BLURBIsang linggo pa lamang ako sa manila pero nakahanap agad ako ng trabaho dahil sa isang accidente.
Ang nailigtas kong batang babae na muntik ng mabangga sa tapat ng school kahapon ay bigla na lamang akong kinontact para gawin baby sitter.
Pagkatapos ng pangyayari kasi ay hindi ko napansin ang brown envelop na nabitawan ko dahil sa gulat, pag aalala at pagkabigla sa batang babaeng hindi ko naman kilala o kaano ano.
Pinaghirapan kong kompletuhin ang requirements ko para makapag apply ng trabaho dito sa manila ngunit naiwala ko lang kahapon kay magkahalong saya at lungkot pagkauwi ko ng bahay.
Saya na nakapagligtas ako ng buhay ng inosenteng bata, at lungkot dahil kailangan ko nanaman magpagawa ng papeles para makapag apply. Bukod sa mahirap makahanap ng trabaho sa panahon ngayon pati ang requirements na kinuha ko pa sa probinsya namin ay nawala pa.
Pero tila bumalik sa 'kin ang kabutihan ginawa ko sa kapwa, dahil ang nakapulot ng envelop na 'yon ay ang pamilya ng batang tinulungan ko kahapon.
Kaagad nila akong kinontact at kaagad na pinag start sa pagtatrabaho bilang kasambahay.
Suot ang black/white na uniforme ng katulong na binigay ng kanilang katiwala ay malalim na paghinga ang pinakawalan ko, napangiti ako ng makita ang batang babae na sa tantya ko ay pitong taon na.
Maganda ito at mukhang mahinhin, ng magtama ang aming paningin ay lumawak ang kan'yang mga ngiti at patakbong yumakap sa 'kin.
Mahilig ako sa mga bata ngunit kakaiba ang eksenang ito, magkahalong kirot at saya, kilig ang nararamdaman ko ng maramdaman ko ang mainit n'yang yakap.
Kundi nangyari ang mali kong desisyon noon ay malamang kasama ko nadin ang anak kong kasing edad na niya.
"A-ano nga palang pangalan mo?"
"Scarlet po"
Pinagmasdan ko siya at simpleng ngumiti, inilagay ko ang hibla ng kan'yang buhok sa kanyang tenga.
"Napaka ganda, bagay na bagay sa 'yo. Alam kong marami ng nagsabi sa 'yo kung gaano ka kaganda tama? Pero totoo. Napakaganda mo scarlet"
"Maraming salamat pala Kia, iniligtas mo ang alaga ko. "Pasasalamat ng matandang taga pangasiwa ng malaking bahay.
"Walang ano man po Manang, kahit sino naman po ay gagawin ang buwis buhay kong ginawa para iligtas ang napakagandang bata na 'to." napangiti ang matanda sa sinagot ko at ganon din si Scarlet.
"Siya nga pala, ako ang nag suggest saiyo kay sr Easton na ikaw nalang ang kapalit ko sa pagbabantay kay scarlet dahil matanda na ako. Pumayag naman siya at bukod don ay nakwento ko din sakan'ya na ikaw ang nagligtas sa nag iisa n'yang prinsesa kaya naman gusto ka n'yang pasalamatan Kia. " Napaawang ang labi ko sa gulat at saya dahil sa sinabi ni manang hilda.
"Nakita ko din kasi na naghahanap ka ng trabaho, pasensya kana Kia at pagiging kasambahay ang kapalit ng pagligtas mo sa buhay ng alaga ko ha?"
"Nako wala pong problema sa 'kin, mas pabor po akong maging alaga si... Scarlet" pinisil ko ang pisnge ni scarlet at ngumiti naman siya sa 'kin.
Marahil maganda ang Mommy at Daddy ng batang ito dahil napakaganda n'yang bata.
Nadinig ko ang tunog ng kotse sa labas ng gate kaya nagkatinginan kami ni manang.
"Nandyan na po si Daddy!" masayang sabi ni scarlet at tumakbo palabas ng mansyon upang salubungin ang kan'yang mga magulang.
"Mukhang maka Daddy po si Scarlet manang" nakangiti kong sabi at natawa naman ito.
"Dahil isang ama lang naman ang meron kay scarlet"
"Po?"
"Baby pa lamang ay wala na ang ina ng bata, simula ng pumasok ako bilang katulong sa bahay ni sr easton at wala akong nakilalang ina ni Scarlet baby pa lamang ito at walang may alam kung nasaan o buhay pa ba o wala na."
