Easton point of view"Mr. Delafuente?"
Napaayos ako ng upo ng mapatingin ako sa ka meeting ko, umayos ako ng upo at tumikhim.
"I move nalang natin tomorrow 'to, masama ang pakiramdam ko. I'm sorry."
Napatingin ang may edad na matandang ka meeting ko kay Sandra at tipid na ngumiti.
"Sure, Thankyou."
Paglabas niya ng office ko ay.
"Ano bang nangyayari sa 'yo Easton?" malalim na paghinga ang pinakawalan ko at ibinalik ang paningin sa bintana.
"Dahil ba 'to sa ex mo, kay Zach at Tyler?"
"Oh come on Easton, wag mo ng pag aksayahan ng oras ang ganon klaseng babae, nandito kami ni Scarlet. "
"Kalimutan mo na ang babaeng ng iwan sainyo ng anak mo para sumama sa ibang lalaki. "Umangat ang tingin ko kay Sandra.
"Sinabi sa 'kin ni Zach, nong nafound out niya ang nakaraan niyo ng cheap na si Kia. At nabanggit niya din sa 'kin na sumama ito sa ibang lalaki at si Tyler 'yon. "
Naikuyom ko ang kamao ng makita ko ang tagpong nasaksihan ko kanina sa coffee shop, bibili lamang sana ako ng kape para sa makaka meeting ko ngayon araw ngunit nakita ko sila.
Si Tyler ang lalaking sinamahan n Kia noon, bakit ang mga taong malapit pa sa 'kin?
"Sinulot niya lang naman ang magkapatid Easton, sinabi pa naman sa 'kin ni Zach na hindi sila okay ng Kuya niya dahil kay Kia. "
"Kaya kapag hindi mo siya kinalimutan, ikaw at ang magkapatid ang magkakasira at masasaktan. "Dagdag niya.
"Kahit ano pang sabihin niya puro lang mga kasinungalingan Easton. "
Nanatili akong nakatingin sa salamin na bintana ng office ko dahil wala akong lakas na magsalita, wala akong gana sa lahat. Gusto ko nalang na mapag isa.
Tama si Sandra.
Puro nalang kasinungalingan ang mga sinasabi ni Kia, wala s'yang mapatunayan sa 'kin dahil lahat ay gawa gawa niya lang.
Niligpit ko na ang mga gamit ko para umuwi ng bahay, nagdrive na 'ko pauwi ngunit hindi pa man ako nakakarating sa bahay ay tanaw ko na ang pamilyar na sasakyan na naka hinto sa tapat ng bahay.
At ng bumaba ako sa kotse upang buksan ang gate ay.
"Easton."
Napahinto ako at kaagad na napabaling kay Tyler.
"May gusto akong sabihin, iimbitahan muba 'kong pumasok sa luob?" iniwas ko ang tingin at binuksan ang gate.
At ng maipasok ko ang kotse ay nakasunod lamang siya sa 'kin.
"Anong sasabihin mo?"
Ngumisi itong tumingin sa luob kaya sinundan ko ng tingin ang kan'yang tinitignan.
Magkasama lang sila kanina at ngayon hinahanap nanaman niya ang destiny niya.
"Gusto ko ng kape. "nakangisi n'yang sabi kaya tinignan ko lamang siya at naunang maglakad papasok ng bahay.
Pagpasok palang ay natanaw ko na si Manang at Kia sa kitchen area.
"Nakauwi kana pala Easton, ang aga naman ata. O sino 'yang kasama mo?"pinahid ni manang ang basang kamay sa basahan para salubungin kami.
Napatingin ako kay Kia na napatingin kay Tyler bago bumaling ang tingin sa 'kin.
"Ipagtimpla niyo ho siya ng kape"
"Kia iha, pwedi mo bang ipagtimpla ang bisita ni Easton ng kape? "
" O-opo manang. "
Naupo ako at ganon din si Tyler, ilan minutong namayani ang usapan bago ako magsalita.
"Anong ipinunta mo dito."
Naglakad palapit si Kia samin hawak ang dalawang tasa ng kape kaya napabaling sa ibang direksyon ang mga mata ko dahil hindi ko siya kayang tignan.
"Kasama ko si Kia sa America." bukas niya ng usapan ng mailapag ni Kia ang baso ng kape, umangat sakanya ang tingin ko at nakatitig lamang siya sa 'kin.
"Then? Alam ko na 'yan. Sinabi ng nanay niya noon at sinabing kalimutan ko na ang anak niya, wala silang paki na mag ina sa bata." sagot ko.
"Matagal ko ng alam 'yan, kung iyan lang ang ipinunta mo. Umalis kana.. Tyler"
"May lymphoma cancer si Kia nong ipagbuntis niya ang anak niyo."naikuyom ko ang kamao ko sa narinig ko.
"Mahal ni kuya Tyler si Kia at gagawa siya ng paraan para mabuo at maging masaya kayo. "
Nag echo sa pandinig ko ang iniwang Voice message ni Zach bago ako umuwi.
"Wala na 'kong pakialam pa sakan'ya, ayoko ng marinig ang sasabihin mo Tyler. "Walang gana kong sabi.
Tumayo na 'ko at inayos ang sarili.
"Umalis kana, gusto kong magpahi—
Hinigit niya ang kwelyo ko at inangat, galit ang kan'yang titig sa 'kin kaya tinitigan ko siya.
"Bitawan mo 'ko."
"Bakit ayaw mong maniwala Easton? Ako ng nagsasabi saiyo! Ako ang pruweba niya na nagkaroon siya ng sakit noon" nanginginig ang kan'yang braso habang higit ako sa kwelyo.
"Sinabi ko na sa 'yong wala akong pakialam pa sakan'ya, wala nadin saysay lahat ng pinagsasabi mo at kung ginagawa mo 'to para protektahan at tulungan siya. Nagsasayang kalang ng laway Tyler." Patulak niya 'kong binitawan kaya napabaling ang tingin ko kay Kia.
"Hinding hindi na 'ko maniniwala, kahit pa sabihin mong... Malapit na s'yang mam*tay dahil sa sakit niya." Nakangisi kong sabi at inayos ang kwelyo ko ngunit tumama ang kamao niya sa mukha ko dahilan para bumagsak ako.
Lumabas si manang dahil sa pangyayari at sigaw ni Kia.
"T-tamana Tyler."Mahinang naiusal ni Kia, tinangka niya kong hawakan ngunit sinalag ko ang kan'yang kamay.
"E tar*ntado ka pala e! Sinabi ko na sa'yo ang katotohanan pero matigas padin 'yang puso mo at masyadong sarado 'yang utak mo Easton!!" Dinuro duro ako ni Tyler kaya tumayo ako.
"At ngayon nakukuha mo pang sabihin na kahit mam*tay si Kia ay wala kang paki? "nanginginig ang kan'yang boses.
"Pinagtitiisan ko nalang s'yang makita pero ang totoo ay nasusuklam ako sa twing nakikita ko si Kia, lalo na kapag magkasama kayong dalawa. "madiin kong sabi.
"Kaya kung nandito ka para sakan'ya, isama mo na pabalik sa america'yang destiny mo at wag ng babalik pa sa buhay namin ng anak ko. "Tumalikod na 'ko at naglakad pataas ng hagdan.
"Pagsisisihan mo lahat ng 'to Easton."
"Iyan ba t-talaga ang gusto mo?" mahinang tinig ni Kia ang nagpahinto sa 'kin sa pag akyat ng hagdan ngunit nanatili akong nakatalikod.
Napapikit ako ng marinig ko ang kan'yang sinabi.
"Hindi mo na siya kailangan ipagtabuyan, sumama kana sa 'kin Kia."
Pagharap ko ay tuluyan ng tinanggap ni Kia ang kamay ni Tyler hababg bumagal ang kanilang kilos na tumalikod palabas ng bahay.
Humakbang ako pababa ngunit napatigil din.
"E-easton ano bang nangyayari sainyo?" Naiiyak na tanong ni manang ngunit wala akong oras na ipaliwanag sakaniya lahat.
Nagring ang phone ko kaya sinagot ko.
"Magkita tayo sa bar." inend niya ang call kaya napatitig akong muli sa pintong nilabasan ni Tyler at Kia.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
RandomMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.