FAST FORWARD
Min's POV
Nag-aayos ako ng sarili ko ngayon, balak ko puntahan ang girlfriend ko nang walang pasabi. Gusto ko siya i-surprise. Lalo na President's lister siya, kakatapos lang kasi ng first semester namin. Wala pa din talagang pinagbago, consistent pa din talaga siya pagdating sa pag-aaral.
Parehas kami ng kurso na kinuha, kaya magkaklase pa din kami. Swerte namin dahil isang section lang kami, kaya walang lipatan ng section na nagaganap.
Gusto ko siya ilabas, para naman hindi siya puro school at bahay. Simula kasi nung tumungtong kami sa college, nagpromise kami sa mga sarili namin na mas magfofocus kami sa pag-aaral.
Pwede naman magbonding at date, pero okay na yung kahit nasa bahay lang. Kaya sa buong semester na 'yon, pag may free time kami sa bahay lang talaga kami. Nasusulit naman namin ang oras at nag-eenjoy kami, lalo na minsan kasama ang barkada. Pero, iba pa rin yung nakakapunta sa ibang lugar at nakakapag-enjoy. Mag-explore ng ibang bagay, makakita ng ibang paligid at tanawin.
"Ang gwapo naman ng anak ko, may date kayo?" Hindi ko napansin nakasilip pala si Mommy mula sa pinto ng kwarto ko.
"Ah balak ko po siyang ilabas. Hindi niya po alam na pupuntahan ko siya." Diretso kong sagot.
Lumapit siya sa pwesto ko at inayos ang kwelyo ng damit ko. "Mag-enjoy kayo ng sobra. Pasayahin mo siya ha. Narinig ko kasi sa Tita mo, puro daw kayo pag-aaral. Mas madalas pa daw niya makita si Lisa na nakatutok sa mga school works niyo. Nag-aalala ang Mama niya, okay lang naman mag-aral ng mabuti. Wag lang hahayaan na, hindi na nakakagawa ng ibang bagay."
"Alam naman namin na matatalino kayo, wala din naman kayong, dapat pang patunayan saamin. Lalo na, diyan palang naman umiikot ang daily life niyo. Sabihin mo kay Lisa ha, mag-explore pa kayo." Pagpapaaala ni Mommy.
"Ipapatindi ko po sa kaniya, tsaka sure naman ako na maiintindihan niya. Salamat My." Sagot ko sa kaniya.
Maayos na ang suot ko, wala naman na akong nakalimutan. Kaya nagpaalam na ako kay Mommy. Alas-otso pa lang naman, wala naman dapat akong ipagmadali, kaso nasasayangan ako sa oras. Gusto ko sulitin 'tong araw na 'to.
Nakahiram ako ng motor kay Jus kanina, kaya motor ang gagamitin namin ni Lisa. Ayoko naman magpahatid sa driver namin, mas maganda kung kami lang dalawa.
Paglabas ko ng bahay, ramdam ko agad ang malamig na hangin ng umaga. Saktong-sakto ang oras, at naisip kong tiyak na mabibigla si Lisa sa plano ko.
Nakaangkas na ako sa motor ni Jus, at habang nagmamaneho ako patungo sa bahay nila Lisa, hindi ko maiwasan isipin kung gaano kaswerte ako na magkaroon ng isang girlfriend na tulad niya. Consistent sa pag-aaral, focused, pero hindi nawawala ang sweetness at pagiging supportive niya sa akin.
Alam ko kasi na minsan, kahit sinasabi niyang okay lang siya, napapansin kong madalas siyang magpuyat para lang matapos ang mga requirements namin sa school.
Kaya ngayon, gusto ko siyang ilabas. Gusto kong iparamdam sa kanya na deserve niya ng break at oras para mag-enjoy. Hindi lang laging aral at stress ang mundo niya.
Ilang minuto lang ang tinakbo ng motor, at nasa tapat na ako ng bahay nila. Medyo kinakabahan ako kasi hindi ako nagpaalam na pupunta ako, pero alam ko rin na maiintindihan ni Lisa ito. Kinuha ko ang phone ko at nag-chat sa kanya.
"Good morning, Roni. Labas ka ng bahay, andito ako sa harap."
Kaagad ko itong sinend, sabay hintay ng ilang minuto. Wala pang isang minuto ay lumabas ang reply niya.
BINABASA MO ANG
My Min, My Man
RomanceMatagal na ang lumipas at maraming lalaki na ang dumaan sa buhay ni Ronalisa. Ngunit sa kabila nito, hindi niya maiwasang mapansin ang isang lalaki-madalas niyang makita, ngunit bihira niyang makausap. Darating ang araw na mapapalapit sila sa isa't...