16

122 18 3
                                    

Tom's POV

Nandito na ako ulit sa Pilipinas. Ilang taon din ang lumipas simula noong umalis ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko-nangingibabaw ang excitement pero may halong kaba. Kumusta na kaya sila? Ang mga kaibigan ko, lalo na si Lisa. Ang kaibigan ko at ex-girlfriend ko noon.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko-kamusta na kaya si Lisa? Masaya kaya siya? Paano kaya magre-react ang mga barkada na muli nila akong makikita?

Sigurado naman akong nakita nila ang post ko sa Facebook noong nakaraang linggo.

"See you next week, Pinas!"

Napansin ko pa nga na nag-react si Jus, kaya malamang alam na ng buong barkada na uuwi ako. Matagal ko nang gustong bumalik, pero alam mo na, naging busy din ako sa buhay ko sa ibang bansa. Panandalian lang ako dito ngayon, dahil sa ibang bansa na talaga ako titira.

For sale na nga itong bahay namin, at may buyer na. Nandito ako para asikasuhin ang mga papeles. Pero higit sa lahat, nandito ako para balikan ang mga kaibigan ko-lalo na si Lisa. Ayoko naman mag for good na talaga doon na hindi man lang sila sinasabihan.

Mas gusto ko na ang buhay doon sa abroad. Nandoon na kasi ang pamilya ko-si Mommy, mga grandparents ko, at syempre, ang girlfriend ko. Matagal na rin kami ng girlfriend ko, at masaya ako sa kanya. Pero wala pa akong sinasabi sa mga kaibigan ko tungkol sa kanya.

Nag-chat ako kay Jus, isa sa mga malapit kong kaibigan.

"Pre! Nakauwi na ako," sabi ko.

Sakto, mabilis ang reply ni Jus. Alam ko namang siya ang madali kong makakausap.

"Gagi, ang tagal mo bumalik! Kailan ka magpapakita sa amin?" tanong niya. Kilala ko si Jus, alam kong excited siya.

"Kung kailan kayo free. May iaabot din kasi ako sa inyo," sabi ko. Bumili ako ng mga pasalubong para sa kanila. Gusto ko na rin talagang makita sila at kumustahin ang buhay nila. May konting kaba, pero mas lamang ang kagustuhan kong makasama ulit sila.

"Dito kami sa dati pang tambayan," sagot ni Jus.

Nagtungo ako agad sa dati pa naming tambayan-sa bahay nila Lisa at Jan. Dati, halos araw-araw kami dito nagtitipon, tambay, kwentuhan, tawanan. Ngayon, hindi ko alam kung ano ang aasahan ko, pero alam ko, namiss din nila ako.

Pagdating ko, ramdam ko agad ang saya at kaba. Nasa labas pa lang ako, rinig na rinig ko na ang tawanan nila, yung mga boses na sobrang familiar. Nag-doorbell ako. Ilang saglit lang, bumukas ang pinto, at si Lisa ang nagbukas ng gate.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya, pero hindi nagtagal, napalitan iyon ng sobrang saya. Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit.

"TOM!" sigaw niya, halatang tuwang-tuwa siyang makita ako ulit.

"Lisa," sabi ko, sabay yakap sa kanya. Ang daming emosyon na dumadaloy sa akin, pero masaya ako na magkasama kami ulit. Naalala ko yung mga dati naming pinagsamahan. Yung mga araw na magkasama kami, masaya, pero sa huli, naging malinaw na hindi para sa isa't isa ang nararamdaman namin.

Nag-try kami, pero hindi talaga nag-work. Masakit man noong una, pero naging maayos ang paghihiwalay namin, at nanatiling magkaibigan.

Pagbitaw namin sa yakap, nakita kong nakangiti na rin ang mga kasama sa loob. Si Min, Jus, si Jan, Tony, Basty at may isang bago akong nakitang mukha. Agad akong nakatutok sa isang lalaki na hindi ko kilala, napansin ko din sa likod niya ang dalawa pang babae na bumubuo sa barkada-si Sy at Angel.

"Tom! Finally, pre!" sabi ni Jus habang lumalapit at nagbigay ng high five. Nakangiti lang si Jan sa likod.

"Tara, pasok ka!" sabi ni Jus. Hindi ko mapigilan ang pagtingin kay Lisa, at doon sa isang lalaki. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may kutob ako tungkol sa lalaking iyon. May kakaiba. Nagpasalamat ako at pumasok, dala-dala ang mga pasalubong.

My Min, My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon