12

132 22 5
                                    

Min's POV

Kahapon pa lang excited na akong makita ang mga kaibigan ko, at alam kong magiging kaklase ko sila. Mag-aapat na araw pa lang ako dito sa Pilipinas, grabe ilang araw akong nagtiis na h'wag muna magpakita sa kanila, lalo na kay Ronalisa.

Shems. Miss na miss ko na si Lisa, ang Roni ko!

Kumusta na kaya siya? Kahit isang taon mahigit lang kaming hindi nagkita, grabe ang pangungulila ko sa kaniya. Matagal ko na ngang gusto umuwi, kaso si Mommy ang nasusunod. Hindi maganda ang naging takbo ng pang-araw-araw na buhay namin sa ibang bansa, ang gulo sobra.

Pero mabuti nalang, bago kami umuwi nagawa namin lahat ng kailangan gawin. Ayon nga lang, wala na akong Daddy...galit ako sa kaniya. Binigyan siya ng isang chance pa ni Mommy, pero sinayang lang niya. Kaya nagpasiya kami ni Mommy na putuluin na lahat ng connection namin sa kaniya.

Masakit sa totoo lang, hindi madali. Sino ba naman may gusto ng broken family? Wala naman, lahat pangarap ang isang buong pamilya at masaya. Mapagbiro nga naman ang buhay namin, hindi pa sinagad ang kasiyahan.

Pagpasok ko pa lang sa classroom kanina, sobrang sabik ako makita sila Roni at ang iba pa naming mga kaibigan. Pero nang makita ko siyang may katabing lalaki at mukhang close sila, parang may kung anong bumigat sa loob ko. Alam ko namang wala akong karapatang magalit o magselos, pero hindi ko mapigilan.

Iba 'yung pakiramdam ko. Iba siya ngayon. Mas masaya siya, mas komportable - at kasama yung lalaking 'yon. Ako dapat yung katabi niya e, sayang.

Hindi ko maiwasang isipin na sana ako yung katabi niya, sana ako yung kausap niya. Pero pagkatapos ng isang taon at mahigit na wala ako, paano ko nga ba maaasahang magiging ganoon pa rin ang lahat?

Matagal akong nawala, at alam kong hindi basta-basta mawawala 'yung mga pagbabagong naranasan niya. Ang hindi ko lang matanggap ay kung gaano kabilis na para bang wala na akong lugar sa mundo niya.

O baka ako lang nag-iisip ng ganitong mga bagay?

Nagpanggap na lang ako buong oras na parang wala akong pakialam. Nakipag-usap ako kay Tony, Sy, at Angel, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Alam ko dapat masaya ako, dapat relieved ako na finally, nandito na ulit ako kasama sila.

Pero hindi ko talaga maiwasang mapansin 'yung mga tinginan nila nung katabi niya. Hindi ko alam kung ganito lang ba sila dati o may nangyari habang wala ako. Pero ang hirap, ang bigat sa pakiramdam.

Hindi ko din maiwasang tanungin ang sarili ko...may nararamdaman din kaya si Lisa para sa kaniya? Nagbago na kaya ang nararamdaman niya para sa akin? Naaalala pa kaya niya 'yung sinabi ko bago ako umalis?

Halata kasi sa lalaki na may pagtingin siya kay Lisa.

Recess time. Kita ko sa peripheral vision ko na tumayo sila Lisa at Patrick sabay. Alam ko na ang pangalan nung lalaki, dahil narinig ko sa mga nakapaligid sa akin. Tila may sariling mundo sila.

Habang papalapit sila sa pinto, nagtatawanan pa sila, parang walang pakialam sa paligid. Gusto ko silang tawagin, gusto kong itanong kay Lisa kung kamusta na siya, pero naunahan ako ng kaba.

"Min, punta ka na rin sa canteen?" tanong ni Tony habang kinukuha ang bag niya.

Tumango ako. "Oo, tara na," sagot ko, kahit hindi ko talaga gusto. Parang gusto ko na lang umupo sa isang sulok at pag-isipan kung ano ang gagawin ko. Pero ayokong magmukhang talunan. Hindi ako pwedeng magmukhang mahina, lalo na't ngayon pa lang ako bumabalik.

Habang naglalakad kami papuntang canteen, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Gusto ko sanang mag-relax, isipin na wala lang ang lahat ng ito, na normal lang na magkaron si Lisa ng ibang kaibigan, pero hindi ko maiwasan.

My Min, My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon