15

115 19 1
                                    

Min's POV

Ilang araw kong plinano na magkaroon ng dinner, kasama si Mommy at ang family ni Lisa. Lately naman, base sa mga napapag-usapan namin ni Lisa, alam na ng both side na may namamagitan saamin. Mukhang hindi naman nagalit ang Mama niya. Wala naman akong narinig na kakaiba at ikakatutol niya. Lalo na sa Mommy ko, alam naman niyang matagal na akong may pagtingin kay Lisa.

Kinausap ko si Jan na tulungan niya ako, at ayon okay naman na. Kaso itong kaibigan ko, kay Lisa pa talaga tumawag, hindi na tuloy surprise. Natatawa nalang ako sa kakulitan ni Jan e.

Papunta na kami sa bahay nila Lisa, dahil sasabay saamin ang Kuya Jan niya. Ang Mama naman nila ay nasa resto na, nagpareserved ako sa restaurant namin. Pero, hindi alam nila Mommy at Tita. Kami lang talaga ni Jan ang nakakaalam, at syempre alam na din ni Lisa, dahil nga nasabi ni Jan.

Hindi na namin kailangan magpalit pa ng damit, dahil maayos naman na ang mga suot namin. Si Lisa naka simpleng dress siya below the knee, ako naman naka polo shirt.

Nasa kotse kami ni Lisa, papunta sa restaurant kung saan namin planong gawin ang family dinner. Si Jan ang nasa tabi ng driver, buti nalang nahiram ko ang driver ni Mommy.

Hindi ko mapigilang kabahan, kahit pa ilang araw ko nang pinaghandaan ito. Si Jan, kuya ni Lisa, ay nakaupo sa harapan, tahimik lang. Pero alam kong kanina pa rin siya excited, lalo na't matagal na din niya akong kinukulit na i-legal na ang kapatid niya. Syempre gusto niya na may assurance lahat.

Si Lisa naman, ramdam kong kinakabahan din, kahit na pinipilit niyang mag-relax. "Borj, sigurado ka bang okay lang 'to?" tanong niya, hawak-hawak ang kamay ko.

"Oo naman, Lisa. Plinano ko na 'to ng maayos. Tsaka, gusto ko talagang masabi na natin sa kanila, formally. Hindi naman na ito yung tipong surprise na kagaya ng iniisip mo. We're all family now, di ba?" Pinilit kong maging kalmado sa pagsagot para mapawi yung kaba niya, pero sa loob-loob ko, medyo hindi rin ako sigurado kung magiging smooth ang lahat.

Natawa si Jan mula sa harap. "Relax lang kayo. Alam mo, Min, parang kayo ang mag-propose, e. Dinner lang 'to, hindi kasal," biro niya.

"Ikaw kasi, Jan! Dapat nga surprise pa 'to kay Lisa e, kaso nasabi mo na agad," sabi ko, sinusubukang magpatawa kahit na medyo kabado ang loob ko.

"Sorry na! Excited kasi ako, pre. Kaso nga lang, ayon nawala din sa isip ko si Lisa. Anyway, huwag kayong mag-alala. Sigurado akong magiging maayos 'to. Mabait naman si Tita Tine, at si Mama, alam mo namang walang arte 'yun," dagdag ni Jan, sabay kindat kay Lisa sa rearview mirror.

Pagdating namin sa restaurant, nakita kong naroon na si Mommy at si Tita, ang Mama ni Lisa. Tahimik silang nag-uusap sa isang corner table, hindi pa kami napapansin. Halatang may pinagkukwentuhan sila, hindi na ako magtataka matagal naman na silang magkaibigan.

Huminga ako nang malalim bago bumaba ng kotse, sabay kaming lumakad ni Lisa papasok sa loob.

"Relax ka lang," bulong ni Lisa, sabay pisil sa braso ko.

Nasa entrance pa lang kami pero parang ang bigat na ng mga hakbang ko. Hindi ko maalis ang kaba sa dibdib ko. Nung mga nakaraang araw kasi, parang normal lang lahat. Pero ngayon na mismong dinner na, parang ang daming iniisip.

Paglapit namin sa table, tumayo si Mommy at niyakap ako. "Anak, ngayon nalang ulit tayo magsasabay mag dinner. Busy na ako masyado."

"Okay lang po 'yon," sagot ko, pilit na ngumingiti.

Si Lisa naman, niyakap ang Mama niya. "Hi, Ma. Sorry, natraffic kami."

Bumeso na kami sa mga magulang namin, para pagbigay galang na din. Ngumiti lang si Tita, pero hindi mo matanggal ang seriousness sa mukha niya.

My Min, My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon