Min's POV
Iba ang kutob ko sa pagpasok ni Pat sa bahay, kaya sumunod agad ako sa kaniya. Ayoko talaga yung mga kilos at sinasabi niya. Halatang may gustong palabasin e.
Dahan-dahan lang akong nakasunod sa kaniya, hanggang sa dumiretso siya sa dining area. Kung nasaan si Lisa, agad siyang yumakap mula sa likuran ni Lisa. Nag-init agad ang ulo ko.
"Gago ka!" Sigaw ko at agad ko siyang hinila at sinuntok sa mukha, dahilan para mapasalampak siya sa sahig.
"Pre--"
"Wag mo akong matawag-tawag ng ganiyan. Gago ka, girlfriend ko yung niyakap mo."
Binigyan ko ulit siya ng isa pang suntok, napansin ko naman ang pagtakbo papalabas ni Lisa.
Tumayo ako at napasabunot nalang sa buhok ko. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Sobrang nagagalit ako sa ginawa ni Patrick. Ilang minuto lang ay nandito na sa loob si Jan, sumunod naman sa kaniya ang barkada.
"Anong nangyari?" Seryosong tanong ni Jan, pero bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Pre, tanungin mo diyan sa gagong 'yan."
"Hindi ko sinasadya" sabi ni Pat. Tinutulungan siyang patayuin ni Tony at Jus.
Si Angel at Sy naman ay nasa magkabilaang gilid ni Lisa. Bakas pa din sa mukha niya ang takot. Halo-halomg emosyon ang nakikita ko.
"Bakit mo kasi ginawa 'yon?" diretsahang tanong ni Lisa.
"Tama si Min, ang gago mo!" Sigaw ni Lisa.
"Wait--ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Jan.
"Tangina, nakita ko lang naman niyakap niya mula sa likuran ang kapatid mo. Paano nalang kung hindi ko siya sinundan? Baka hindi lang yakap ang ginawa niya!" Inis kong wika.
"Bakit mo ginawa 'yon? Akala ko ba malinaw na sa'yo lahat?" Tanong ni Lisa.
"Mahal kita. Bakit hindi nalang ako?"
"Gago ka talaga!" Lalapitan ko sana siya,.pero inawat ako ni Jan.
"Sinasayang mo ang pagkakaibigan niyo." Sabi ni Jus.
"Matagal mo nang alam, hindi kita gusto. At kahit kailan hindi kita magugustuhan! Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. May boyfriend na ako. Siya lang ang gusto ko! Siya lang ang mahal ko. Kung hindi mo maintindihan 'yon at hindi mo kayang irespeto 'yon, umalis kana lang sa buhay ko." Hindi ko inaasahan ang mga huling salita na bibitawan niya.
Alam ko na mahirap para sa kaniya na magpaalis ng isang taong mahalaga sa buhay niya, pero kung ayon ang sa tingin niya na mas ikakabuti gagawin talaga niya.
"L-lisa"
"Isipin mo ang mga ikinikilos mo, hindi rin dahil lasing ka ay madadala ako sa mga kilos mo. Nakakabastos kana e, kanina ko pa napapansin." Inis na wika niya.
"Sorry-isang chance pa, Lisa."
"Ewan ko na Pat, nakakawalang gana ka." Nagwalk-out na si Lisa, kaya agad ko siyang sinundan. Pero, bago 'yon pinadaanan ko muna ng tingin si Patrick.
Sumunod ako kay Lisa palabas ng bahay, ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi lang dahil sa nakita kong ginawa ni Patrick kundi pati sa mga narinig kong sinabi niya. Alam kong malalim ang pinagsamahan nila ni Lisa bilang magkaibigan, pero sobra na ang ginawa niya.
Ang hirap ipaliwanag, pero parang gusto ko lang siyang yakapin nang mahigpit para maparamdam kay Lisa na hindi na niya kailangan pang alalahanin si Patrick, na nariyan ako sa tabi niya, na hindi ko siya pababayaan.
BINABASA MO ANG
My Min, My Man
RomanceMatagal na ang lumipas at maraming lalaki na ang dumaan sa buhay ni Ronalisa. Ngunit sa kabila nito, hindi niya maiwasang mapansin ang isang lalaki-madalas niyang makita, ngunit bihira niyang makausap. Darating ang araw na mapapalapit sila sa isa't...