Na-announce na ang araw ng pagsusulit para sa first quarter. Kahit malapit na ay wala pa rin akong gana mag-review. Siguro ay saka na lang kapag kinabukasan na ang araw ng exam. Gano'n naman ang gawain ko palagi, saka lang pupunuin ng impormasyon ang utak at re-review-hin lahat ng subject sa isang gabi bago ang araw ng examination.
Iyon ang plano. Kaso tatlong araw bago ang exam namin ay sinabi sa akin ni Travis na mag-review raw kaming dalawa para hindi ako mahirapan. Totoo rin naman na mas napapadali sa akin ang mag-review kapag tinutulungan niya ako.
Bumuntonghininga ako at sumimangot kay Zahrah. Inaakit ko siyang sumabay na lang sa amin ni Travis na mag-review dahil doon kami sa bahay ng lolo nila at hindi naman puwede sa amin si Travis. Kaso mukhang ayaw na ayaw ni Zahrah umuwi roon. Dahilan niya pa ay iba naman daw ang strand niya, baka ma-bored lang siyang kasama kami.
"Bakit? Nahihiya ka ba?" May panunukso niyang tanong.
"She's always shy, Zahrah," sagot ni Azraela mula sa kaniyang kama. She's watching K-drama again.
"Nakakahiya sa lolo mo," sabi ko.
"Kilala ka naman no'n. At saka mag-aaral naman kayo ni Ezequiel, hindi naman kayo maglalambingan doon." She chuckled.
Mas lalo lamang akong sumimangot doon. Noong kaarawan ni Zahrah at pumunta kami ro'n ay komportable pa ako dahil marami naman kami. Ngayon ay kami lang ni Travis. Paano kung may kumausap sa akin? Who'll save me from the conversation?
"Don't overthink, Lili. It will all be alright, okay? Hindi ka rin pababayaan ni Travis na mailangan doon." Zahrah smiled, assuring me.
"I encourage you to go, Lili..." ang malamig na tinig ni Isla. "Wala naman kayong gagawing masama. Unless you have something in mind?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis iyong tinanggi. "W-wala, ah!"
Malalim akong bumuntonghininga at gumayak na dahil papunta na si Travis sa amin upang sunduin ako. I'm bringing my notes and paper. Mahilig kasi akong magsulat ng kung anu-ano habang nagre-review. Nang matapos ay nilagay ko iyon sa maliit na bag ko at handa nang umalis. Sakto naman na may kumatok sa aming pintuan.
"Lili, nasa labas si Travis!" It was Heyzel's voice.
"Palabas na!" Sagot ko mula sa loob.
Kinuha ko ang bag ko't binuksan ang pintuan ng kuwarto namin. Wala na sa labas si Heyzel, mukhang umalis din agad pagkatapos sabihing nasa labas si Travis. Nagpaalam ako sa tatlo at sinabihan nila akong mag-ingat. Lakad-takbo ang ginawa ko palabas at nang makita si Travis sa labas ng gate ay maliit na ngumiti.
Mula sa labas ay inabot niya ang lock ng gate namin at binuksan iyon. Siya rin ang nagsarado pagkalabas ko. Nanoot sa aking ilong ang panlalaki niyang amoy. Mukhang katatapos niya lamang maligo dahil basa pa ang kaniyang buhok. He's just wearing a plain black T-shirt and cargo shorts.
"What's inside your bag?" Tanong niya pagkatapos pasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
Hindi ko alam kung bakit ko naaalala 'yong mga napapanood ko sa social media na vlogs kung saan gumagawa sila ng content na bag check at pinapakita ang laman ng bag nila. Ayaw ko na lamang matawa sa sariling iniisip dahil baka magmukha akong baliw.
"My notes," matino kong sagot sa kaniya.
"I have notes," he said in a baritone.
"That's good. We won't have to share."
Ilang segundo siyang tumitig sa akin pero wala naman nang sinabi. Nagsimula kaming maglakad upang makalabas sa eskinita.
"Did you eat breakfast?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Whisper Of Promises (Fearless 1)
قصص عامةFearless Series #1 Lillianna Alarcon is as deep as an ocean. She lives in her mind more than in reality. She had thought that her company was enough in this world full of wonders and thoughts. Being alone was never lonely for her, anyway. However...