tagal ko nang gusto makilala ang mga kaibigan ni Min, lalo na 'yung mga nababanggit niya. Ikaw pala si Lisa, madalas kasi si Tony ang nadadala niya sa bahay, at sila lang ang naabutan ko" sabi ni Tita, sabay lingon kay Min na parang nanunukso.
"Mommy naman," sabi ni Min na medyo nahiya. "Kumusta ka na, Lisa? Nagstart kana ba magreview?"
"Okay naman ako, Min. Grabe ka naman makatanong e magkaklase lang naman tayo. Bukas pa ako magstart magreview, e ikaw?" tanong ko habang sinusubukang huwag masyadong mag-isip ng kung ano-ano.
Hindi ko pa rin mapigilang isipin kung ano nga ba talaga ang sinasabi ni Min tungkol sa akin sa mommy niya.
"Same lang din, actually. Pero nakakaya naman. Nagpapahinga rin kami ng konti ni Mommy ngayon kasi magkasama kaming nagshopping," sabay turo niya sa mga bags na dala ng mommy niya.
"Oo, hindi ko nga alam na sasama si Min sa akin ngayon, eh. Bigla nalang siyang sumama. Nakakatuwa 'tong anak ko, bigla-bigla nalang sumasama sa lakad ko. Akala ko nga mas gusto niya kasama ang mga kaibigan niya," sabay kindat ni Tita kay Min.
BINABASA MO ANG
My Min, My Man
RomanceMatagal na ang lumipas at maraming lalaki na ang dumaan sa buhay ni Ronalisa. Ngunit sa kabila nito, hindi niya maiwasang mapansin ang isang lalaki-madalas niyang makita, ngunit bihira niyang makausap. Darating ang araw na mapapalapit sila sa isa't...