Matagal kong tinitigan si manang.
Single Dad pala ang magiging amo ko?
"I'm sorry Scarlet mamaya nalang, may kailangan akong asikasuhin ngayon at kunin sa taas....Yesss Sandra kukunin ko lang sa library ang USB at babalik kaagad ako ng company." nilingon ko ang lalaking pamilyar ang boses sa 'king pandinig, hindi ko alam kung nabibingi lang ako o dahil ngayon ko lang nadinig ang boses na 'yon.
Dumaan sa harapan ko ang lalaking nakasuot ng tuxedo habang naliligo sa sariling pabango, nakadikit sakan'yang tenga ang mamahalin cellphone habang tuloy tuloy at nagmamadaling umakyat ng hagdan kaya hindi ko nakita ang kan'yang mukha ngunit sigurado akong napaka tangos ng kan'yang ilong.
Nabusangot na bumalik sa 'kin si Scarlet na mukhang malungkot.
"Pagpasensyahan mo na scarlet ang Daddy mo dahil busy, baka sa sunday hindi na." Mamang hilda.
"Palagi nalang busy si Daddy."
"Dyan na muna kayo Kia, Scarlet at magluluto muna ako. Ahhh Kia hindi ka mahaharap ni Easton ngayon dahil busy e. Don na muna kayo sa garden ha?" Paalam ni manang kaya tipid akong ngumiti at hinawakan sa kamay si Scarlet.
Dumiretso kami sa garden upang samahan s'yang makipaglaro, malaki ang kanilang bakuran at may swimming pool sa tabi.
Ang kaninang ginagawa ni scarlet na coloring book na nasa mesa ay pinagpatuloy n'yang gawin habang ako ay tumayo at naglakad konti upang langhapin ang sariwang hangin ng kanilang garden, ngunit napaupo ako at napayuko ng maramdaman ko ang kagat ng langgam sa 'king paa.
"I will busy baby, babawi si Daddy sa sunday pangako."
Napatigil ako sa pagkakamot ng paa ng madinig ko ang boses ng lalaki sa 'king likod.
"Promise 'yan ha?"
"Promise my princess, pinky swear."
Napapikit ako dahil pamilyar talaga ang boses na 'yon, ngunit malabo dahil kung si pitoy ang lalaking 'yon ay.
Malabo talaga dahil nagdedeliver lang ng tubig ang trabaho non noon, pero anim na taon na ang nakakalipas Kia madami ng nagbago at nangyari at kung....
Mabilis akong tumayo at humarap ngunit tanging malapad na likod nalang nito ang naabutan ko na naglalakad palabas ng gate upang sumakay sakan'yang kotse.
Nilaro ko ang daliri ko dahil sa magkahalong kaba, napabaling ang tingin ko kay scarlet na abala sa pagkukulay at ng umangat ang tingin niya sa 'kin ay matamis itong ngumiti.
Hindi maari?
Pero hindi kapa naman sigurado Kia, baka magkaboses lang sila at parehong.
Natapos ang pagluluto ni manang at pinasyang pakainin na si Scarlet at pumasok na din kami sa bahay, napatingin ako sa malaking portrait na nakasabit sa gilid ng hagdan.
Easton?
Napahawak ako sa dibdib ko mg mapatingin sa larawan ng lalaki habang kandong sakan'yang hita ang magandang batang babae...nasi scarlet.
Hindi ito maari.
Nanariwa sa 'kin ang alaalang nangyari pitong taon na ang nakakalipas.
Tagaktak ang pawis ko habang nanghihina matapos kong isilang ang batang babae, labag man sa luob ko ay wala akong magagawa.
Bukod sa wala akong pambayad sa hospital ay hindi ako pweding magpalaki ng bata kung sarili ko ay hindi ko kayang alagaan. Invalid man ang rason ko ay wala na 'kong ibang paraan kundi iwan sakan'ya ang anak namin.
Wala akong kakayahan maging ina noon dahil sa malalim na rason na hindi ko masabi dahil sa kadiwagan at pagtakas sa responsibilidad.
"Tita Kia"
Napabaling ang paningin ko sa batang babaeng nakatayo sa hagdan hawak ang kan'yang teddy bear.
Scarlet.
Sadyang maliit ang mundo dahil ang mga taong gusto kong hanapin ay kusang lumapit sa 'kin sa di inaasahan pagkakataon.
Ngunit paano ang galit at pagkamuhi ni
Pitoy, o sa totoo n'yang pangalan na easton?
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
RandomMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.